Chapter 4

19 0 0
                                    

Pagtungtong nila ng Third year, naging magkaklase si Anne at si Ben, at dahil sa nangyari noong second year sila, naging magkakilala sila. Unlike before na langit lupa ang layo ni Ben para kay Anne, ngayon ay parang anlapit lapit na ni Anne sa mga pangarap niya. Pero siyempre hindi pinapahalata ni Anne na may feelings siya kay Benedict dahil ayaw niya masira friendship nila. Syempre maraming naiinggit kay Anne, kaya dumadami din mga kaaway niya.

Ben: Hi chicks.. (sabay kalabit sa balikat ni Anne)

Anne: Oh Ben, bakit nandito ka? (kinikilig)

Ben: classmate tayo sa subject na Anatomy and Physiology. Ayaw kasi ako tanggapin ng prof dun sa section namin eh.. maghanap daw ako ng tatanggap sakin na prof.. and POOF!! I'm here! :)))))))

Anne: Really?? Wow! Tara tabi tayo? ano?

Ben: Sure! Alam mo namang hindi ako makakahindi sa'yo ehh..Basta pakokopyahin mo ako ha.. Hahahahaha!

Anne: (bulong ni Anne sa sarili "Shocks!! kung alam mo lang Ben na yang mga pinagsasabi mo ay ang kahinaan ko.. I love you!) Hahahahahahahaha sige ba :)))

Naging lalong masaya ang buhay ni Anne dahil close na sila ng crush niya. Lalong naging masipag si Anne sa pag-aaral at dahil doon madalas napupuri at napapansin ni Ben ang kaniyang talino. Siyempre kilig na kilig si Anne sa bawat salitang binibitawan ni Ben sa kaniya at dahil doon nagkaroon ng chismis sa university nila na tungkol sa kanila.

Rica: girl! girl! nako bad news.. You are the topic dito sa school!

Anne: Ano?! Anong sabi? Kaya pala kanina pa nila ako pinagtitinginan sa labas! Ano bang sabe?

Rica: May relasyon daw kayo ni Ben and the worst about that may relasyon kayo ni Ben...... sa kama.. Oo, sex partner ka daw niya..

Anne: Ano?!!

Rica: Yes, kahit sa fb kalat na rin yung issue.. umiwas ka muna kasi kay Ben.

Anne: Mag-ussap nga kami ni Ben mamaya.

After ng lunch ay tinawagan ni Anne si Ben sa phone.

Anne: Hello? Ben?

Ben: Hello. Anne, oh babes bakit napatawag ka?

Anne: papasok ka ba mamaya? pumasok ka at mag-uusap tayo. Alam mo na ba yung issue saten?

Ben: anong issue? Wait mo ko, ligo lang ako.

Naghintay si Anne at ng dumating si Ben, nag-usap kagad sila nito.

Ben: Hey babe.. What happened?

Anne: bakit chill ka pa jan eh may issue na nga tayo!

Ben: Ayaw mo ba non? Sikat ka! Hahahahaha.

Anne: Ben, I'm serious! Nachichismis tayo. Sex partner mo raw ako!

Ben: whatttt?!!!

Anne: So chill ka pa nyan? Grabe, nai-istress ako! midterm pa naman!! Haaaaaaay nako!

Sa loob ng isang buwan, naging matunog ang pangalan ni Anne dahil sa issue na iyon. Natakot din siya dahil baka iyon na ang end ng friendship nila ni Ben. Since sobrang close sila ni Ben, andami na niyang pictures na kasama ang crush niya. Inipon niya itong lahat at inilagay sa isang notebook. Parang scrapbook. Habang tumatagal ay lalong nafo-fall si Anne kay Ben and walang idea si Ben sa feelings ni Anne para sa kaniya pero medyo nakakahalata na si Ben dahil sa sweetness ni Anne sakanya and until nakita ni Ben yung pinakatatagong scrapbook ni Anne.

Anne: Arvin, may nakita ka bang notebook jan?

Arvin: aling notebok? wala naman ehh..

Anne: hindi.. yug color pink na may design na flowers.. kainis naman ohh.. hindi pwedengg mawala yun.. (natataranta sa kakahanap)

Arvin: san ka ba huling pumunta? (busy sa pag gawa ng assignment)

Anne: (natahimik at inalala kung saan siya huling pumunta) Gosh! sa Room! baka may makakita nun! (agad na umakyat sa room nila )

pagka akyat na pagka akyat ni Anne sa floor nila ay kinabahan siya dahil nakita niyang nandoon si Ben sa room nila. Dahan dahang naglakad papuntang room nila si Anne.

Ben: Hi babe!

Anne: uhmm.. hi.. what are you doin' here?

Ben: wala lang.. soundtrip.. ikaw?

Anne: ah, eh.. may hinahanap lang kasi ako.. (pumasok na kagad si Anne sa room nila)

Busy si Anne sa kakahanap ng scrapbook niya nang biglang inabot ni Ben yung scrapbook kay Anne. Halos manigas na parang yelo si Anne sa kinatatayuan niya. Walang imik, walang salita na lumabas sa bibig nilang dalawa. Hindi alam ni Anne ang gagawin ngayong nalaman ni Ben ang totoo. umalis si Anne matapos niyang makuha yung scrapbook.

Pagka uwi ni Anne, chineck niya yung phone niya at may text si Ben doon.

"Hi chicks, don't worry. ok lang saakin yung nalaman ko. don't worry nothing will change. :)))"

Matapos mabasa ni Anne yung text ni Ben, halos lumundag siya sa tuwa kaya nawala ang takot na nararamdaman niya. Simula noon naging open si Anne kay Ben kaya lang lumalayo ang loob ni Anne sa mga BFF nya.. Most of the time kasi kasama niya si Benedict and halatang fini-flirt na sya ni Ben. Isang beses, narinig ni Michelle na nag-uusap ang barkada ni Ben tungkol kay Anne.

Mark: Bebot ba ni Ben yung babae na lagi niyang kasama?

Edward: Hindi ahh! Sabi niya matalino daw yun kaya kino-close niya.. GINAGAMIT niya daw yun para makapasa sya.

Nagulat si Michelle sa narinig kaya ikinuwento niya ito kay Anne ngunit hindi nakinig si Anne instead, nagalit pa siya dahil sinisiraan daw lang nila si Ben. Ngunit dumating yung araw na narinig niya mismo kay Ben iyon. May kausap kasi sa phone si Ben at pinag-uusapan nila yung estado ni Ben sa school.

Ben: Hello, okay naman ako. Oo, 4th year na ako sa pasukan at babalik na ako bilang regular med tech student! Grabe, buti may naka-close ako dito na nerd and tinutulungan niya ako sa lahat. As in. konting lambing ko lang, POOF instant assignment at project na. Natatawa nga ako eh, nung finals namin naki-kopya lang ako sa kanya pati dun sa isang katabi ko ayun, pumasa ako. hahahahaha take note mas mataas ako sa kaniya...... Ayun na nga eh, nadevelop sa mga karakas ko kaya patay na patay sa akin ang loko. Hahahahaha! Ganyan talaga ang friends with benefits.. Hahahaha!........ Ano? ako madevelop? No way? Ano ako baliw? In her dreams.. Oh siya, tama na at bobolahin ko pa ulit siya ehh..

Walang kaalam alam si Ben na nasa likod lang pala niya yung tinutukoy niyang niloloko niya, at iyon ay is Anne.

My One And Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon