Part VII

10 1 0
                                    

It Ringed...

Fan Girl...

Nakakapagod naman ngayong araw, end of the month na kasi ang daming reports na kailangan gawin at i-balance, kaloka. Nakaka-stress talaga, maayos pa rin naman make up ko pero yung utak ko parang hindi na, mabuti nalang at biyernes na ngayon at walang pasok bukas.

Kakarating ko lang sa bahay, makahiga nga muna sandali. Narinig ko parang may nagwawala sa tiyan ko, ang aga pa para maghapunan pero pinapagalitan na ako ng mga alaga ko sa tiyan.

Parang maiidlip yata ako ng biglang tumunog ang cellphone ko sa isang text. Kinuha ko ito mula sa bag ko, at tinignan kung sino iyon.

From: Ric M.

"Thingking good thoughts about you is not enough".Hope to see you tonight at Luna by 8pm.

Sino kaya to, tawagan ko kaya? Pumupunta naman ako ng Luna minsan pag may gig si Jeric, wala na akong update ngayon sa fangirling world ko dahil napaka-busy sa trabaho kaya hindi ko alam if nandoon din siya sa Luna mamaya. Pero it's not a bad idea at all, pwede naman doon nalang ako mag-dinner at maeenjoy din naman ako sa mga performers.

Tama! ganun na nga lang. 6pm pa naman kaya may time pa akong maligo at magpaganda. Stress ako kaya kailangan kong mag unwind tonight.

Pinalitan ko ang aking uniporme ng highwaste maong shorts, white crop shirt at red keds pagkatapos maligo. Nilugay ko lang ang hanggang baywang kong buhok na medyo kulot sa bandang dulo. Tinernuhan ko rin ng red cap na embroided ng letrang 'J' sa harap. I love boyish looks, gusto ko kasi kahit girly ay cool parin tignan mas komportable kasi akong ganito lalo na when wearing sneakers, free akong nakakagalawa unlike wearing heels.

Manipis lang na make-up ang nilagay ko sa mukha, tama lang para magmukhang presentable. Ready na ako for tonight, okay lang if ako lang mag-isa sanay naman ako mag solo flight pero itetext ko parin ang mga friends kong fangirl din.

Nasa message parin ni Ric ng binuhay ko ang screen ng cellphone ko. 'Di ko pa pala siya nare-replyan simula kanina. Ano bang sasabihin ko? mmm... who you?. ay parang ang pangit naman yata. Natatakot din ako kasi di ko naman kilala 'to, mamaya ay ano pang masamang mangyari sakin eh. Sila Cha na nga lang i-text ko, 7pm pa naman sana ay di masyadong traffic papunta dun.

~

Pass five after eight pm na akong dumating sa Luna. Pupunta daw si Cha at Liz ngayon, habang naghihintay ay nag-order nako ng aking dinner. Magsisimula palang naman, while waiting for my food someone caught my attention, kahit nakatalikod ay sigurado ako na si Jeric ang nakikita ko ngayon, testing his guitar. Una yata siyang magpe-perform, nabusog na yata ako kahit wala pa yung order ko. OA! nangigiti na naman ako, ganito talaga pag nakikita ko siya, GV lang.

Di naman ako masyadong malayo sa mini  stage at kitang-kita ko parin ang magpe-perform kahit na nasa pinaka-gilid ako sa kanan. Napili ko din maupo dito para makita ako agad nila Cha pagdating nila.

"Good Evening everyone, thanks for coming tonight. I will dedicate this song to the lady whom I was expecting to be here tonight and she is. Hope your enjoying the night" Sabi niya habang nagsta-strum ng kanyang gitara. Ang galing talaga, sino kaya ang ini-expect niya? baka may nililigawan na siya?yung kasama niya nanuod ng sine siguro. Parang may naramdaman akong kunting kurot sa bandang dibdib ko. I shouldn't be hurt right? I should be happy for him as his fan, ignore it ching please. Napatingin-tingin ako sandali sa paligid pero everyone is with a group or in pair. Tinignan ko kung saan siya nakatingin para may clue ako kung who's that lucky girl.

When your legs don't work like they used to before
And I can't sweep you off of your feet
Will your mouth still remember the taste of my love?
Will your eyes still smile from your cheeks?  

Someday You Will Come TrueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon