Chapter 5

21 0 0
                                    

Halos madurog ang puso ni Anne sa mga sinabi ni Ben tungkol sa kaniya. Tanging luha lamang ang lumabas at ang nagsalita para sa kaniyang nararamdaman habang si Ben naman ay hindi makapag salita dahil sa sitwasyon niya. Nag-walk out si Anne pero hinabol siya ni Ben.

Anne: Leave me alone!! (habang tumatakbo at umiiyak)

Ben: Anne, wait.. wait.. Mag-usap muna tayo..

Anne: I said leave me alone!! ( pumasok sa CR ng mga babae)

Walang malapitan si Anne nung mga panahon na iyon kaya tanging CR na lang ang napuntahan niya. Hinintay ni Ben na lumabas si Anne at habang hinigintay ay sinubukan niya itong tawagan pero in-off ni Anne ang phone niya.

After 3 hours ay saka lang lumabas si Anne at nakita niyang naghihintay pa rin si Ben sa kanya. Mugtong mugto ang mga mata ni Anne at kahit nakita niya si Ben ay hindi niya parin ito pinansin. Hindi na muna sinundan ni Ben si Anne.

Matapos ang nangyari ay pinutol ni Anne lahat ng communication niya kay Ben. blinock sa fb, nagpalit ng sim card, lahat na. Lahat ng mga naging picture nila ni Ben ay sinunog niya. Hindi makapaniwala si Anne na yun pala ang reason kung bakit nakipag-close sa kanya si Ben.

Samantala, nalungkot si Benedict sa nagawa niya. alam niya sa sarili niya na bad boy siya pero hindi siya yung ganong tipo ng tao. Nung mga panahon na yon kasi malapit nang ma-kick out si Benedict sa university nila at ang tanging paraan para hindi siya ma-kick out is maipasa niya yung subject na Anatomy and Physiology, since alam niyang maraming tao sa course na Psychology ang ayaw sa kanya dahil sa pangit na image niya sa school sinubukan niyang maghanap ng makaka-close niya. Since wala siyang mahanap kundi si Anne lang, kay Anne na lang siya sumama. Balak niya talagang gamitin si Anne pero sa tagal nilang nagsama ay parang nafo-fall siya para kay Anne. Pero dahil ayaw niyang may maka-alam ng feelings niya towards kay Anne, sinubukan niya itong itago.

Itinago niya ito dahil alam niyang pahihirapan si Anne ng mga babaeng nagkakagusto sa kanya. Hindi alam ni Anne na masayang masaya si Ben ng malaman niya na may gusto rin sa kaniya si Anne dahil dun sa scrapbook na nakita niya. At yung tungkol dun sa narinig ni Anne kay Ben na niloloko siya, nagpanggap si Ben na may kausap sa phone para paniwalain ang mga chismosang galit kay Anne na niloloko lang niya si Anne at para hindi nila ito saktan dahil narinig niya na balak i-bully ng husto si Anne kung hindi niya titigilan si Ben. kaya nagulat si Ben ng makita niyang umiiyak si Anne dahil sa narinig.Nataranta din siya dahil hindi niya maipaliwanag kay Anne kung bakit niya ito kinailangang gawin.

Lalong nalungkot si Ben ng malaman niyang pinutol ni Anne lahat ng communcation nila. Nagsisisi siya kung bakit hindi niya kagad sinabi kay Anne yung tunay niyang nararamdaman para atleast kahit papano ay maiintindihan ni Anne yung ginawa niya.

Dumating na ang pasukan at ito na ang last year nila sa college. Muling nagka-ayos ang barkada at hindi na muling nagtagpo si Anne at si Ben. Since regular med tech student na ulit si Ben, iba na ang sched. nilang dalawa. Nag-umpisa na magpaganda si Anne, hindi para kay Ben pero para sa sarili niya. Bumalik ulit sa normal ang buhay ni Anne; wala nang umaaway sa kaniya, wala na rin nangungulit sa kanya at lagi na silang magkakasama ng barkada niya. Tinulungan din ng mga barkada niya na kahit papano ay malimutan ni Anne si Benedict. Siyempre kahit hindi naging sila masakit pa rin sa part ni Anne na malaman na ginagamit lamang siya ng taong minahal niya.

Dahil unti-unting gumaganda si Anne, medyo nagiging sikat na rin siya sa school at sumali siya sa iba't ibang beauty contest at dahil doon naging mas confident si Anne sa sarili niya.

Rica: Congrats girl! Another contest nanaman ang napanalunan mo :)))) So what's your plan? Binibini Pilipinas ang next?.

Anne: Hindi na siguro.. I'm just doing this kasi para malimutan ko si Ben.. Well I guess, nagawa ko naman..

Rica: Wait.. wait.. naguguluhan ako. Ang buong akala ko eh you're doing this because gusto mong bumalik si Ben sa'yo. Like you know, dating pangit si girl tapos magpapaganda siya para mag higanti or bumalik sa kanya yung guy..

Anne: Ofcourse not!! I'm doing this for myself. To recover.... At ngayong medyo okay na ako, I'll stop. At isa pa if he's really sorry, kakausapin niya talaga ako. Ilang beses na akong sumali sa contest and for sure nakita niya ako. Di ba?

Rica: kung sa bagay girl korek ka jan.. so balik ka na sa normal? like manang? Pano na mga offers sayo? Yung mga suitors mo?

Anne: Hindi naman sa Manang pero..... Basta! :))))))))))))

Habang naging blooming si Anne para sa sarili niya, naging pala aral naman itong si Ben. Nabawasan ang mga kaaway niya at dumami rin ang nawirdohan sa pagbabago niya.

Ben: kailangan ko mag-aral mabuti para mapansin ako ni Anne Kaya ko ito!

Dahil maraming pagbabagong nangyari sa sarili nila Anne at Ben, sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkita silang dalawa. Habang papunta sa locker niya si Anne ay nakasalubong niya si Benedict na papunta namang library

Ben: Uhmmm.. Hi! Ah, eh.. (kinakabahan)

Anne: .................. (nagulat dahil hindi niya inaasahan na magkikita sila ni Ben)

Ben: Kamusta ka na Anne? Uhmm.. kumain ka na? Uhmmm... L-lunch tayo s-sa labas.. Antagal na rin nating hindi nagkita..

Halatang halata sa mukha ni Ben ang excitement makausap si Anne.

Anne: Uhmmm.. S-sorry Mr. Montemayor pero I'm busy at this time.. M-maybe we can have lunch some other time (kinakabahan at pinipilit kausapin si Ben)

Ben: Ah, eh.. G-ganun ba? P-pwede ko ba mahingi yung no. m-mo? Uhmm.. so that tatanungin na lang kita sa text kung busy ka.. (nilabas yung bolpen at notbuk)

Hindi alam ni Anne ang gagawin sa mga oras na iyon. Alam niya sa sarili niya na gustong gusto niya maka-usap si Ben pero kailangan na niya itong iwasan. Kinuha ni Anne yung bolpen at notbuk na inabot ni Ben at nagsulat ng number.

Ben: Uhmm.. Maraming salamat Anne. Totoo nga yung sinasabi nila, ang ganda mo.... Ang ganda mo :))))) (titig na titig kay Anne)

Anne: .........okay goodbye :) (ngumiti saglit si Anne sabay alis doon sa locker niya)

Kahit saglit ang nangyari ay naging masaya si Ben dahil alam niyang masasabi na niya kay Anne yung tungkol sa nangyari at yung tunay niyang nararamdaman. Samantalang si Anne ay nalungkot dahil na-realize niyang hindi pa siya nakaka-move on.... Mahal pa rin niya si Benedict.

Pagka-uwi na pagka-uwi ni Ben ay sinubukan niyang tawagan kagad ang no. na binigay ni Anne sa kanya.

My One And Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon