Ambahan

79 2 0
                                    

Tayo na Neneng, laban!
Buhay ay 'di magaan,
Kapit kang buong higpit;
Sa Kanya'y walang sakit.
Hapdi, kirot ma't poot
Mawaglit kahit sotsot.
Pinto ng puso'y buksan
At 'wag mag-alinlangan.
Ngiti na, ngiti ka na
'Yong mata'y kumakanta;
Tinig mo'y sumasayaw
'wag sayangin ang araw;

Ikaw nama'y magaling,
Bakit pa tumitikhing
May Atelophobia ba?
Sana ito'y bumaba
Mali mo'y di idibdib;
Normal tayong kumigkib.
Sulok lisanin agad;
Tumindig ka't lumakad
Subukan mo lang muli,
Ang bugtuin ang tali
Ika'y magtatagumpay;
Pagkat Siya gumagabay.

Interpretasyon:

The ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon