Page Twenty-One

29 2 0
                                    

After their breakfast, saka tumunog ang door bell ng bahay nila.

"I'll get it," mabilis pa sa alas quatro na tumayo si Ayaka sa kinauupuan niya at pinuntahan ang pintuan.

Binuksan nya ang pinto at tumambad sa kanya si Taka.

Gwapong gwapo ito sa simpleng suot na gray shirt at faded jeans. His hair was combed neatly. May dala rin itong isang bouquet na red roses.

Ngumiti muna ito bago ibinigay ang bouquet of roses. "For you, pretty lady." Sabi pa nito sa kanya na ikinilig nya.

Kung hindi ko lang sya best friend eh di niligawan ko na, isip ni Ayaka sa sarili. Di, joke lang! Sa pagkakaalam ko dapat ang lalaki ang manliligaw hindi babae! Umiling na lang sya sa naisip.

"Thank you, Taka-kun. Nag-abala ka pa," sabi ni Ayaka ng abutin nya ang mga rosas. "Pasok muna," alok nya kay Taka habang nakangiti.

"Wag na. Baka makaabala lang ako," ani Taka at napakamot ng ulo.

"Nahiya ka pa. Kilala ka naman ni mommy."

Sasagot pa sana si Taka ng may nag clear ng throat sa likuran ni Ayaka. Lumingon si Ayaka at nakitang naka-halukipkip si Ichigo na pinagmamasdan sila.

"Nakalimutan ko, nandito nga pala si Matsuyama." Kunwaring hindi nya natandaan. Sa inis ba naman nya kay Ichigo.

Nagkatitigan lang yung dalawang lalaki pero ang unang bumaba ng tingin ay si Taka at tumingin ulit kay Ayaka. "Tara na..." Hinawakan nito ang braso nya at akmang lalakad na ng pumasok sa eksena si Yuri, ang mommy ni Ayaka.

"Hindi pa ba kayo papasok sa loob?" Tanong nito sa kanila dahil kanina pa sila hinihintay nito.

Lumapit naman si Taka dito at nakakipag-beso. "Ohayo-gozaimasu, Tita Yuri." Bati ni Taka kay Yuri.

"Magandang umaga rin sayo, Hijo." Ngumiti naman ito sa kanya.

"Aalis na rin po kami pero babalik din po agad." Sabi ni Taka kahit alam nyang galit na galit na si Ichigo sa nakikita.

Bakit naman hindi magagalit eh nakahawak si Ayaka sa braso ni Taka habang yung isang kamay naman ay hawak ang mga rosas. Bumitaw naman si Ayaka at nilapitan ang mommy.

"Ma, ikaw na po muna ang bahala sa mga bulaklak." Sabi ni Ayaka at ibinigay ang mga rosas dito.

"Awww, ang sweet naman ni Taka-kun." Mukang natuwa ang mommy sa binigay ni Taka kay Ayaka.

Nahiya naman si Taka at napalagay ang kamay sa batok nya. "Wala po yun..."

Naiinis na si Ichigo talaga sa nangyayari. Hindi ba nila alam na nandito ako? At bakit nga pala sila mag de-date? Eh AKO naman ang BOYFRIEND nya? Inis na isip ni Ichigo at walang pasabing lumapit sya kay Ayaka, hinatak ito at hinalikan sa labi kaharap ang mommy nito at si Taka.

Nanlaki ang mga mata ni Ayaka habang si Taka naman ay nainis sa nangyare.

"Oh my!" Bulalas ni Yuri. "Nagseselos ba ang future son-in-law ko?"

"What?!" Sigaw naman ni Ayaka at napatingin sa mommy nya. "Sino naman po ang nag sabi na son-in-law nyo po yang bwisit na yan?"

Tumingin naman si Yuri kay Ichigo. "Si Ichi-kun lang naman, sweetie..." Ngumiti pa si Yuri kay Ichigo pagkatapos ay lumingon ulit sa kanilang dalawa ni Taka.

"No way he'll be my husband!" Sigaw ni Ayaka pagkatapos ay lumingon sya kay Taka na nakatitig parin kay Ichigo na may galit sa mga mata. "Tara na nga!" Hinatak na palabas si Taka at hindi pinansin si Ichigo na hindi na pinatulan sila.

"Kiotsukete!" Narinig pa nilang pahabol ng mommy ni Ayaka.

Hindi na sila lumingon at patuloy na lang sa paglakad hanggang sa marating nila ang kotse ni Taka. Binuksan muna ni Taka ang passenger's door at ng makapasok na si Ayaka ay sinara na ito. Pagkatapos ay pumunta na sa driver's seat. Nang sinara na ang pinto ay binaba nito ang window at nag wave kay Tita Yuri. Nag wave back naman ito sa kanya. Pagkatapos nun ay humarurot na ang kotse.

To be continued...

---

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Pretty Nerd (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon