ANG FRESH GRAD *bow*
"May trabaho ka na?"
"Saan ka nagwork?"
Yan ang ilan sa mga salitang madalas mong maririnig matapos ang ilang buwan pagkatapos ng apat na taong pagsusunog mo ng kilay sa kolehiyo at nakuha mo na ang isang parisukat na papel na may naka 'print' na pangalan at kursong tinapos mo.
Masarap sa pakiramdam ang mahawakan ang papel na iyon. Pero alam mo ba ang responsibilidad na kaakibat nuon?
Dito magsisimula ang totoong mundo. Ang pagsabak mo sa digmaan.
Isa po akong Fresh Grad. Aww. Sarap pakinggan. Nakakakilig. Mas nakakakilig pa sa mga tambalang Kathniel at Jadine.
FRESH GRADUATE= May pinanghahawakang importanteng armas na ang sa tingin ng nakakarami ay may malaking ungos sa digmaang ating papasukin.
Pero totoo nga ba? May ungos nga ba ang papel na iyon? Agad ka bang magtatagumpay kapag iyon lang ang ipinakita mo?
"Why should we hire you?"
"Eto po diploma ko."
"You're hired!"
Facebook status: Working at chuvaeklabu company as echoserang chenes der.
Sana nga ganun lang kadali ang lahat. Instant kung baga. "Chicken/Sisiw". Easy to get. Walang kahirap hirap.
Parang yung papasok ka lang sa school gate at ipre-present ang ID mo para makapasok and VIOLA, nakapasok ka na.
But the real world isn't like that. It's cruel out there.
Walang patawad. Kapag ayaw sayo. Ayaw sayo. Kahit wala kang intensyon masaktan, masasaktan ka. Sa tingin mo ginawa mo naman lahat. Pero hindi pa din sapat. Ano bang wala ako? Bakit naghahanap kayo ng wala ako? Am I not good enough? </3
Lakas makaHugot mga tsong. Okay rock en roll to the world. XD
Yung mga bagay na sa tingin mong mahirap na ginawa mo noon sa kolehiyo...wala lang yun, sinasabi ko...mas mahirap sa mundong ito.
Nandiyan yung sinuyod mo na lahat ng parte pero wala ka pa ding nakuhang 'kuto' o 'lisa'. Okay rock en roll to the world!
Pero seryoso. Akala nila ganun kadali. Akala lang nila yun! Pero hindi! Hindi! Hin---Okay CUT! Next.
Dumadating din sa punto na naubusan na ng ink ang printer ng may ari ng computer shop na pinag-pri-print-an mo dahil sa dami ng kopya ng Curriculum Vitae na pinaghandaan mo para sa mga employer na dalawang bagay lang naman ang maaring gawin pagkatanggap sa papel mo.
Una, titingnan ang papel mo, 'ini-iscreen kung baga' at pag may nakitang potensyal o sadyang may hiring sila aanyayahan ka sa isang 'trabahong panayam'(literal na tagalog para sa JOB INTERVIEW XD).
Pangalawa, titingnan pa din naman ang papel mo...KUNG may sulat sa likod, kung wala... 'ayos may scratch paper'!
Kung sa una napunta ang papel mo, ituring mo ng maswerte ka. Dahil sa libo libong aplikanteng nag aapply araw araw, isa ka sa inanyayahan. PERO...
Hindi dun nagtatapos yun. Nagsisimula pa lang ang kalbaryong mararanasan mo.
Trapik on the way sa school? Psh. Walang wala yan sa trapik sa Maynila.
Siksikan sa jeep? Psh. Walang wala yan sa sardinas na mga bus.
Kulang ang sukli ni Manong sayo kasi estudyante ka pa naman? Psh. Bakit? Estudyante ka pa din ba? Nasaan I.D mo? Magbayad ka ng buo oi.
"Manong bayad po. Former student."
Matapos ng pakikipagbuno mo makakarating ka na sa kompanyang nag anyaya sa iyo.
Dito na magaganap ang 'interview' na pinaghandaan mo kagabi na halos hindi ka makatulog dahil sa sobrang kaba para sa araw na ito.
"Tell me about yourself?" -I'm -insert name here-
"What special traits do you have that other applicants don't have?" -Kaya kong patunugin ang kili kili ko. Kaya kong pigilin ang paghinga ko in 5 minutes. Jk. 3 minutes.
"Work experiences?"- O.O FRESH GRAD PA LANG AKO!
There are questions na sasagutin mo in a simple manner. Katulad nung nauna. Tell me about yourself, syempre yung iisipin mo personal info about me. My age, address, weight, height, skin complexion, gender, civil status and etc. But the thing is.. hindi yun ang gusto nilang sabihin mo sa kanila. What kind of person are you? What are your characteristics na nagpapaangat sa pagkatao mo.
Then there's the beauty queen question. May mga employer talaga na magtatanong ng mga tanong na tiyak na mapapaisip ka ng sobra. Ano nga bang meron ako na wala ang iba? Ang sarap sumagot ng, 'pag nasagot ko ba yung tanong mo tanggap na ko?' Kasi kahit anong sabihin mo meron at merong taong kayang gawin ang sasabihin mo. Pwera na lang kung may special power ka talaga.
And here comes the most difficult question for us fresh graduates... work experiences. Karamihan talaga sa trabaho ngayon kinakailangan na ng may experience pero hindi ba nila naisip na anong magagawa ng fresh graduate? Kaya nga kami naghahanap ng trabaho para magka experience. Naglolokohan lang ata tayo. Ang pang laban lang naman namin ay yung on the job trainings.
Tapos, after ng interview...
"We will just call you."
Meaning? Hanap ka sa iba teh. Di ka tanggap.
And you will just walk away with this smug on your face sayin' "YOUR LOSS. NOT MINE." boom. Joke lang. Hindi dapat ganyan. Dapat optimistic! Positive!
Leche. Positive, wala ngang natanggap sayo!
Isama pa yung kabilaang pressure sa buhay mo. Pressure sa pamilya. Sa mga nagtatanong kung may trabaho ka na. Yung malaking expectation na inaasahan mula sayo kasi nakapagtapos ka ng kolehiyo.
Ang sarap maiyak. Yung labas na uhog.
Hindi kasi ganun kadali. Hindi porket graduate ka ng apat na taon, may diploma ka, may parangal, madali ka ng makakahanap ng trabaho.
Lalo na kung magulo pa ang utak mo.
Ano ba talagang gusto mong gawin sa buhay mo?
Hindi ba pwedeng habang buhay estudyante na lang? Quiz na lang tayo. O kaya projects.
"Ma, baon ko. Pasok na ko."
Biglang tutunog ang Kanlungan ni Noel Cabangon. Sisinghot ang taga-sulat. Magre-reminisce ng mga panahong masarap pa ang buhay dahil estudyante pa lang.
Awtsu.
Tama na! Ayoko na magsulat. Babush.
Feeling mo ba naliligaw ka? Walang makausap? Tumawag sa 090xxxxxxxx, pag usapan natin ang problema mo.
Nagmamahal,
DiYanRants

BINABASA MO ANG
Fresh Grad #JustWriteIt
RandomAng inyong mababasa ay hindi angkop sa mga hindi marunong magbasa. Pang unawa ang kailangan.