Pag-ibig: Masakit ma't mabigat ang timba na puno ng tubig, pinagagaan ng makapangyarihang pag-ibig.
Buhay: Sinumang naliligaw sa pagmamaneho ng buhay,
May estrangherong susulpot at magtuturo ng tunay.Bayan: Ang taong mas nakakaalam, hindi na nakikialam
Ang hindi na nakikialam, syang lihim na kumakamkam.Malibot mo man ang marangyang sanlibutan, kailanman hindi malimot iyong dukhang bayan.
Edukasyon: Malayo man ang kweba ng edukasyon, ginto naman ang kamayanan doon.
Kapaligiran: Kapaligirang patuloy na dinuduguan, ganti ng api, buhay at luhang walang katataguan.
Sa sandaling umiyak ang kapaligiran, halakhak ng bukas hindi na masisilayan.