Part V

16 2 1
                                    

What if it's me?


Fan Girl...

Oh my! Am I dreaming or kamukha lang niya? This guy beside me looks like Jeric Mendez ng medyo lumiwanag.

"Alam mo may kamukha ka pero imposible naman kung artista ka, tapos katabi kita." medyo natawa ako sa sinabi ko, binalik ko nalang ang atensyon ko sa palabas.

"Sino namang artista?" ang weird naman nito, nakaharap parin siya sakin. Mamaya baka ano pang gagawain nito sakin.

"S-si..."

Di ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang tumunog ang cellphone niya.

"What? You're going to leave me here? ... Okay okay... Take care. Bye"

Baka kasama niya yung tumawag, girlfriend niya siguro yun. Kawawa naman to si kuya mag-isa nalang. Masyado na yata akong chismosa ah, sorry naman.

"Sorry 'bout that. Sino namang artista?"  tanong ni kuyang kamukha ni Crush.

"ah si Jeric Mendez, yung singer" sagot ko ng di siya tinitignan.

"What if it's me?" Teka, parang kaboses niya din.

"naku! yayakapin ko syempre! katabi ko na eh"

"Alam mo ba, alam mo ba. Na hindi ako makatulog? Napalingon ako sa kanya ng narinig ko siyang kumanta, kahit medyo maingay ay narinig ko parin naman ang boses niya. Omg! Confirm, it's him!

Alam mo ba, alam mo ba. Kaiisip lamang sa'yo?
Alam mo ba, alam mo ba. Na bawat sandali ay ikaw ang nais ko?" Para akong nanigas sa inuupuan ko habang nakatingin sa kanya na kumakanta. "Sige na yakapin mo na ako"

"a-ah. J-Jeric? oh my gosh." lumipad ang mga kamay ko saking bibig. Di ako makapaniwala na nangyayari to, na katabi ko siya, na sinabi niyang yakapin ko siya. Kung di lang siguro madilim ay para na akong kamatis dito. Ano na bang kaganapan sa palabas? parang di ko na nasubaybayan. Jeric naman kasi eh.

Napatawa siya sa reaksyon ko, nakakatawa na yata ako e. Bakit parag musika parin ang tawa niya? yung parang kinikiliti ka sa mga maliliit na halakhak niya.

"Hey, you okay?" tanong niya. Tameme na naman ba ako nito?


Celebrity Crush...

Since I noticed her beside me, parang ang hirap alisin ng tingin ko sa kanya. I know it's her, I'm sure. Fate was too good to be true, she's just right there next beside me and just right in time kasi umuwi na ang makulit na pinsan kong si Jasmine.

Sabi niya yayakapin niya ako pero I doubt if she can, I think she's a shy type of girl. Ibang-iba siya sa mga ibang babaeng fans ko na yayakapin, dudumugin at di mapakali sa harap ko. When I sang, her expression was priceless. I can''t help but smile, parang di parin ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon.

"Hey, you okay?" tanong ko sa kanya.

Tumango lang siya bilang sagot. She's so beautiful. Jeric make a move! You can't lose another chance with her again.

"Uhm, are you going somewhere after this?"

"Wala naman akong pupuntahan. I'm going home"

"C-can I drive you home then?" Did I just stutter?

"Di po ba kayo busy? Nakakahiya naman po"

Am I too old for her? I'm bothered with the 'po'.

"Hindi, it's okay. I would love too. I'll meet you in the parking lot entrance okay?"

"Uh-okay'' her eyes were sparkling, I can see her happiness from there. I'm happy too, para akong nakalutang sa ere. I hope I can be more than someone she admires because I know she can be more than a fan to me, more than my number one fan.

The movie was almost over and I suggested to go first to save her from controversies pag may nakakita samin na magkasama. Sa wakas I can do normal things with her for the first time and that is to drive her home.


~

A/N: Ehmeged! Team Tameme na naman ang ating Fangirl. HoHo!

Pa'no ba yan makakapuntos na ang Crush niya? Abangan ang mga susunod na eksena.

Iniba ko na ang Surname para maiba lang. hehe! Please vote if you like this UD :) thanks for reading po! :)

[Song: Alam mo ba by Jeric Medina]

Someday You Will Come TrueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon