> > > Dylan's POV < < <
*Saturday - Mall Time!*
12:00 na. Magreready nako. Excited ako na kinakabahan actually. Excited kasi magkakapagmall nako, kinakabahan kasi baka may mangyari na di maganda.
*Ready
*Ready
*Ready
Pagkatapos kong magready, pumunta na ko sa mall. Tinext ko si Drake nun nakarating na ko.
"Drake. Asa mall kana ba?" - ako
*Beep *Beep *Beep
"Oo. Asa may cinema ako. Hintayin na lang kita dito..." - Drake
"Geh!" - ako
Andito na ko sa may cinema. Nakita ko na rin si Drake. Nilapitan ko na siya.
"Huy!" - ako
"Andito ka na pala. Gusto mo bang manuod ng sine?" - Drake
"Sige." - ako
"Ano gusto mo?" - Drake
"Try natin yun horror... Para ma-experience ko lang." - ako
"Kaya mo? Matatakutin ka di ba..." - Drake (biro pa niya sakin. Pero totoo po yun. Hahaha ^_^)
"Kakayanin :") (fake smile) " - ako
"Sabi mo eh..." - Drake
Bumili na kami ng ticket tsaka popcorn tapos pumasok na sa cinema. Buti na lang dun pala sa mga trailer...
"Dun na lang tayo sa taas." - Drake
Inalalayan naman niya ko habang papanik kami. Nakapatay na kasi yun ilaw eh.
So yun nanuod na lang kami....
Until hindi ko na talaga ma-overcome yun fear ko. Tumingin na lang ako sa paligid. Basta yun hindi ko na pinapansin yun pelikula. And parang nahalata ata ni Drake yun kasi:
"Okay ka lang. Gusto mo umalis na tayo, takot kana kasi eh..." - Drake (with a concerned tone)
"Di. Okay lang ako. Tapusin na lang natin, malapit na rin naman siguro matapos." - ako (sana naman convincing yun...)
"Okay" - Drake
After namin nagusap nanuod na lang kami ulit, NANUOD na lang ako ulit. Kahit takot na ko.
Suddenly hinawakan ni Drake yun kamay ko. Napatingin ako sa kanya, may sinabi naman siya sakin:
"Andito lang ako kung natatakot ka. Di kita iiwan..." - Drake
Tumatak talaga sa isip ko yun sinabi niya, simula nun sinabi niya yun di na ko gaano natatakot dun sa movie kahit gaano man katakot.
And parang unti-unti nararamdaman ko na kapag kasama ko siya lagi akong PROTECTED .
Buti na lang natapos na yun movie. Bumaba na kami nun na-open na yun lights.
"Saan mo gustong kumain?" - Drake
"Ikaw na lang bahala." - ako
Pumunta kami dun sa Tokyo-Tokyo. Nag-order lang kami ng good for 2. Di naman kasi kami ganun katakaw dalawa eh.
Habang kumakain kami nagpa-thank you na ko dun sa kanina...
"Thank You nga pala dun sa kanina ah..." - ako
"Wala yun. Kaw pa.?" - Drake
"Basta! Thank You! Sige, pwede kang maghingi ng ISANG FAVOR sakin, isa lang ah!" - ako
"Sabi mo yan ah!" - Drake
"Oo. Oh, ano na?" - ako
"Ah! Alam ko na. I-tutor mo ko buong school year." - Drake
Nasamid ako dun sa iniinom kong iced tea. Jusko! Magtutor, okay pa yun eh, kaya lang buong school year? Aba! >_< Masyado naman yata...
"Dahan-dahan ka naman. Yan tuloy." - Drake
"Ba?! Kaw pa talaga nagalit ah. Buong school year, seryoso? Di ba pwedeng kapag may bagsak ka lang? - ako
"Di noh! Basta buong school year, IKAW ang PRIVATE TUTOR KO. (with a nakakalokong ngiti. Sira talaga toh...) - Drake
"Sabi mo kahit anong favor di ba?" - Drake
"Oo. Pero ---- " - ako
"Oh. Nanggaling na mismo sayo, KAHIT ANONG FAVOR. Walang bawian." - Drake (sira talag toh!!!)
"Oo na. Kaw na nanalo. Basta wag ka makulit ah?" - ako
"Try ko. Ahahaha!!!" - Drake (Kainis! >.< )
"Kumain ka na nga lang! Ang kulit!" - ako
"Kaw ba? Di kaba makulit?" - Drake
"Makulit...Sus..."- ako
And more convo to come! Medyo nagbalik na yun dating kami, yun makulit sa isa't isa. Nakakamiss rin ^_^ Basta ngayon, nakumpleto na yun araw ko. Ahahaha. Siya lang pala kailangan eh.
BINABASA MO ANG
♪ ♥ Childhood Sweethearts ♥ ♪
RandomBumalik siya sa buhay mo para alagaan at MAHALIN ka. Kaya wag kang mag-alala, hindi ka niya sasaktan kasi mahal na mahal kanya. I hope you'll read this. ^_^