Her Diary #2

674 25 3
                                    

Dear Diary,

Todo kilig ako ngayon dahil sobrang gwapo ni Kai sa photoshoot niya sa bago niyang ini-endorse ngayon na product. Kaka-release palang ng product na ini-endorse niya kanina na skin care ay agad na akong umorder wala ng patumpik tumpik pa kahit wala pa akong ipon gora na syempre kailangan kong suportahan ang my loves ko. Pero realtalk diary wala pa akong pera ngayon dahil napunta lahat ng pera ko dun sa ticket na binili ko sa greet and meet ni Kai nung nakaraang araw problema ko ngayon diary kung saan ako kukuha ng pera para lang makabili ng product na ini-endorse ni Kai. Ah basta gagawa ako ng paraan sabi nga nila kung gusto may paraan kung ayaw may dahilan. Sana next week makaipon na ako dahil next week na rin ibibigay yung order, maganda kasi pag first batch ka diary may freebies kang makukuha isang photocard at tsaka signature ni Kai sa product. Medyo confident naman ako na makakabili dahil syempre gagawa talaga ako ng paraan makabili lang.

Her Diary (Fangirl Edition)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon