Imbes na one-shot ito ay hindi na. Kasi masyadong bitin daw. Thanks NoahElizaldes :)
~
Someday is Still at Work
Celebrity Crush...
It's been a month simula nung na-meet ko ang isang fan na di ko makalimutan. Parang napaka-espesyal niya saken. Marami namang maganda sa mundong ginagalawan ko pero iba talaga siya. Yung kada i-stalk ko siya ay parang napaka-care free niyang babae, palangiti at may takot sa Diyos.
Oo, stalker na nga ako ngayon pero sa kanya lang naman. Tinitignan ko profile niya, nakaPublic kasi lahat. Inaabangan ko ang mga tweets niya at pati IG post. Parang nakakabading nga pero parang pag di ko ginawa ay di ako mapalagay. Ano nga bang gagawin ko.
1 message received:
Admin(JericBabies)Hi po Jeric. Admin Chacha here again. We will be supporting you later sa EK together with the others kaya lang di kami kompleto. Goodluck po! :)
Si Chacha pala itong nagtext, president ng fansclub. Nandon kaya siya? Sa Cebu siya nakatira feeling ko e. Pero bahala na, mas mabuti ng handa. Sisiguradohin ko na pag magkikita kami uli ay makagawa ako ng paraan para mas makilala siya. Of course I will still give her privacy, alam mo naman ang showbiz kung hindi kulang ay sobra pa ang napapaalam sa mga tao.
Fangirl...
May fangirling moment na naman ako after a month. Tamang tama at Sabado, walang trabaho. Papunta kami ngayon sa EK together ng mga kasama ko sa official fansclub ni Jeric kaya lang sampu lang kami ngayon. Siya nga palagi topic namin, for almost three months ko sa fansclub naka-close ko na din sila lalo na si Chacha na siyang admin namin. Lahat naman siguro close siya.
Excited na excited na akong suportahan siya, kami actually. Mamimeet na naman namin siya mamaya sa back stage. Gusto ko din siyang tanungin kung nagustuhan niya ang regalo ko. Pinagawa ko pa yun sa Cebu, nag advance two days pa nga ako ng bakasyon don. Sana lang makapagsalita pa ako mamaya pag nakita siya ng malapitan, natatameme kasi ako e.
~
The best talaga ang kanta nilang Triangulo, karapat-dapat lang talaga na sila ang naging champion sa Phil. Pop. Nakaka LSS nga e, yun din yung kinanta nila kanina. Tili kami ng tili pag si Jeric na ang kakanta.
Papunta kami ngayon sa backstage. Kinakabahan na excited na di ko na alam kung anong nararamdaman ko. Severe na yata ako sa kabaliwan ko sa Idol ko e, maganda boses, matangkad, at mabait. Paglabas niya sa dressing room para makausap namin siya ay napasigaw kaming lahat at Isa-isa kaming nagpakilala.
"Oh I know you. Ching right?" Sabi ni Jeric ng magpapakilala na sana ako sa kanya.
OMG! Kilala niya ako. Feeling ko nagblush ang buong katawan ko. Pero bakit parang di siya mapakali? Ako din hindi e.
"Yes po" tipid kung sagot na nakangiti, parang may dapat akong sabihin pero di ko maalala. Napayuko ako kasi para akong nahihiya.
"Naaalala kita dahil sa gift mo. It was so nice and I like it." Boom. Yun pala dapat ang itatanong kung naaalala niya. Parang di ako makapaniwala sa naririnig ko, kasi naaalala niya pa nga. Tinukso tuloy ako ng mga kasama ko.
"My pleasure po" naku bakit ba nauubusan ako ng salita. E nasa harapan ko na siya, kinakausap ako. Tameme mode, parang nanaginip kasi ako e.
Tinawag na siya ng Manager nila kaya naman nagpicture muna kami bago siya nagpaalam sa'min, as a group at tag-isa since sampu lang naman kami. Yes! May bagong picture kami ni Jeric at inakbayan niya pa ako, nakakakilig. Sandali lang yun pero parang ang sulit sa pakiramdam. Ganito pala pag fangirl, kuntento kana kahit makausap mo siya saglit.
"Ate,this is for you."
May inabot na isang maliit na sobre sa akin ang isang magandang batang babae, nasa mga sampung taong gulang yata at agad ko namang tinanggap ito. Di na ako nakapagtanong o pasalamat man lang kasi tumakbo na siya sa direksyon na pinanggalingan niya kanina. Kanino naman kaya galing to?
~
Ano kaya ang gagawin ng Crush ni Fangirl?
at Kanino galing ang maliit na Sobre? mmmm
Salamat sa pagbabasa sa UD nato. :D may kasunod pa. Abangan! hehe
BINABASA MO ANG
Someday You Will Come True
RandomThis is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely...