CHAPTER 1

87 2 0
                                    

This is my first story of my own "College of Lovers series".Sa totoo lang ay dapat pangalan ng university ang i-ta-title q dito.Dahil wla na qng maisip,"College of lovers" na lng ang ipinangalan ko sa series na to And i write the story "Novel-like".

But i wish ya'll appreciate the story.And oh,the concept of the story is "light romance" so their are no "erotic and sizzling bed scene in the story"...

 P.S

Depending on your imaginations na lang po yung mga hitsura ng mga characters sa story kaya hindi ko na nilagyan pa ng cast...

 ____________________________________________________________

"ANO BA?!" nakukulitang pananaway ni Lucy kay Lorraine na mukhang hindi pa titigil sa pangungulit at pangaasar sa kanya.

     "Ayoko ngang kumain. Bumili ka na lang,tutal nasa Canteen naman na tayo. Bilisan mo,uwian na.Gusto ko nang umuwi."

     "Eeh, Sige na," pangungulit nito "Tatawagin ko siya."

     "Sinong siya?"

     "Siya." tinuro ni Lorraine ang isang lalake sa kalayuan. Kilala niya ito.Isa pa

ay iritadosiya rito.

     "Ang kulit mung babae ka." Umupo siya at umupo din ito.

     "I am so me not, you know."

      Napalaki-mata sabay kurap siya sa pag baluktot ng pag i-ingles nito. "What the heck? Pa-sossy ka pa. Baluktot naman yang pag i-english mo."

     "I'm so not baliko... amph... my english... y-you know—"

     "Eh anong tawag mo diyan?"

     "English speakanin, bakit?"

     "Oo na lang."

     "Eh bakit ba? Pilipino ako 'no! Puro."

    "Talaga lang? Eh ano kaya yung sinabi mo saming you're a proud sossy American? Pakendeng-kendeng ka pa nga."

     "Kasi nga fast learner ka," malayong rason nito sa sinabi niya.

     Napanganga na lang siya sa sinabi nito. Sabay napangiti na hahantong na sa tawa. Na-bad trip naman ito sa nagawa niya at bumusangos with matching dull eyes at pagtingin sa kawalan.

     "So you're telling me right now that simula pagka elementary mo at hanggang maging college ka ay hindi ka pa 'rin marunong mag english? That's so unacceptable. Kung magulang mo ko pepektusan kita," turan niya habang nakangiti.

     "'Wag mo nga akong asarin" anito at lalong bumungisngis. Napatawa siya sa reaksyon nito.

     "Bakit, totoo naman ah. Tapos ikaw—"

     "Ewan ko sayo." pigil nito sa sasabihin niya

     "Ang lakas din naman ng loob mong sabihin na—"

     "Oo na nga eh!" anito na mukhang pakon na.

     Napangiti siya ng lihim. Aasarin pa sana niya ito pero...

     "Sali ako," singit ng baritonong boses na pamilyar sa kanya. Umupo ito. Kaharap niya.Nag-init bigla ang ulo niya.

     "Sino ka?" sarkastikong tanong niya sa bagong dating.

     "Parang 'di mo naman ako kilala." ngiting-ngiti itong nakatingin sa kanya.

   "Hindi nga. Sino ka ba?" nagpipigil ng inis na tanong niya rito. Naiinis agad siya eh wala pa namang halos sinasabi ang taong kaharap niya. Pang asar kasi ang mukha nito.

College Of Lovers (series 1): Lucy's AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon