Chapter 3

23 0 0
                                    

Habang kinukwento ni Anne ang saloobin niya, ay unti-unting nananariwa sa kaniyang isipan ang mga alaala noong sila ay nasa kolehiyo pa. Ang mga suot nilang uniform, ang paborito niyang style ng tali sa buhok, ang maingay na classroom, assignments at professors, classmates at siyempre ang one and only crush niyang si Benedict.

First year pa lamang noon si Anne ay crush na crush na niya itong si Benedict at hindi lang crush... Obsessed. Si Benedict ay nagte-take ng B.S. Med. Tech. habang si Anne, Rica, Michelle, at Arvin ay B.S.Psychology. Kilalang kilala si Benedict sa UST (University of Santo Tomas) bilang isang cutie guy, bad guy at play boy at kahit ganon ang image niya sa school imposibleng hindi mo siya magustuhan.

Marami siyang naging girlfriend. Parang lahat na yata ng babae handang pumila para maging boyfriend siya at ang madalas, inaaway ng ibang mga babae ang present girlfriend ni Benedict para makipaghiwalay ito. Bad guy si Benedict dahil madalas siyang nasasangkot sa gulo. Madalas rin hindi niya inaawat ang mga babaeng nag-aaway dahil sa kaniya. Marami ring mga professor niya ang sumusuko dahil sa sobrang kulit niya at dahil don ay naging sakitsa ulo siyang kaniyang mga magulang.

Isang beses noong naglalakad ang magbabarkada palabas ng school

Anne: Gosh! Si Ben!! Ohmaygahd! Ohmaygahd..

Michelle: Anu naman?

Anne: Wait! Maganda na ba ako? Ohveeeer! Anjan na siya... Ayiieeee!, (Habang hinahampas ang braso ni Rica sa sobrang kilig)

Rica: Aray! Bakla ka may pagka sadista ka rin eh noh? Kailangan nananakit kapag kinikilig? Ganon ba yon bakla???

Anne: Hahahaha! Sorry, sorry.. Grabe! Kinikilig talaga ako. Super gwapo niya!!

Arvin: Alin jan? yung may color blue na bag? eh mas gwapo pa ako jan ehh..

Anne: Tumigil ka nga jan Popoy! He's my Prince Charming at ikaw ang frog! Echusero toh. Ayiiiiie kinikilig talaga ako..

Arvin: Echusero ano yun? Okay lang na maging frog atleast pag dumating yung princess ko at hinalikan niya ako, magiging Prince na rin ako :))) (Nagmamayabang)

Rica: Sige Arvin, I will be your Princess and I will kiss you. (Nakanguso)

Michelle: Bakla, ang sabi ni Arvin, Princess ang hinahanap niya hindi WITCH!

Rica: (Sinasabunutan si Michelle) Kontrabida ka rin eh noh?

Michelle, Anne, Arvin: Hahahahahahahahaha!!!

Nung dumaan sa harap nila si Ben ay hindi nag-atubiling nag-"hi" si Anne.

Anne: Hi Ben...: ))

Hindi sumagot si Ben pero lumingon ito at kinindatan si Anne sabay ngiti.

Anne: (Pinipigilan ang kilig habang hinahampas si Michelle) Owhveeeer! Nakita niyo? Kinindatan ako? Grabe!!

Michelle: Aray! kailangan nananakit? I feel what you've felt kanina Rica.. Hahahahahaha!

Umikot ang buhay ni Anne sa paganon-ganon.. Kilig, magha-"hi" kay Benedict tapos kikindatan, Magbibigay ng mga cookies na binake niya, titignan yung picture sa facebook to the point na iniistalk na niya si Ben sa fb, laging nila-like yung status ni Benedict sa facebook at laging fine-flames ang pangalan ni Ben at ang pangalan niya sa likod ng notebook niya. Sa ganong routine eh solve na ang araw niya.

Dumating ang kanilang second year sa college. Wala pa ring nagbago, ganun pa rin si Anne.. Obsessed kay Ben pero maganda naman ang nagiging outcome nito dahil motivated lalo siya ma-aral, nagiging pala-ayos siya sa sarili, lahat na! Inshort nag-improve ang pagkatao niya dahil sa feelings niya kay Ben. At sa mga panahon na ito madalas na niyang makita ang crush niya lalo na kapag P.E. ni Ben. Basketball kasi ang P.E ni Ben tapos break nila sa mga oras na iyon kaya habang break nila ay nandoon siya sa school gym nila para panoorin si Benedict. Dahil may pagka-epal ng konti si Anne, dinadampot ni Anne ang mga bolang napupunta sa labas ng court at ihinahagis ito pabalik.

My One And Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon