"HEY," ani keilah sa kanya at humawak sa likod niya habang siya nama'y nakayuko at unan ang dalawang kamay "okay ka lang ba?"
"Keilah, pakihulaan mo nga ako," sagot niya rito at iniangat ang ulo niya.
"Pero okay ka lang?" paninigurong tanong nito.
"Yes. I'm okay. I'm just tired. Hulaan mo ko, friend."
Si Keilah ang pinakawierd sa kanilang lahat na magkakaibigan. Dahil marunong itong manghula at makakita ng kapalaran ng tao sa pagtingin lang sa palad ng mga ito. At hindi lang 'yon, nakakakita din ito ng mga kaluluwang ligaw at nakakausap din ang mga ito. Ito rin ang pinaka makadiyos sa kanilang lahat.
Ayon dito ay wala namang marunong manghula ni makakita ng kung 'ano-ano' sa pamilya ng mga ito. Anak mayaman rin ito. Sabi nito na nawala daw ito nang maggala ito at ang mga kapinsanan nito sa gubat ng probinsya nila. At hayun, mga ka-etcheterahan na lang ang mga narinig niya sa mga ikinuwento nito ng ikuwento nito sa kanila iyon. Nagulo ang utak niya sa pagkukwento nito dahil masakit ang ulo niya nang ikwento nito iyon. Ni hindi nga niya alam ang pagka sunod-sunod ng eksena sa ikinuwento nito.
"Ano bang gusto mong ipahula sa'kin?" magalang na tanong nito.
"Kung kailan mawawala sa buhay ko ang engkantong sunod ng sunod sa'kin."
"Tss. Anu ba 'yan. Ayun na naman?"
"Oo."
"Eh, nahulaan na kita tungkol doon, ah. Diba?"
"Hindi mo naman sinagot eh."
"Eh kasi anu—"
"Lucy, wag ka nga diyan," singit ng isa sa bagong dating na kaibigan niya. Si Allysa, kilala bilang "Jah" sa kanilang magkakainbigan. "Alam ko may gusto ka rin sa kanya, pakipot ka pa." pangangasar nito.
"Wala." deretchang sagot naman niya dito.
"Talaga lang ha?" buwelta nito sa kanya.
"Oo nga." tumahimik na lang siya.
"Eh paano kung sabihin kong naandito din siya sa mall?"
"What?!" nagulantang na bulalas niya rito. "Don't you dare joke around like that!" pinamulatan niya ito.
"Jah, 'wag mo nang lokohin. Alam mong mainitin ang ulo niyan," paalala ni Keilah kay Jah.
"I'm not kidding," seryosong turan ng huli sa kanila ni Keilah.
Natameme siya. "R-really?" kinakabahang tanong niya. "D-don't fool around. Sure ka? B-baka naman kamukha lang?" She's having a panic attack and an extreme irritation at the same time.
"Tinanong ka niya kung nandito ka," ani Allysa na maloko ang pagkaguhit ng mga ngiti sa labi.
"H-hindi. Baka—"
"Speaking of, natatanaw ko na siya," kontra nito sa sasabihin niya.
"Ha? N-nasaan?"
"Ayun." ngumuso ito sa kalayuan. Hinanap niya ang tinuturo nito. At hayun ang isang lalaking papalapit na sa kanila. Kumaway pa ito sa kanya.
"Guys, aalis na ko," nagmamadaling paalam niya sa dalawa.
"Wait, aalis ka na kagad?" tanong ni Allysa sa kanya.
"Ah, eh, oo. May homeworks pa tayo di'ba?" nagtaka naman ang mga 'to sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
College Of Lovers (series 1): Lucy's Admirer
RomanceWalang balak si Lucy na pumasok sa so called na 'Lovelife' dahil alam niyang magugulo lang ang buhay niya kapag pumasok siya sa ganoong uri ng 'katangahan' kuno niya.Ang mahalaga lang sa kanya ay ang mga kaibigan niya. Yun lang.Kaya ganoon niya pina...