Chapter 2

35 0 0
                                    

Almost 5:30 pm na nakalabas ng trabaho ang 4, nagtawag na ng taxi si Michelle para mahaba ang bondingan nilang magbabarkada.

Arvin: Oh, buti napilit niyong sumama itong si Anne. Diba may allergy yan sa mga night out?

Rica: Hay nako, kakaladkarin ko siya kung hindi siya sasama.

Anne: Kahit kelan talaga bakla ambrutal mo. Ang sweet mo rin ehh noh?

Rica: Well, ganun talaga. Si Papa Arvin lang ang exception sa inyong dalawa ni Michelle. (sabay yakap kay Arvin)

Michelle: Tara na, andito na yung taxi naten. San ba tayo pupunta?

Anne: Hala akala ko ba nakapag decide na kayo ng venue?

Arvin: Kahit saan na lang. Sus, ngayon pa tayo mag-iisip. San niyo ba gusto? Ikaw Rica? May idea ka ba?

Rica: Hala, akala ko naman nakapag-isip na kayo. Wala ako maisip na magandang bar, hindi ako nakapag search kanina ehh..

Dahil tumatagal ang pag dedesisyon nila, naiinip ang manong driver.

Manong driver: Ano? Sasakay ba kayo o hindi? Nagtatagal kayo eh, sinasayang niyo ang oras ko.

Rica: Epal ka rin manong eh noh? Diba nagdedesisyon pa kame?

Manong driver: Eh antagal ninyo. Yung pinang hihintay ko sa inyo eh ipang hanap ko na lang sa ibang pasahero. (Naghahanda nang umalis)

Anne: Manong sasakay po kami. May alam na akong pupuntahan natin. ( Sabay pasok sa loob ng taxi)

Pagsakay sa loob ng taxi, halatang may malaking question mark sa mukha ang 3 kay Anne.

Michelle: Bakla, san tayo pupunta?

Arvin: Oo nga Anne, di ba wala ka namang alam na bar? Bakit bigla kang may naisip kagad jan?

Tahimik si Anne. Hindi niya sinagot yung dalawa.

TOK!!

Anne: Aray! Anu ba yun? (Habang kinakamot yung parte ng ulo na nabatukan)

Rica: Anung drama yan teh? Bakit hindi sumasagot? San bang bar kasi tayo pupunta?

Anne: Hindi nga tayo sa Bar pupunta!

Rica, Arvin, Michelle: ANOOO?!!

Anne: OO.. Sa bahay nila Rica tayo pupunta. Mas tahimik dun at mas gusto ko dun.

Rica: Teka, bakit dun samen? Party-party nga tayo diba?

Michelle: OO nga.. KJ ka teh!

Arvin: Hay nako, nag desisyon na naman si "Manang"

Anne: Pwede ba? Stop calling me "Manang"! Well, dun na lang tayo kasi mas naisip ko na mas magandamag boding kela Rica. Mas magkakaroon tayo ng time for each other and also this week puro work ang inatupag natin!! RELAX.. :)) (Habang pumipikit ang mata na parang nagme-meditate)

Rica: Sabagay korek ka jan girl.. Medyo masakit nga yung likod ko..

Michelle: Ako rin ehh.. Kaya lang, papayag ako sa isang kundisyon.. Kailangan dun tayo mag over night. Since Friday ngayon at wala tayog pasok bukas. Parang mag Pajama party tayo :)) (Gigil na gigil)

Rica: Ay Oo girl!!! Exciting yan!!!! :)) Ayiiie!! (Excited na excited at tumitili)

Anne: Ayiiiie! Nae-excite na rin ako!! Antagal na kaya nating hindi natulog sa inyo Rica..Yung hulig natulog tayo sa inyo eh nung gumawa tayong apat ng thesis nung college tayo.

Excited na excited yung tatlo sa biabalak nilang party habang si Arvin eh tahimik.

Michelle: Oh Arvin mukhang hindi ka yata excited?

Arvin: eh wala na akong magagawa eh. Majority wins. (Nakatingin sa bintana ng taxi)

Rica: Wag ka na mainis papa Arvin, for sure masaya yung mangyayari mamaya :)) (Sabay yakap kay Arvin) (A / N: Bebang at Popoy ang nickname ni Michelle at Arvin nung bata pa sila at tanging sila at mga relatives lang nila ang gumagamit nitong nickname na ito)

Anne: Oh Bebang (Michelle) at Popoy (Arvin) kayo na bumili ng mga pagkain at drinks natin mamaya ha. Kami ni Rica ang mag aayos sa bahay.

Dahil matagal na nilang hindi nagagawang mag-overnight bonding excited ang 3. Si Arvin go with the flow na lang dahil gusto niya sanang makakita ng mga chicks sa bar kaya lang hindi iyon natuloy. Unang bumaba ng taxi sina Michelle at Arvin para bumili ng pagkain nila. Si Anne at Rica ang natira sa loob ng taxi.

Rica: excited ako talaga mamaya. :)) Oh ano, i-open mo na sami yang hinanakit mo kay Benedict para kahit papano hindi ka nagkakaganyan.

Tumahimik si Anne at tila nag dadalawang isip.

Rica: Ano ka ba? Wag ka na mahiya. Alam namin ang buong nangyari and we're here para tulungan kang mag move-on.. Isa na rin sa mga reason kung bakit umagree akong sa bahay na lang tayo mag punta.

Anne: ...................Okay.

Pagdating nila Anne at Rica sa bahay, naghati kagad sila ng task na gagawin. Si Rica ang bahala sa sala para dun sila mag-inuman at si Anne ang nag-ayos ng kwarto kung saan sila matutulog. At dahil mayaman sila Rica, kasama nilang nag aasikaso ang nga Maid nila sa bahay.

Mabilis na naayos ang kwarto at ang sala kaya ang next na hinanda ng dalawa ay yung additional foods na kakainin nila. Habang hinahanda nila ito, sabay naman dumating sina Arvin at Michelle.

Arvin: Huy bilisan niyo. 7:30 na. Mag dinner muna tayo. gutom na rin ako ehh..

Michelle: Ako din.. Haaay.. grabe kapagod. Na-alog yung utak ko dun sa sinakyan nating tricycle kanina, Arvin.

Rica: Oh tara na! Kain na tayo.. Hinanda koyung favorite mong ulam papa Arvin, Pork Adobo with Egg. Kasama ko si yaya Loring nung niluto yan :)) (Habang hinahanda sa table yung ulam)

Si Yaya Loring ang kasambahay nila Rica na nakakita at nakasubaybay sa paglaki nilang apat. Siya ang naging guide ng apat sa lahat ng kanilang desisyon lalo na yung sa mga bagay na nahihiya silang i-open sa kanilang magulang. Lahat ng lihim ng barkada, si yaya Loring ang nakakaalam at wala ng ibang pinagsasabihan nito.

Michelle, Arvin: YAYA LORING!!!!!!!!!!

Yaya Loring: Oh kamusta na kayo? Antagal niyo nang hindi dumadalaw dito ahh.. Oh kaen, kaen kayo..

Michelle: Nako Yaya Loring miss na miss na namin kayo. Hindi kami maka dalaw dito pano busy na kami eh.

Yaya Loring: Busy ba sa trabaho or busy sa mga gimik? Ay Susme, kahit matanda na ako alam ko pa rin yang mga tumatakbo sa isip niyo. Mga batang ito talaga. Oh sya, magsi-kain na kayo.

Michelle, Arvin, Rica, Anne: HAHAHAHAHAHAHA Thank you yaya Loring!!!

Yaya Loring: Oh sige, aakyat na ako ha.. Matutulog na ao. Alam niyo na, tumatanda na ang yaya Loring niyo. Hehehe. Oh sya, akyat na ako, wag kayong magkukulit ha.. BEHAVE!!! Okay?

Masaya ang lahat after makita si Yaya Loring at masaya rin sila sa kinakain nila. Sa sobrang gutom ng 4 eh napa-taob nila ang kaldero ng ulam. Habang nagpapahinga ang ilan, hinahanda na ni Anne ang mga alak at chichirya na binili nila Michelle. Halata sa mukha ni Anne na ready na niyang i-open ang sitwasyon niya ngayon. Dahil after ilang beses niyang iniwasan ang mga tanong sa kaniya tungkol kay Benedict, ngayon niya na ito handang harapin.

Rica: Oh ano girl? Ready ka na?

Anne: Hmmm.. Oo ready na ako. Pasensya na guys kung hindi ako naging open sa inyo tungkol sa topic na ito. Alam niyo naman na super sakit yung nangyari noon nung college tayo. 3years na ag nakalipas pero hindi pa rin naghihilomyung sugat na ginawa nung nangyari.

Arvin: We understand you naman Anne, atleast ngayon ready ka na mag open up... And ready to move-on. :))

Michelle: Oo nga gurl.. Don't worry..

Rica: Umpisahan na yan.. Oh eto na ang mga paborito nating chichirya. (Habang inilalapag ang Piattos, Chicharon ni Mang Juan at Kropek)

Anne: Okay sige.. Game na ako..

My One And Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon