Page Twenty

24 2 0
                                    

Mabilis ang pag tibok ng puso ni Ayaka. Ramdam na ramdam nya ang init na nag mumula sa katawan ni Ichigo. He was hugging her so tight na animo'y hindi gustong bitawan.


"Ichiro, bitawan mo nga ako..." sabi ni Ayaka sa mahinang boses pero rinig na rinig ni Ichigo kung ano sinabi ni niya.

"Wait..." He said habang iniharap si Ayaka sa kanya at walang pasabing hinalikan ito sa mga labi.


"Walanghiya ka talaga!" Sigaw nito sa kanya at sinampal sya ng malakas sa pisngi. Hindi agad sya nakagalaw.

Mabilis na kumalas sa kanya si Ayaka at tumakbo ito papasok sa kwarto at lumabas dito.

"Pagbabayaran mo ito Ayaka!" Galit na bulong nya sa sarili. "Hindi ka makakatakas sa akin!"


----


Pagkatapos ng pagligo ni Ayaka ay bumaba na siya papuntang dining area.


"Oh Ayaka-chan...why don't you join us here? Breakfast is ready. We're waiting for you..." Sabi ng mommy nya sa kanya habang nakangiti.

Lumapit naman si Ayaka sa mommy at humalik dito sa pisngi. "Ohayo gozaimasu, Oka-san," bati nya dito at umupo na rin sa hapagkainan sa kanyang pwesto.

Ang hindi nya napansin ay si Ichigo na nakaupo sa harapan nya at nakatitig sa kanya.

Ang ganda talaga ni...tinigil ni Ichigo sa iniisip at umiwas ng tingin kay Ayaka. Buset naman. Ano na naman ang iniisip ko? Ako dapat ang iniisip nya hindi the other way around, naiinis na isip ni Ichigo sa sarili.

Pero ang totoo ay nagagandahan talaga sya kay Ayaka na nakasuot ng isang simple flowery dress na umaabot hanggang tuhod nito. Simple lang ang make up na pinahid sa magkabilang pisngi. Not too dark, not too light and kulay light pink naman na lipstick ang nilagay sa labi nito na nagpabagay sa get up nito.

"Ayaka-chan, may lakad ka ba at mukang bihis ka?" Tanong ng mommy ni Ayaka na ikinatigil ni Ichigo sa pag muni-muni.

"Hai. I'm going out with Taka," walang paligoy-ligoy na sabi nito sa mommy. Hindi parin pinapansin si Ichigo na ngayon ay mahigpit ang pagkakahawak sa tinidor na hawak nya.

"Oh...your bestfriend. You guys have fun later okay?" Masayang sabi ng mommy ni Ayaka.

Ichigo cleared his throat para mapagtuunan sya ng pansin ng mag ina.

"Ay nandyan ka pala? Hindi ko napansin..." Medyo may pagkasarkastiko na sabi ni Ayaka sa kanya.

Aba! Hinahamon ata ako nito ah! Isip ni Ichigo na naiinis.

"Both of you, argue later. The food is waiting, let's have breakfast," sabi ng mommy ni Ayaka na ikinagulat naman ng dalawa. Nakalimutan na nandun ang mommy nya.

Nagkatitigan silang dalawa. Pero hindi na sila nag salita at kumain na lang ng tahimik.

---

A/N:

Sorry guys for the very late update! Thanks for reading, silent readers! I love you all. Have a nice night! 😄

His Pretty Nerd (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon