Chapter 5

1K 28 4
                                    

K H A L I L' S   POV

Dumukot si Kath sa bulsa niya. May linabas siyang maliit na yellow na papel at ibinuka niya ito.

Bumilog kami sa tabi niya at sinilip ko yung nakasulat sa papel.

Yung clue:


"My feet hurts!"


Nakasulat ito sa maitim na tinta at para bang ang nagsulat nito ay hindi na nagabala para ayusin.

Napakunot yung noo ko sa pagtataka, "Anong my feet hurts?" tanong ko sa kanila.

Tumingin si Kath sa amin, "E-ewan ko?" 

"Ang weird, saan naman nanggaling yan?" comment naman ni Jess.

Ngunit si Juls ay nagbigay nang kakaiba na reaksyon, "Anong weird?" umiling siya, "That's just rude!" galit niyang sinabi.

"Bakit naging rude?" tanong ko sa kanya.

"Eh my feet hurts right now!"

"Ano?!"

Nagtinginan kaming tatlo kay Juls.

"What?" reklamo niya, "What are you guys looking at?!"

"Bakit masakit paa mo?" tinanong ko in case na makatulong.

"I bumped it kasi eh"

Agad na sumingit si Jess, "Te-teka, saan mo nabangga paa mo?" binigay niya kay Juls yung buong atensyon niya.

"Sa kitchen table downstairs. Don't judge me! It's harang eh."

Nagtinginan si Jess and Kath na para bang nakabuo ng idea. Samantalang ako din, nagets ko yung nasa isipan nila. Nag high five sila pareho at tumakbo pababa ng hagdan.

"What??" nagtanong si Juls nang walang kaalam-alam habang sinusundan ng tingin yung dalawa bumaba.

Tumawa ako at kinuha yung kamay niya.

"What are you doing?" tumingin siya sa mga kamay namin.

"Na figure out mo yung next clue. Ang galing mo pala sa ganito eh." ngumit ako.

Hinila ko siya pababa ng hagdan hawak ang kanyang kamay. Ngumiti si Juls at sabay naming tinahak yung daan pababa. 

Habang tumatakbo eh mas nabigyan ako ng idea kung gaano kalaki yung bahay. Parang yung mga nakikita ko lang sa panaginip ko. If only maganda yung kundisyon namin ngayon edi sana naenjoy ko tong view na to. Pero sa ngayon, iba ang dapat pagkaabalahan namin.

Pagkadating naming dalawa sa baba,

Nakaalis na yung table cloth nung lamesa at nakaluhod na si Kath and Jess sa gilid nung table.

Nasa ilalim ng table si Enrique. Silang dalawa.


J E S S Y' S POV

Pagsilip namin sa ilalim ng dining table,

Si Quen!

Nagtinginan kami ni Kath at agad inalis yung table cloth na nakaharang at hinagis sa isang tabi. Nagipon kami ng lakas at inusog paatras yung lamesa para walang makasagabal.

Narinig kong pumasok sina Juls at Khalil, "Eto si Quen!" napatigil ako, "...sila Quens."

"--ChiQuens" comment ni Khalil.

Nagprocess pa sakin saglit yung sinabi niya. Pero nung nagets ko, hindi ko napigilan yung tawa ko. Si Juls lang yung nagtulak saming dalawa bumalik sa realidad.

Video-Go-Seek [KathNiel FanFiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon