Kilalang "Masay" sa kanilang bayan,
"Crisanta" pagka nasa paaralan.
Batang walang kasing bibo sa silid,
Minsan nakukurot ng guro sa gilid.
Pero bakit animo'y pipi sa bahay,
Tahimik at nahihiya sa mga kapitbahay.Matalino, aktibo sa klase komento ng titser.
Madalas talon ng talon, sanay di magka-ulcer.
Maganda ang ipinamalas sa matimatika,
Kaya sa paligsahan sila'y nangunguna.
Ngunit isang araw, nagbago ang lahat.
Nawala ang kulit, ngiting may nakatagong sugat.Anong nangyari sayo Ineng? Kasingtamlay mo ang lantang gulay,
Ayaw magsalita, ayaw kumibo tila nabura ang kulay.
Hindi na nakipaglaro, ayaw ng makipaghalo-bilo.
Ang kulit napalitan ng anyong seryeso.Minsan syang napansin sa may chapel San Isidro,
Nagtanong: Natutulog ba ang Diyos, lolo?
Matanda'y nagulat agad pinayuhan.
Bulong ng puso'y pakinggan,
Ang Maykapal ika'y binabantayan.
Sa araw-araw at magpakailanman.Kadiliman sa kanya lumamon,
Naging masinop, hambog, mahilig manghamon.
Pag-aaral wala sa isip;
Sa barkada napakasipsip.
Payo sa kinabukasan lusot sa tenga,
Anong problema, anong problema nga!Nene na, lumitaw ang naposas na himig
Sakit na tiniis, tinig ngayon narinig.
Sa magulang siya'y kulang sa pansin,
Away na nagpabasag ng sandaang pinggan din.
Ita'y may baril, nakatutok sa ina.
Sigaw nila'y ayaw marinig o makita.Pangarap na masayang pamilya,
Sa kanya ipinagkait pa!
Pusong lito, kailan maalam
Bilog na tubig ang nagparamdam,
Hanging maputi mahigpit na yumakap,
Bumulong "sikat ng sikap".Sa isang iglap naibang lahat,
Nagsumikap mag-aral nang tapat
Kasiyahan sa tamang panahon,
Laging wika niyang ganoon.
Natutong mag-aruga sa kapatid,
Magulang walang basag na hatid.Sa kanya'y milagro ang araw,
Kolehiyo'y natapos, sa tuwa napasayaw.
Ama't Ina naging aktibo sa simbahan,
Wow! hirap pala paniwalaan.
Walang permanente sa mundo,
Masaya ngayon, bukas magulo.Guro na si Masay,
Mahusay magturo sa science, math at soc. scie.
Tuwa sa mata ng mag-aaral,
Lunas sa pagod ng ginawang daldal-aral.
Lihim na nagalak ang ama,
Anak niya'y mabait at tama.Masama o magandang balita,
Si Masay natamaan ng bata.
Pana't sibat ang sa kanya tumalim,
Hiwaga ng pag-ibig na malalim.
Masarap umibig sa tamang panahon,
Kapiling ng kabiyak ngayon.Puting hangin laging nagpaparamdam,
Kung bakit at ano'y hindi alam.
Mula ng maliwanagan,
Siya'y isang kahiwagaan.
Diyos na dakila't tagasubaybay
Dilat sa bawat bulong ng buhay.Pinakahihintay na araw ni Masay,
Halong galak, kaba, mula sa pag-ibig na tunay.
Palakad patungo sa may altar ng Diyos,
Kasal na habambuhay ang inayos.
Singsing ng pangako kanyang sinuot,
Purong pag-ibig sa puso'y suot.Maraming nagmamano pagkababa sa sakyan,
Sa paaralang matagal naiwan.
Sampung taon bago muling makita dating napasukan
Higit ang nasa harap, lalaking unang minahal.
" Sister Masay!" biglang tawag ng batang may asal.