Page Twelve

70 3 0
                                    

Sa hapagkainan...


Hindi naka-tanggi si Ayaka sa dinner ng Matsuyama family. Gusto man nyang tumanggi pero hindi nya magawa dahil sa pag pilit ng mommy nila Ichigo.


"Hija, dito ka na kumain ng hapunan ha," sabi ng mommy nila Ichigo.


"Pero Mrs. Matsuyama...baka po hinahanap na po ako sa bahay," sabi ni Ayaka na may pilit na ngiti sa mga labi nya.


"Dito ka na kumain. Tatawagin ko na lang yung mommy mo at sabihin sa kanya na kakain ka dito para hindi na nya kailangan magluto para sayo," pilit pa rin nito. "Tita Haruka na lang ang itawag mo sa akin," dagdag pa nito habang naka-ngiti sa kanya.


"Makikilala mo nga pala ang daddy nila. Uuwi na rin sya dito from a business trip," dagdag pa nito ng hindi sya sumagot.


"Tita, magkakilala po ba kayo ni mommy?" curious na tanong ni Ayaka.


Hinintay muna ni Haruka na ilagay ng mga kasambahay ang mga pagkain sa hapagkainan bago magsalita.


"Kaibigan ko yung mommy mo. Inaalala ko nga kung may kilala akong Takeshi. Ikaw pala yung anak nya. Nakalimutan ko na kasi. Matagal na kaming hindi nagkikita ng mommy mo," paliwanag nito. "Mga 2 years na ata kaming hindi nagkikita dahil nag ibang bansa ako kasama ng Tito Riyuji mo," ang tinutukoy nito ay ang asawa nito.


"Hanggang umuwi na ako dito sa Japan last year. Kasama ko nga dapat dito ang pamilya ko kaso yung asawa ko naman laging may business trip. Si Ren naman laging nasa Hong Kong dahil gawa ng nandun yung trabaho nya. Architect din sya katulad ng daddy. Mana sa ama," tumawa ito habang nag kukwento. "Si Ichigo-kun naman...ayun laging nasa condo nya. Minsan nga lang yan umuwi eh..." Sabi nito na may halong pag tatampo.


"Ma, ano na naman ang kinukwento mo kay Ayaka ha?" boses ni Ichigo ang bumungad sa kanila. Pababa na ito galing sa second floor. Mukhang bagong ligo ang lalaki. Tumutulo pa ang tubig galing sa buhok nito. Fresh-look kumbaga. Gwapo ito sa suot nitong simpleng puting tee shirt na bumabakat sa matipuno at fit nitong pangangatawan.


Lumingon si Ayaka kay Ichigo and their eyes met. Hindi nya alam na nakatingin na pala ito sa kanya. Umiwas sya ng tingin habang ang kanyang puso naman ay nagwawala na sa kanyang dibdib.


Gad! Ano ba tong nararamdaman ko? Nahihibang na ata ako!, isip nya sa sarili.


"Asan na si Kuya?" Basag ni Ichigo sa katahimikan na para bang walang nangyari.


"Nasa kuwarto nya. Pababain mo na nga sya para makakain na tayo. Malapit na rin umuwi ang daddy nyo. Baka gutom na rin itong si Ayaka," sabi naman ng mommy nila Ichigo and right on cue nag ring ung door bell, tumakbo agad ang isang kasambahay sa pinto, binuksan ito at bumungad ang isang gwapong lalaki...


"Honey, I'm home!" He called out to his wife. Binigay ni Riyuji Matsuyama ang dalang maleta at briefcase sa kasambahay.


"Manang, pakidala na lang po ito sa kuwarto namin. Salamat," sabi nito habang inaabot ang dalang gamit.


"Opo, sir," sagot naman nito at nagmadaling umalis.


"Hon," sumalubong si Haruka sa asawa at hinalikan sa labi nito.



Meanwhile...


"Kadiri naman sila," bulong ni Ichigo pero hindi nawala ito sa pandinig ni Ayaka. Tumingin sya dito na nakatayo pa rin sa kinatatayuan nito at napagtantuan nya na hindi pa ito kumikilos para umupo sa hapagkainan.


"Kadiri ka dyan. Makikita mo pag may pamilya ka na rin. Ganyan din ang gagawin mo sa asawa mo," masungit na sabi ni Ayaka kay Ichigo, ignoring the racing of her heart. Umiwas sya ng tingin dito.


Kanina ka pang puso ka ha! Tumigil ka nga! Isip nya sa sarili at tumingin ulit si Ayaka kay Ichigo na ikina-singhap nya. Nakatingin pa rin ito sa kanya at wari malalim ang iniisip. Serious ang tingin sa kanya kumbaga. Namula sya at umiwas ng tingin while her heart race madly against her chest.


"Eh kung sabihin ko sayo na ikaw yung gusto kong mapangasawa?" biglang sambit nito habang nakatingin sa kanya.


Sumikdo ang kanyang puso sa narinig. Did I hear right or he's just joking about earlier? Nabibingi na ata ako..., isip nya habang namumula na sa hiya.


"You heard right, babe," sabi ni Ichigo na para bang nababasa nito ang iniisip nya. "Hindi ako nagbibiro sa sinabi ko kanina..."


Tila binuhusan ng malamig na tubig si Ayaka. She felt as if her whole body went numb.


To be continued...

---


A/N:

Hi guys! Here's another update!

Pasensya na kung medyo magulo. haha! Sana magustuhan nyo kahit konti lang. I need your support guys! Thank you!

Enjoy! :))

His Pretty Nerd (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon