Part I

31 3 0
                                    

Someday You Will Come True


Fangirl...

OMG! Finavorite at RT niya yung tweet ko! Kaka-open ko lang ng twitter account ko. Di naman ako hibang sa pagtwe-tweet kaya lang yung crush ko active sa twitter e. Before ako natulog kagabi nag'tweet ako at tinag ko talaga siya. Kaya ngayon ang ganda ng umaga ko. Ni-like ko na rin lahat ng FB page at nagfollow narin ako sa kanya sa instagram.

Siguro masyado akong mababaw para sa iba, pero sa isang babaeng fangirl niya katulad ko, sobrang matutuwa, kikiligin at mababaliw kana. Na'iinspire tuloy ako palagi at madalas ko na siyang puriin at i-Tag sa mga tweets ko. Ayun, di niya ako dinidisappoint kasi lahat finifavotite at RT niya.

Kahit na sa lahat ng fans niya ginagawa yun pero kahit na naglaan parin siya ng kunting oras at effort para i-hit ang favorite at retweet button. Alam ko naman na imposibleng mangyari na magkalapit kami. Kumbaga isa siyang bituin na tinitingala sa langit, samantalang ako ay hanggang tingin at tili lang sa kanya. Bituin naman talaga siya.

Alam mo ba, alam mo ba
Na hindi ako makatulog?
Alam mo ba, alam mo ba
Kaiisip lamang sa'yo?
Alam mo ba, alam mo ba
Na bawat sandali ay ikaw ang nais ko?

Hay kung alam niya lang. Lagi kong kinakanta to, ang ganda kasing pakinggan at parang saktong sakto para sa nararamdaman ko sa kanya. Madalas ko narin pakinggan ito bago matulog, feeling ko kasi hinaharana niya ako. Kahit paulit'ulit kong panoorin ang mga video niya sa youtube di talaga nakakasawa. Kahit di pa siya ganon kakisig noon, hindi talaga nababawasan yung paghanga ko sa kanya. Yung boses at emosyon niya sa pagkanta talagang madadama mo. Minsan naiisip ko na ako yung kinakantahan niya at kikiligin ako ng sobra. Napakafeelingera ko talaga. Pero di naman siguro masama mangarap diba.

Isang araw namention kaming dalawa sa tweet ng fans club niya. Naku tawa-sigaw talaga nangyari kasi sweet fan niya raw ako. Mas gusto ko pa tuloy mag tweet palagi tungkol sa kanya. Malakas ang loob ko e kasi alam ko di niya naman ako kilala. Talagang sinasabi ko kung anong nararamdaman ko sa kanya sa mga tweet ko katulad ng pinapakilig niya ako, ang gwapo at ang galing niya, pati mga simpleng 'ingat' at 'goodluck' tuwing magpeperform siya sa iba't-ibang events. Napapaisip nga ako kung posible bang mainlove ka sa isang artista? E di dehado ako, wala naman akong pag-asa don e. Maraming nag-gagandahang babae sa mundo ng showbiz at walang wala naman ako don. Isa lang naman akong simpleng babae na may simpleng buhay. Sabi ng mga kaibigan ko na posible daw pero ayoko papaniwalain sarili ko kahit pareho kaming single kasi minsan lang naman talaga mangyari yun. Siguro nasa 1 over 1 million. Mas realistic naman yun diba?

Dahil mas gusto ko pang maramdaman niya nag suporta ko ay sumali ako sa official fans club niya. Sobrang saya ko kasi may nakakarelate saken pagdating sa kanya at napakalaki ng chansa na makikita at makikilala ko siya ng personal. Di ako nagkamali kasi dumating talaga ang araw na yun. Talagang nagpaganda ako at nagpagawa ako ng regalo para sa kanya na may kasama pang maiksing liham. Riregalohan ko siya ng maliit na gitara na may pangalan niya sa likod nito at pangalan ko din sa loob ng isang guhit puso. Sana mapasaya ko siya at maalala niya ako sa pamamagitan nito.

Hi Jeric!

Sana ay nagustuhan mo ang regalo ko. Alam ko na mahal na mahal mo ang pag-awit kaya ito ang naisipan kung ibigay sayo. Di ako nagsisisi sa pagiging fangirl kasi ikaw ang hinahangaan ko. Isang taong mabait at biniyayaan ng isang napakagandang talento. Alam kong malayo pa ang mararating mo at asahan mo na patuloy akong hahanga sa'yo. Mag ingat ka palagi at salamat sa pagbasa nitong sulat. :)

Your number 1 fan,
Ching

Nasa mga bente lang kami na makaka-meet and greet siya sa araw na yun. Halos mangisay ako sa kilig ng makita ko siya. Pinakagusto ko talaga ang kilay at mata niya, parang ito kasi ang nagdadala ng kakisigan niya kumbaga mala-badboy look pero may magandang personality. Lalo na pag ngumingiti siya, ay halos di ko maiwasan na mangiti din. Nang ako na ang susunod na magpapicture sa kanya, halos di ako makapagsalita dahil di ako makapaniwala na ang lapit namin sa isa't isa. Pero nabigay ko naman ang regalo ko at nakapagpa-autograph pa'ko. Nakonaman! Feeling ko ang swerte ko. Mali swerte talaga ako nung araw na yun kasi nagkita na kami. Kung gaano niya ako pinapakilig sa mga kanta niya ay tripleng-triple ang naramdaman ko nang makita ko ang bagong posts niya. Larawan ito ng niregalo ko sa kanya at may caption na hugis puso. Nagustuhan niya! ang saya saya ko kasi di ko akalain na gagawin niya yun. Sawakas napansin niya rin ako sa paraan na naisip kong makakapagpangiti sa kanya.

Ganon naman talaga ang isang fangirl, mapansin ka lang saglit ng taong hinahangaan mo ay parang abot langit na ang saya na madarama mo. Kailangan mo lang talagang makontento na isang fan ka lang at hanggang diyan ka lang, pero masaya ka.

~

Celebrity Crush...

Kakatapos lang ng event na pinuntahan ko sa Cebu. Nameet ko ang ilan sa mga fans ko. Ang saya ko kasi may napasaya na naman akong mga tao. Simula pagkabata ko parang kadugtong na talaga ng buhay ko ang musika kaya sa pananaw ko, ito talaga ang nagdala sakin sa tuktok ng tagumpay na natatamasa ko ngayon.

Medyo di naman masyadong nakakapagod ngayon. Makapag-twitter nga saglit, sigurado may mga fans na naman akong nagti-tweet tungkol sakin. Sa tuwing nababasa ko kasi yun mas lalo akong ginaganahan pagbutihin pa ang pagkanta ko. Syempre mahalaga sila sakin kaya di ko sila dapat ini-snob, dahil kug wala sila ay di ako maituturing na sikat. Nakakatuwa nga yung mga post, nakaka-boost ng confidence. Maliban nalang sa mga bashers, di naman talaga mawawala yun pero binabalewala ko nalang kesa patulan ko pa.

Teka naalala ko, may regalo pala akong talagang nagustuhan kanina at makikita mo talagang pinaghirapan at pinag-isipan. Isa itong maliit na gitara na may pangalan naming dalawa sa likod nito at nasa loob ng isang hugis puso. Sinubukang kong patugtugin at napakaganda ng quality ng tunog, iba talaga pag sa Cebu ginawa. May papel sa loob na nahulog galing sa loob ng gitara kaya tinignan ko kung ano ito. Bukod sa gitara ay may sulat pa siya para sa akin. Ang ganda ng sulat-kamay niya at ang mensahe nito. Kakaiba siya sa mga fans ko. Kadalasan kasi pag nakakatanggap ako ng sulat galing sa mga babaeng fans ko ay napakahaba at medyo magulo dahil sa maraming emoticon at ekspresyon. Pero ito ay medyo pormal at mas sincere.

Bukod sa pangalan niya, gusto ko rin malaman kung anong hitsura niya. Naisipan kong i-post ang larawan ng kanyang niregalo sakin na napakaganda. Marami naman nagbibigay ng mga regalo sakin galing sa iba't-ibang fans pero ngayon ko lang to gagawin kasi talagang nagustohan ko. Mga ilang sandali ay may nagcomment na. Nahagip ng mata ko ang comment ng isang nagngangalang 'Ching'.

Ching ******

Sana nagustuhan niyo po :)

Ibig sabihin siya yun. Sa kanya galing ito. Tinignan ko ang profile niya at napahanga ako sa ganda niya. Isang babaeng maputi, mahaba ang buhok na kinulayan, dark brown yata at napakaganda ng ngiti. Eksaktong hitsura ng babaeng nakaharap ko kanina habang inaabot ang kanyang regalo sakin. May picture pala kami, pero sa cellphone niya lang. Sana ay makita ko siya ulit sa mga susunod na gathering ng mga official fans club ko. Interesado akong mas makilala ko pa siya.

Someday You Will Come TrueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon