Chapter 3

7 2 0
                                    

"Lagi ka na lang napapagulo dahil sa kapogian mo, nakakainis na." Tss. Ayan na naman si Kaloy. Pabirong sinuntok ko na lang s'ya sa braso bago tuluyan nang umalis.

Well, totoo naman. Hindi sa pagmamayabang ha, pero sanay na lang siguro ako. Since birth, napapagulo na ako dahil sa kapogian ko.

Bago kasi ako ipanganak, naghiwalay ang parents ko. Bumalik ng Australia si Mama at naiwan ako sa pangangalaga nina Papa at Tita.

Kahit naman kasi Australian citizen si Mama eh hindi naman sila mayaman, may kaya lang sila doon dahil na rin siguro ang laking kaibahan ng cost of living dito sa Pinas at Australia.

Unfortunately, mas may kaya sina Papa, kaya mas pinaburan ng korte sina Papa.

Wala na rin naman akong pakialam, it's not that okay lang sa akin na hindi ako lumaki kay Mama. I'm there every summer. Minsan dun din ako 'pag-sembreak.

I'm actually grateful na dito ako lumaki sa Pilipinas. Kasi kung hindi, hindi ko makikilala ang taong mamahalin ko ng buong puso.

"Nakatulala ka na naman d'yan, anak. May problema ba?" Napaayos ako ng upo nang lumapit si Manang.

"Wala naman po." Tipid na nginitian ko lang s'ya at hinagilap ko ang cellphone ko na nasa bulsa ko. Hindi ko kasi alam ang sasabihin ko 'pag nagtanong pa s'ya. Kunyari busy ako.

"Wala?" Nalipat ang tingin ko mula sa cellphone papunta kay Manang, na ngayon ay parang kinakaawaan ako kung tumingin.

"Wala po talaga, Manang." Inabala ko na lang ulit ang sarili ko sa pagtetext sa tropa kong mga walang load.

"Alam mo ba, bagay kayo ni Ella." Doon na talaga nakuha ni Manang ang buong atensyon ko. Nakatingin s'ya sa labas habang nakangiti.

"Pa'no n'yo naman po nasabi?" Bumaling s'ya ulit sa akin. Lumapit na s'ya at umupo sa tabi ko.

"Alam mo ba, parehong pareho sila ng Mama mo noong dalaga pa s'ya. Parehong pareho naman kayo ng Papa mo. Hindi mo aakalaing magkakagustuhan iyong dalawa dahil ayaw ni Rob ng nag-iingles, naaartehan s'ya noon dito." Naiiling pa s'ya habang sinasariwa ang mga alaala ng nakaraan.

Binata pa lang kasi si Papa, sa kanila na nagtatrabaho si Manang kaya s'ya lang talaga ang nakakaalam ng lahat ng nangyari kina Papa at Mama.

"Anak s'ya noong amiga ng lola Amanda mo, nakilala n'ya sa Australia noong minsang nadestino s'ya doon. Bumisita dito ang Mama mo noon at doon na nagsimula ang lahat." Dagdag pa nito kaya napatango tango na lamang ako.

With Her Forever (5SOS Fan Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon