Chapter 2: Meet The BRATZ

17 0 0
                                    

Hannah's POV

Nandito na kami sa salang lahat. At iba-iba ang pwesto namin. Since malaki ang sala nila Bem dahil mansyon tong bahay nila. Tigiisa kami ng upuan. Actually ako lang talaga ang nagsolo sa isang mahabang sofa.

Si Bem nasa isang sofa with Roselyn and Ellie. Si Kaye naman solo ang isang sofa yung tipong makakaupo ka lang hindi makakahiga. Si Sam at Cess share din sa isa pang sofa.

Busy silang lahat, ako lang ang walang ginagawa.

Si Ellie nagbabasa ng novel book.

Si Sam gamit ang laptop niya at nagfefacebook.

Si Cess nagcecellphone, for sure nagpopost nanaman yan si instagram niya.

Si Bem naghahanap ata ng bagong pagaaralang dish sa cook book nila.

Si Kaye ayun nagrereview. Grade concious yan ee.

Si Roselyn? Ayun natutulog, nakadantay yung ulo kay Ellie.

At ako? Haha, wala akong ginagawa.

Para may magawa ako. Ipapakilala ko sa inyo ang grupo namin. Ang BRATZ. It consists of 7 members.

Actually we are group of gangsters. Hindi nga lang halata sa kanila kasi hindi sila gangster kung kumilos, ako lang. We master different kinds of martial arts. Judo, Kung fu , taekwondo etc. Kaya din namin gumamit ng kahit anong klase ng baril and so on. But we're still studying. We are all graduating students in the field of BS Accountancy.

Let's start the introduction sa pinakamatanda sa grupo.

Ellyn Joy Go 20 yrs old. Half Korean and Half Chinese. Her father is chinese while her mother is korean. She grow up in South Korea with her family. Nung makilala namin siya she was so quiet and super feminine niya kumilos. But now she changed a lot, kung dati natatakot siyang ipakita kung ano siya ngayon hindi na. She was a car racer back in South Korea, but she never revealed her face in public. They called her so mysterious because after the race bigla na lang siyang mawawala, yung mga representative na nga lang niya ang kumukuha ng award niya eh. Right now, here in Philippines she's managing a Bake Shop, she specialize in Cakes and cookies. She loves baking. She got that talent from her Dad. She has a older brother who is 4 years older than her.

Samantha Lim, she is also 20 yrs old but 2 months younger from Ellie. She's a pure Chinese pero laking America siya. She's good in pranking others so beware of her. Ang alam ko ipinapakasal siya sa kuya ni Ellie. Haha XD what a small world right? Aksidenteng nahalikan niya kasi yung kuya ni Ellie sa isang bar na pinuntahan niya, eh may nakapagvideo pala. Napanood ng pinsan ni Sam yung video, ang lukaret din kasi ng pinsan ni Sam eh palibhasa close sa father ni Sam ayun ipinanood kay Tito-father ni Sam. Inaantay na lang nila ang graduation, after grad. dadalin sila sa China at ipeprepare na ang gagamitin para sa kasal. Syempre invited kami, di pwedeng hindi. Alam kong masyadong OA si Tito, pero OP kasi siya kay Sam. Ewan ko nga din kung bakit di tumututol yung Kuya ni Ellie. Sam loves barhopping, pero dahil sa kahiligan niyang yun, ayun ikakasal na. Haha :D. Oo nga pala she's selling different kinds of Wine, she's good at mixing drinks pero ayaw niya magaral ng related sa ganun. Ewan ko din kung bakit, tanong niyo na lang sa kaniya. Oh I forgot to tell you, she's also a racer. In fact we are all racers. But Sam never tell it to anyone except for us.

Princess Lee 20 years old, 3 months younger from Sam. She's half japanese and 1/4 british and 1/4 korean. Tindeee noh?!! Haha XD. Half korean-half british kasi ang Papa niya while her mother is a pure japanese. She is super model. Naging model na siya ng iba't-ibang brands like Gucci, Chanel etc. She wants to be a fashion designer but since she is an only child she can't study fashion designing. She's super weight concious, tabain kasi kaya ganyan. Back in our childhood days, ang taba niya sobra. Pero paggraduate niya ng Elem. she decided to lose weight. Pero kahit ganyan yan kaliberated manamit, NBSB yan. Yun nga din pinagtataka ko, sa dami ng manliligaw niya wala siyang sinasagot. Si Kuya Harold ata type niyan eh, minsan kasi kapag nasa bahay yang si Cess tapos nakatambay si kuya Harold sa sala lagi niyang tinititigan. But anyways, kahit maarte yan si Cess di naman niya pinapabayaan yung studies niya.

Strawberry Weselton 19 yrs old. Half Canadian. She's a great cook, pero mas gusto niyang maging certified accountant. But still, her father give her one of they're famous restaurant for her to manage. She's the nerd in the group. She's running for Summa cum Laude.

Kaye Wu ang Kikay ng BRATZ. She's 19 yrs old. Ang Queen bee ng campus. Her business is beauty products, mahilig kasi siya magmake-up, kahit ako minemake-upan niya. Pero tinatanggal ko din agad kasi nangangati yung muka ko. She's a grade concious,makakita lang yan ng line of 8 sa card niya naghihisterical na agad. Well, di ko siya masisisi, bunsong anak siya yung mga kuya niya ay mga summa cum laude graduate. She's always compared to her brothers kaya pressured siya sa pagaaral. Unlike Cess, si Kaye hindi maarte sa pananamit eventhough she's always wear dress hindi naman siya mapili. Kung ano sa tingin niya ang simple dress na babagay sa kaniya yun ang sinusuot niya. She's always tolerating my childishness. Kapag napapaaway ako, lagi siya bumabackup kapag wala ang tropa sa paligid. That's why I love her as a bestfriend. She's running for Magna Cum Laude in our batch.

Seong Ji Eun. But we call her in her english name Roselyn. 19 yrs old. A pure korean like me. She's managing a clothing line business, she named it Seong Clothing Line. Pero kahit she's managing that kind of business she prefer to wear simple jeans and shirt like me. Simple kaming manamit na dalawa kaya magkasundo kami. In our gang she's the hawk eye of the group. Maniniwala ka ba na yang simpleng babaeng yan ay ang cheerleader ng cheerleading squad? Haha XD magaling yang sumayaw, SOBRA!! Talented yang babaeng yan.

Well yung sarili ko naman ang ipapakilala ko. Im Kim Hannah- Kim is my surname. Im a pure korean. 18 yrs old ang maknae ng grupo. Sometimes I act like Im the oldest one but sometimes I act like a childish and immature one. Unlike the others, iba ang personality ko. Kung sila girly kung gumalaw ako naman boyish. Kaya nga minsan sa campus kinequestion ako kung panu ko naging kaibigan ang BRATZ eh. Well, hindi ko din alam, but I enjoy my friends company. I have a business, one is the Bar and the other is related to Cars and Big Bike. I also have branches of Salon around Manila. Can you believe it? Im Boyish but I do have a Salon business. Haha XD Kahit ako di ko alam kung bakit pinasok ko ang ganyang business. And isa pa nga pala, my family owns the Mall na pinaghintayan namin kay Cess. I have 4 brothers.

Kim Hyun Sang-the oldest 23 yrs old. He's an architect. Crush niyan si Ellie, haha XD inaasar ko nga yan eh. Spoiled ako sa kaniya.

Kim Hyun Sung-22 yrs old. A civil engineer. NGSB ang peg niyang si Kuya, pero may mahal na yan torpe lang. Hulaan niyo kung sino napupusuan niyan? Non other than Strawberry Weselton. Ayiie, may mga lihim na pagtingin ang mga kuya ko sa friends ko. Mabait yang si Kuya, suplado nga lang. Kaya di siya pinapansin ni Bem eh sungit kasi.

Kim Hyun Jung-21 yrs old. Saming lima siya lang ang nagkainteres na magpatakbo ng business na tinayo ni papa. He prefer to called Yvo, ang layo sa name niya diba? May Ketek ata yang si Kuya ee. May girlfriend yan, yung asst. niyang si Ate Graciela. Ang bait nga ng gf niya na yun eh. Super ganda pa, parang model.

At si Kim Harold-20 yrs old. A marine student. Siya yung pinagpapantasyahan ni Cess. Kaso nga lang etong si Kuya sobrang manhid. Sabi kasi ni kuya sakin ang type niya daw na girl ay yung simple lang manamit, yung natural beauty, ayaw niya ng mahilig magmakeup at sobrang arte sa katawan. Kaya siguro di niya pinapansin si Cess, kabaliktaran kasi siya ng ideal girl ni Kuya eh. I feel sorry for Cess haha XD

Ok bact to my introduction, NBSB ako. Kapag kasi may nagtatangkang manligaw eh binabantaan na agad ng mga kuya ko. Kilala kasi silang tatlo nung college pa sila sa Kim University, bukod sa kapatid sila ng may-ari- na walang ibang kundi ako- eh kilala sila dahil sa pagiging gangster din nila dati. Nung nakagraduate sila pinabantayan nila ko kay Kuya Harold. Kaya siguro ako boyish kasi puro lalaki kasama ko sa bahay nung dun pa ako nakatira. Bumili na kasi ako ng condo ko na malapit lang sa University ko. Oo KO, Kim University is under my control. Kaya takot lahat sakin sa school dahil bukod sa ako ang may-ari, gangster pa ko kung kumilos. I love eating pero never akong tumaba.

Hanggang diyan na lang muna.

Inaantok na ko eh, sleepy na si Eyes. Gora muna ko sa dreamland

zzzzZZZZZZZZZ =_=

-- END OF CHAPTER 2

A/n: nakilala niya na ang BRATZ at ang kuya ng ating bida. Pinagiisipan ko kung gagawan ko ng special chapters ang circle of friends ng ating bida. Anyways dont forget to vote and comment. *^_^*

Im His SlaveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon