CHAPTER 4

33 2 0
                                    

HAPON na ng makauwi si Lucy galing supermarket. Bumili siya ng mga goods na makakain niya sa bahay niya. Naglakad na lang siya ng ibaba siya ng tricycle sa harap ng village nila.

      Dahil nga pinayagan na siya ng mga magulang niyang maging independent ay hinayaan na lang siya ng mga 'to na tumira sa binili nilang bahay sa isang mayamang village doon. Siya na rin ang nagbabayad ng monthly sa tinitirahan. Nagiipon na lang siya ng pera upang may maibayad, makabili ng pagkain niya at para na rin may mailagay siya sa bank account niya. Yes. May bank account siya, may bahay ang pamilya niya sa isang mayamang village na ngayong tinitirahan niya. Mayaman sila. Pero hindi siya umaakto ng galante o kung ano pa mang kaugalian ng isang anak mayaman even though spoiled siya noon. Pero pinilit niyang baguhin ang sarili niya.

      Ang ama niya ay may dugong pilipino habang ang ina niya ay may dugong pilipino, hapon at koreano. Kaya ang hitsyura niya ngayon ay parang sa nanay niya. Namana niya ang kutis sa ina niya na hindi mo mahahalatang may lahing pinay. Japanese-korean looking siya kaya hindi nakakapagtaka na ang isa sa mga sikat na lalaki sa  campus nila ay ngayo'y nagkakandarapa sa kanya. Haaay... Ba't pa ba siya naging maganda? Ganon ba kahina ang dugo ng tatay niya at naging kamukha niya ang ina niya. Ayan tuloy ang nangyari. Ine-engkanto siya ni Ranz.

    Nang malapit na siya sa bahay niya ay may natatanaw siyang pamilyar na kotsye na parang nakita na niya noon. Parang yung kotsyeng nakita niya ng mga nakaraang araw. Medyo 'di niya makita pero aninag niya ang kulay. Itim at puti ang kulay nito at sa tingin niya ay sportscar. Parang Ferrari? Yung sportscar na nakita niyang nakaparada no'n sa tapat ng bahay nila at sa tingin niya nasakyan na niya. Yung parang kay Ranz. Oo. Kay Ranz nga ito. Ang dami pa niyang in-identify. Ang dami pa niyang inalala't inisip.

      Ano nanaman bang ginagawa ng mokong na 'to sa tapat ng bahay niya? Pero wala naman ito rito, kotsye lang ang nakikita niya't wala naman ito. Nang papalapit na siya ay binuksan na niya ang gate ng bahay. "Lucy."

      Napalingon siya sa tumawag. Wala namang tao.

     Tangka na siyang papasok ng biglang bumusina ang sasakyan dahilanpara mapapihit siya ng lingon.

     Bumukas ang pinto ng sportscar papataas at doon bumunyag si Ranz na nanatiling nakaupo lang sa loob."Get in." utos nito sa kanya.

      "And i wanna do that, why?" mataray na sabi niya.

      "Because maggagala ta'yo."

      "Pagabi na."

      "That's right. But it's still afternoon so i want you to come with me."

   Inirapan niya 'to. Kung tatanggihan nanaman niya ito ay baka kung ano nanaman ang gawin nitong pagmamakaawa para pumayag lang siya.

     "I'll just put this inside." wika niya na ang tinutukoy ay ang hawak-hawak na binili.

     "Okay then. I'll wait for you here."

     "Suit yourself" wika niya sabay talikod dito.

      Pagpasok niya sa bahay ay nakita niya ang cellphone niya sa mahabang sofa. Naiwan pala niya ang cellphone niya? Buti naman para walang nangungulit na tumatawag sa kanya. Nang hahawakan na niya ang cellphone niya ay biglaang tumunog ito. May tumatawag. Si Wayne.

     "He—"

     "Hoy! Kanina pa ko tawag ng tawag sa'yo, hindi mo naman sinasagot."

     "Ha? Eh ba't galit na galit ka?"

     "Sayang ang pantawag ko 'no!" bulalas nito sa kanya.

     "Eh di magload ka."

    Naramdaman niyang may umugaw ng cellphone ni Wayn sa kabilang linya. At ang ingayingay. Ang daming nagtatawanan at nag-uusap. "Hello." mahinahong tugon ng ibang boses.

College Of Lovers (series 1): Lucy's AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon