Part III

21 1 0
                                    

Someday is Still a Mystery

Fan Girl...

Nakakapagod ang biyahe kagabi, di na nga ako nakapagbihis ng pantulog sa sobrang antok ay splak na ako agad. Nakahiga pa rin ako sa kama ko ng mapansin ko ang jacket ko saking tabi na may kung anong meron sa bulsa nito. Inabot ko ang jacket ko at kinuha ang papel na nasa bulsa. Naalala ko kagabi na binigay ito ng isang bata, di ko na nabuksan kasi ang saya ng kwentuhan namin sa sasakyan.

Kanino ba galing to? Binuksan ko ang isang puting sobre na may pulang tape na ginamit para maisara ito, pula din ang kulay sa loob ng sobre at may puting papel. Ano to? Love letter? Medyo natawa ako kasi may nagbigay ng ganito sa akin. Marami naman akong natatanggap na regalo sa mga admirers ko noon pero halos flowers na may card, chocolates, at teddy bear.

You're so beautiful, such a naturally gorgeous girl. I believe that image from yesterday will be forever burned into my memory. Your beautiful smile is something I'm starting to live for. Hope to see you again soon. Take Care alright? If you need me, I'm just here.

You can reach me through my phone number 09001122334

-Ric M.

Di naman creepy ang laman, kinilig naman ako sa gorgeous. May number pang sinama sa letter, mabuti nga kung toll free. Korni ko naman, pero Ric M? at tsaka kagabi to binigay e, ibig sabihin nakasabayan namin ito sa EK? Si crush? ay ang labo yata, huwag masyadong hopia Ching, less expectation less hurt. Sinave ko nalang yung numero niya sa phone ko, in case I need him daw. Matext nga to para naman di niya sabihing nagmamaganda akong masyado.

To: Ric M.

Thanks for the compliment. Just read your letter today. God bless! -Ching

Ayan nasend ko na. Makapagprepare na nga for Church, at dahil sweldo last friday ay idi-date ko muna ang sarili ko. Gusto ko munang mapag-isa, palagi ko nalang kasing kasama yung mga katrabaho ko pag restday o payday, nakakamiss din yung ikaw lang mag-isa.

Celebrity Crush...

Tinanghali na ako ng gising, almost 2am na kasi kami nakauwi kagabi at may hinintay din ako hanggang sa nakatulog na nga. Mabuti nalang free ako today kaya ayos lang. Makapunta nga ng gym ngayon.

Biglang tumunog ang cellphone ko at tinignan ko agad.

44 new messages

Napangiti ako sa pag-asa na isa sa mga mensaheng ito ay galing sa kanya. Nasa bulsa ng leather jacket ko na kahapon ang envelope na may lamang letter habang kinakausap ko ang mga fans ko and she was one of those, di ko lang alam kung kailan at paano ko ibibigay kasi maraming nakatingin. Hindi naman ako torpe kaya lang iba nuon at iba ngayon. Noong paalis na sila ay kakalabas lang namin at may batang babae na umiiyak akong nakita sa labas dahil nahiwalay sa mommy niya kaya I grabbed the chance to ask her a favor na ibigay yung letter ko for her at hahanapin namin ang mommy niya pagkatapos. Yun lang kasi ang paraan na naisip ko that time dahil I can't give it to her personally and if I ask someone else other than that kid, I'm afraid what will happen next. Para sa akin that beautiful little girl was like an angel to me kasi nahabol niya pa ito bago sumakay sa Van at pagkatapos niyang maibigay yung letter kai Ching ay nakita agad siya ng mommy niya.

Sana nga ay binasa niya yun at mapansin niya. I included my number there, if this wouldn't work di ko na alam ang gagawin ko sa susunod to take hold of her. I scrolled down to look for an unknown texter and then my phone died. Ang ganda naman ng timing, makapag charge nalang nga muna.

~

After 3 hours..

"Time out" sabi ng gym instructor ko. It means I'm done for today.

Tagaktak ang pawis ko sa pagbo-boxing. I turn my phone on, di ko pa pala nacheck uli ang message ko after ko mag charge. Mas lalo pang dumami ang mga message na di ko pa nababasa, iisa-isahin ko nalang to mamaya. Tignan ko lang muna if may text siya. May nahagilap akong isang unregistered texter at agad-agad ko itong binuksan.

From: Unknown
+639004556677

Thanks for the compliment. Just read your letter today. God bless! -Ching

Napakagat ako sa labi ko para mapigilan ang paglapad ng ngiti ng makita ang pangalan niya sa dulo ng mensahe. Kaya pala hintay ako ng hintay kagabi ay wala talagang text galing sa kanya.

God! Jeric you have her number, what will you do next? Call her now? No. I think I should text her back and still leave her clueless that it's the man he admiers.

~

A/N: Pa mystery guy ang peg ni crush at di naman pa-hopia ang ating fan girl. Hoho Abangan ang susunod na kabanata, hanggang sa susunod. :D

Someday You Will Come TrueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon