CHAPTER 5

31 1 0
                                    

PAG UWI ni Lucy sa bahay niya ay hinaliklat na niya ang binili ni Ranz sa kanyang mga damit. Napakamahal ng mga binili nito sa kanya. Hindi naman niya ito hinilingang bilhan siya.

    Ano na nga ba ang obserbasyon  niya? Well, ayon sa obserbasyon niya dito ay mas lumalamang ang pagmamahal nito sa kanya.

     Hindi, joke lang pala 'yun. Kulang lang siguro ang mga lihim na pagsubok niya rito. Oo, siguro nga. Siguro kilangan pa niya ng konting torture dito at konting pagpapakita ng mga ayaw nito at ang mga bagay na pwedeng ika-turn off nito sa kanya.

     Ayon sa pagtatanong niya sa best friend nito na si Dante na kababata naman ni Patricia ay ayaw nito sa Zoo. Ang mga ito lang ang nakakaalam sa plano niya. Anyway, Nakakapagtaka kung bakit ayaw ni Ranz doon. Well, dadalhin niya ito doon. Actually, yayayain niya ito doon, ditong pera syempre. 'Tapos doon na niya ito to-torturin ng bahagya. Titingnan niya ang tibay nito, 'pag hindi na ito nagparamdam sa kanya pagkatapos no'n ay makakalaya na siya, ngunit kung matibay ang kalamnan nito at nanatili at patuloy  ang panunuyo nito sa kanya... du'n niya malalaman na mahal talaga siya nito.

  Eh ano nang mangyayari pagkatapos  no'n? Ewan. Ayun nanaman  ang tanong na laging pumupukol sa isipan niya. Eh ano nga ba talaga kasi? May nararamdaman na ba siya dito? Aba'y ewan. Maaga pa ang tanong na yan para masagot.

    Maya-maya pa ay nag ring ang cellphone niya. Number lang ang nakalagay dito, nagdadalawang isip tuloy siyang sagutin ito. Baka si Ranz. Wait, pa'no naman nito malalaman ang number niya e hindi naman niya ito binigyan. Okay, sasagutin na niya. Baka si Lorraine lang 'to.

     "Hel—"

     "I miss you." biglang sambit ng baritonong boses sa kabilang linya. Sino 'to?

     "Uhhh, who's this?" nagtatakang tugon niya.

     "This is me, Ranz." pagpapaalam sa sarili ng tumawag.

     "Ha?! Pa'no mo nalaman ang number ko?"

     "I ask Lorraine."

     "Pa'no mo naman nalaman—"

     "Enough questions," he said in a soft and breath taking voice "Did you miss me?"

     "No," kunot noong sambit niya "Why should I?" Narinig niyang ngumisi ito. Naalala niya bigla ang plano niya.

     "Hey, di'ba tinatanong mo ko kung pwede ba tayong umalis bukas?"

     "Uh, yeah, why?"

     "Pwede kitang yakagin to some place."

     "Really?" he said in a happy voice but still has it's softness. Mukhang natuwa ito.

     "Yes." matipid niyang sagot.

     "Where are we going then?"

     "Oh, you know, some special places."

     "Do you know one?"

     "Of course." nagsisimula nasiyang ngumti ng masama.

     "Like what?" naniniguradong tanong nito. Oh, you know, sa Manila Zoo lang naman kung saan madidiskubre mo ang kahulugan ng salitang baktol. Sabi niya sa isip.

     "Basta. You'll love it in there."

     Narinig niyang ngumisi ulit ito. "Then okay. I'll pick you up at twelve."

     "You got yourself a deal." aniya at sabay ngiti ng parang may binabalak. Oh, he's going to have the worse of his life while she's making her best day of her life while torturing this beast.

College Of Lovers (series 1): Lucy's AdmirerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon