Chapter 1

151 0 0
                                    

Hi guys! This is my first time to write a story here. Sana magustuhan ninyo :)) Enjooooy!! Pasensya na kasi hindi ko pa kabisado ang mga pipindutin dito sa wattpad tsaka kung panog style yung gagawin ko ehh.. :))) ENJOY GUYS :))

My One and Only You by freudian ©2013

Note:

Ang nilalaman nito ay pawang piksyon o kathang isip lamang. Anumang pangalan, pangyayari, o lugar na nakasaad dito na may kaugnayan sa sa totoong buhay ay nagkataon lamang at hindi sinasadya ng author.

Hmmm.. Sa kwento ko po na ito, since Mario Maurer addict ako, si Mario po yung leading man :))))) I soooo looooove Mario!!!

---------------------------------------------------------------------------

"Oo nga pala... Hindi nga pala tayo... Hanggang dito lang ako...: Nangangarap na mapa-sa'yo...."

Haaaay.. Lahat tayo dumaan sa pa-crush crush. Yung tipong nakakakilig sa tuwing nakikita yung crush natin. Inspired mag-aral, inspired pumasok, lahat! Kapag nandiyan ang barkada at nandiyan si crush, tuksuhan, kilig, madalas pa nga yung kilig natin may automatic na hampas kaagad yan kapag naramdaman natin. Minsan din kapag gusto natin makakuha ng contact sa crush natin pinapagawa natin 'yon sa kaibigan nating makapal yung mukha at madalas ganito ang eksena: "Bakla, kunin mo naman yung no. ni kuya.. Please?" Oh diba? okaya kapag nagpe-facebook, sinesearch ang pangalan ni crush. Malas mo na lang kung naka-private or hindi siya searchable. HAHAHAHAAHAHA!

Well, that's normal pero minsan sumosobra na rin tayo. Masyado na tayong nagiging possessive kaya in the end nagiging broken hearted tayo kahit na single tayo. Umiiyak, wala sa sarili, balisa, and most of the time BITTER! Kaya yang lyrics na nasa itaas ay dedicated para sa mga taong hanggang friends lang sila ng mahal nila :(( Haaay.. Pag-ibig talaga, masyadong mapili! Sinasabi nila wala daw pinipili ang love, mas matimbang daw yung kabutihang loob ng tao kesa sa physical appearance pero tignan mo, sino yung mga madalas may love life? Yung mga magaganda, yung mga gwapo, yung mga sexy at macho. May makita ka mang panget na in a relationship pustahan tayo, nagpi-feeling maganda/gwapo lang yon.

Kaya ngayon, hindi ko na inaatupag yang lovena yan, career ko na lang inaatupag ko. NBSB (No Boyfriend Since Birth) man ako, keri lang atleast successful ako. Diba?. Siya nga pala ako nga pala si Anne, at your service.

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Chapter 1

"Hoy Anne, uwian na. Bakit anjan ka pa? Ano yan PAGPAPAKABAYANI este Overtime?"

"Bruha ka, anong pagpapakabayani? Paalis na ako noh.."

"Ayun! Sama ka samin nila Arvin at Michelle. Punta kaming bar mamaya. Siyempre alam mo na.. BOYS!!! It's showtime!"

"Hay nako bakla, pass muna ako jan.."

"Anong pass?! Bakla, ilang beses na yang pass mo na yan. Ano ba balak mo sa buhay mo, mag madre?? Bakla ka, di bagay.. Hahahaha! Simula nung college hindi ka sumasama sa amin nila Arvin at Michelle twing may night out tayo.. Takot sa mangre-rape? Anjan si papa Arvin ko to be your savior, andito rin ako, ako yung unang magpapa-rape. Wag mo asahan si Michelle, mandidiri yung rapist sa kanya. Hahahahahahaha!"

"Baliw! Hay nako, alam mo naman siguro kung bakit ayoko sa mga lalake noh.. Hindi naman ako man hater pero I just hate them when it comes to love. Alam mo naman na yun diba? You know..."

"Jusko teh! antagal na nun di ka pa naka move on? Jusko, maryosep kang babaita ka.. Antagal tagal na nun..."

" Hindi ko alam pero may takot na ako.. :(( "

"Leche andrama mu, sampalin kita nitong basahan na hawak ko ehh.. basta sumama ka mamaya.. mag reminisce tayo ng mga moment natin nung college tayo.."

"Hindi nga ako sasama... Ang kulet!"

"Bahala ka.. Kakaladkarin kita para sumama ka.."

"Tsk. Sige na nga! Bahala kayo ha, libre nyo ako.."

Sila ang bestfriends for ever. Si Anne, Si Arvin, Si Michelle at si Rica (Richard ang tunay niyang pangalan). Magkababata sila at hanggang ngayong nagtatrabaho ma sila eh bff pa rin sila. Si Anne, simpleng babae siya. Walang arte, Walang "umph" kaya siya ang MARIA CLARA sa barkada pero kung kiligin ay sobra sobra. Galing sa may kayang pamilya si Anne pero sinanay siya ng magulang niya sa isang simpleng buhay kaya hindi siya sumasandal sa magulang niya sa mga pangangailanga niya. Matalino rin si Anne, since may aura siyang "manang" bibihira ang nanliligaw sa kanya pero katulad ng isang caterpillar unti-unting gumanda si Anne at dumami na din ang mga suitors niya.

Si Arvin ang papable sa barkada. Maraming nagkakagusto sa kanya. Bata, dalaga, at bakla nagkakagusto sa kanya at isa na doon si Rica. NGSB (No Girlfriend Since Birth) si Arvin, masyado siyang pihikan at may pagka suplado din kaya madalas na pagkakamalan siyang bakla ng ibang lalake pero para sa mga babae, ang pagiging suplado niya ang nagdadagdag sa kagwapuhan niya. Matangkad, makinis ang balat at may katamtamang puti ang kulay ng balat. Super crush siya ni Rica actually mahal na mahal siya ni Rica kaya over protective si Rica sa kanya. Katamtaman lang ang buhay ng pamilya ni Arvin, hindi mahirap at hindi mayaman.

Si Michelle ang kikay ng barkada. Madalas sila magkasundo ni Rica sa mga branded na bagay. Simula pa noon, gusto na ni Michelle maging isang fashion designer, marami na rin siyang mga sketch na damit. May aura si Michelle na pagka maarte kaya madalas nahihiyang lumapit ang mga low profile na tao sa kanya pero ang totoo sanay siya sa hirap. Kumakain siya ng ISAW, BALOT, BETAMAX at kung ano-anong street foods. May kaya ang pamilya ni Michelle. Siya na rin yung tumatayong breadwinner sa pamilya dahil nanay na lamang ang magulang na meron siya.

Si Richard a.k.a Rica ang friendly na beki sa barkada. Si Rica ang pinakamayaman sa kanilang 3 at dahil doon, siya ang hero ng mga kaibigan niya in terms of financial crisis. Dati balanced ang barkada nila, 2 girls and 2 boys pero since umamin si Rica noong 1st year college sila, ayun Charlie's angels ang dating nila. Sa barkada, bestfriends si Arvin at Rica dati (noong Richard pa siya) pero ngayon more than friends na ang gusto ni Rica. Mahal na mahal ni Rica si Arvin, although alam lang ni Arvin na mahal siya ni Rica, walang idea si Arvin kung gaano ka importante siya sa buhay ni Rica at tanging yung dalawang babae lang ang nakaka alam nun.

My One And Only YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon