AMBAHAN SA BUHAY

105 1 0
                                    

I.
Mapayapa ang gabi sa bukid,
Kasing-payapa ng panganganak ni Itid.
Sanggol niya'y di umiyak, di kumibo
Akala ng lahat ito'y wala ng buhay, wala ng pulso
Himala! ani nila, sapagkat dilat ang sanggol,
"CRISANTA" tawag ng ama sa kanya, sa Diyos ay inuukol.

II-
Nang mag-tatlong taon, syay nagsimulang bumibo,
Pakanta-kanta't, sasayaw-sayaw pa ito.
Kaya lang ayaw kumain ng isda't itlog
Magulang tuloy nag-aalala kung syay lulusog.
Dahil sa kulit ang lola'y napabulyaw "MASAY!".
Ibig sabihin "Maupo ka sana Inday".

III-
Di naglaon, naging palayaw niya ito, "MASAY".
Mapakapitbahay ma't kaibigan tawag itong tunay.
Tila tumakbo ang taon, sabik ang buwan
Si Masay kulit nag-aaral na ng greyd wan.

IV-
Matalino, aktibo sa klase komento ng titser.
Madalas talon ng talon, sanay di magka-ulcer.
Maganda ang ipinamalas sa matimatika,
Kaya sa paligsahan sila'y nangunguna.
Ngunit isang araw, nagbago ang lahat.
Nawala ang kulit, ngiti nya'y nawalan ng sikat

V-
Anong nangyari sayo Ineng? Kasingtamlay mo ang lantang gulay,
Ayaw magsalita, ayaw kumibo tila nabura ang kulay.
Hindi na nakipaglaro, ayaw ng makipaghalo-bilo.
Ang kulit napalitan ng anyong seryeso.

VI-
Pagdadalaga rin  nya'y kaybilis,
Si "SAY" ay nawala, pumalit naman si "CRIS".
"CRIS" ang seryoso nitong katauhan,
nagsusunog ng kilay, libro ang kanyang unan
halakhak huwag munang asahan,
Tila kasiyahan kinalimutan o pinipilit iwasan.

VII-
Dahil sa pagsusumikap nakatapos  sa sekundarya- "Salutatorian"
Ngunit walang maipintang kasiyahan sa kanya.
Nang masilayan ang Ina

The ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon