x̸ Chapter 3

116 4 0
                                    



JOSH's POV




Sobrang boring talaga dito sa bahay. Yayain ko sana si Drea para mag shopping tapos di naman sumasagot. Binuksan ko ang laptop ko at nag facebook muna pampalipas oras....


Sino ba 'tong TP10 na to at sila nalang lahat ang laman ng newsfeed ko. Puro mga schoolmates ko yung nagpopost. Kesyo ang perfect daw! Maka-perfect naman ang mga 'to. Maniniwala lang ako na perfect sila kung mala-Captain America ang itsura nila at sure akong hindi. Puro nalang fanpage at post about sa kanila nakikita ko, teka check ko nga. Nakakaintriga ha!


Tekaaaaa????!!!!


Ang Tp10 at yung mga kaklase ko na lalake na ginalit yung teacher namin ay iisa????


Kaya naman pala ganon nalang kung kumilos sila. Dahil nga chismosa ako, nagsearch pa ko na tungkol sa kanila sa google. Wow ha! May mga lumabas na results, meaning hindi sila basta basta. Wala naman ako nakita na nakakuha ng atensyon ko, maliban nalang sa mga videos at article about sa mga gigs at pagtugtog nila. So, mga musikero pala sila. Dami din nila views sa youtube. Siguro nga magaling sila kumanta kaya ganon nalang din yung fans nila. Pero bakit naman kaya sila napapunta sa school ko?


Teka, kumakanta din kaya yung lalaking taga dito din lang sa subdivision namin? 





Kinabukasan.....






Hay. Praise the Lord kasi last subject na namin to for this day. Buong araw ata ko di nakikinig e, halos kung ano ano na naddrawing ko dito sa notebook ko. Wala kasi akong gana makinig eh tsaka wala din naman kwenta mga sinasabi nitong si Miss. Puro love ang dami nyang alam! 


"Ms. Lee, for you, what is Love?" ha? tama rinig ko? tinawag ba ko ni Miss? Patay! 


"P-po?" biglang nagtinginan sakin yung mga kaklase ko. 


"What is Love, Ms Lee?" Paguulit ni Miss. Teka ano ba isasagot ko dito. Bwisit naman oh! Kung kelan wala akong pake sa lesson tsaka naman siglang sigla to magtanong hay


"Uhm for me... Love..." shit. Wala talaga ako maisip kundi puro bitter na salita. For sure pag in negative way ko sinagot yung sagot ni Teacher baka mababa igrade saken neto sa recitation. Balita ko hopeless romantic pa naman daw si Miss. 


"Love is Sacrifice, Miss." napatingin naman ako kay Miss. Kita din sa mukha nya at ng mga kaklase ko na nagiintay pa sila na dugtungan ko yung sagot ko. Shit, I got nothing on my mind. 


"It is sacrifice because when we love someone we often give things up just to make the person we love happy." Thank goodness buti may lumabas na maganda sa bibig ko. Tumango-tango naman si Miss sa sagot ko. Ewan ko ba kung nasatisfy sya sa sagot ko or wala lang sya choice 


After ilang drawing pa ng kung ano ano di ko napansin na tapos na pala ang klase. Sa wakas makakauwi na din ako! Dederetso na sana ako ng bahay namin pero naisipan ko na dumaan muna sa playground. Bet ko magisip isip ngayon eh! Kaya naman nagpababa muna ko kay manong dun sa playground at pinauna na sya. 

Unexpectedly got Inlove with Him (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon