She's Back

160 6 0
                                    

"Mom, babalik naman ako." Matawa tawa ako nang naluluhang patayin ni Mommy ang makina ng kotse n'ya nang nasa tapat na kami ng airport.

"Bakit kasi ang bilis mong umuwi? 'Wag ka na munang umuwi, please? Ako na magbabayad ng bago mong ticket." Tumulo na ng tuluyan ang luha n'ya.

"May balak pala kayong hindi na talaga ako paalisin, hindi man lang resched. Bagong ticket talaga." Inirapan naman ako ni Mommy kaya natawa na ako ng tuluyan.

"O, Lucio! Kamusta ang biyahe?" Salubong sa akin ni Manong Berting, s'ya ang susundo sa akin ngayon galing airport. Kakagaling ko lang ng Sydney, binisita ko sina Lola.

"Medyo nakakapagod pero okay lang." Nakangiti kong saad. Nilalagay n'ya ang bagahe sa compartment habang ako ay nag-iinat dahil sa pagod na dala ng ilang oras na byahe.

"Okay ka na? Larga na tayo, hijo?" Tanong n'ya matapos ilagay ang aking mga bagahe sa likod.

"Okay." Sabi ko sabay panhik sa kotse, at gano'n din naman s'ya.

Makakauwi rin sa wakas. Hindi ako sanay sa Australia.

Iba ang kultura.

Dalawang oras ang biyahe mula Maynila patungong Cavite. Depende pa kung traffic ba o hindi.

Sa pagod ay agad akong dinalaw ng antok.

Nagising na lang ako ng malapit na kami sa gate ng bahay at laking gulat ko sa aking nadatnan sa labas ng aming bahay.

"Shit anong ginagawa n'ya rito?" Pabulong kong sinabi sa sarili ng mapansin kong nakaagaw ng atensyon n'ya ang pagdating ng aking sasakyan habang kausap si Tita Andrea, kapatid ni Papa.

"Oh, nakauwi na s'ya hijo? Ang bilis naman." Nagulat ako sa tanong ni Manong.

"Hindi ko rin po alam. Hindi pa po kami nagkakausap." Tamad na sagot ko na lang.

Akala ko ay umalis na s'ya?

Bakit nandito na naman s'ya? Iiwan n'ya ako at sasaktan tapos babalik s'ya agad? Ni wala pa ngang isang buwang nawala s'ya tas andyan na agad? Bakit pa s'ya bumalik? Jusko, sandali lang akong nawala ay nakabalik na s'ya? Anong gagawin ko? Now that, she's back.

With Her Forever (5SOS Fan Fic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon