Page Eight

79 3 0
                                    

Previous:

"Nagbago ka na pala ng itsura," Habang nakangiti ng nakakaloko.

Tila binuhusan sya ng malamig na tubig.

---


Naging estatuwa sya sa kinatatayuan nya. Pero hindi sya nagpatinag. Gusto ni Ayaka na ipakita kay Ichigo na hindi sya nanghihina sa mga titig nito at sa mga kalokohang ginagawa nito.

"Eh ano naman?" Nag mataray sya pero mahina lamang ang pagkakasabi dito. "Pres, kung ayaw mo matanggal sa posisyon mong bilang presidente ay titigilan mo na ang mga kahibangan mo. Alam mo, kung hindi ka lang president dito ay napatanggal na kita dito sa sobrang yabang mo!" Patuloy nyang pagsasalita. Nanlilisik na ang mga mata nya dito. Nauubos na ang kanyang pasensya.

Hindi mapigilan ni Ayaka ang hindi mainis sa mayabang na presidente. Napagtanto nya na sobrang angas nito talaga kung makaasta na para bang kanya ang buong iskuwelahan. Two-faced kumbaga. Bait-baitan.

Hindi ba nakikita ng mga malalanding babaeng umaaligid sa kanya? Grabe, ang manhid! Sabagay, wala naman silang pake..., naisip ni Ayaka sa sarili.

"Babe, itigil mo na yan. Wala naman ikaw mapapala sa kanya." Singit ni Taka sa kanya. Pero inignora nya ito. Sorry, Taka-kun. Gusto ko lang ilabas ang galit ko dito. Lagi na lang nya akong iniinis na wala naman akong ginagawa sa kanya! isip nya.

"Ano! Wala ka na bang masabi dyan?" Buti na lang at walang nakakarinig sa mga pinaguusapan nila.

"President," singit pa ni Ken kay Ichiro. "Wag mo ng patulan sya. Magkakagulo lang dito. Makakasama pa sa reputasyon nyo," dagdag pa nito habang hinahawakan nito ang kanyang braso. Pero hindi sya kumilos instead tumawa pa sya naikinagulat nilang lahat.

Lumapit si Ichigo kay Ayaka.

Ano na naman kaya ang pakana nito? Tanong ni Ayaka sa sarili.

Hinawakan ni Ichigo si Ayaka sa magkabilang balikat at bigla na lang niyakap. Napasinghap sya at bumilis ang tibok ng puso nya sa pagdampi ng pisngi nya sa matipunong dibdib nito.

Nawi-wirduhan na si Ayaka dito. Mayabang sa una, then serious then ito ang mangyayare? Grabe lang!

"Hon! What do you think you're doing?" Miyu almost burst out at Ichigo. Namumula na ito sa galit. Kanina pa nito tinitimpi ang sarili upang hindi nito masampal ang walang kwentang babaeng si Ayaka.

But Ichigo ignored her completely at ipinagpatuloy lang ang pagyakap kay Ayaka.

"Pre, namboboso ka na ah!" Sigaw ni Taka kay Ichigo na ikina-singhap ng mga usisero/usisera. Hinawakan nito ang balikat ni Ichigo upang ilayo nito kay Ayaka. But Ichigo shrugged it off. Ayaw na ayaw nya na may humahawak sa kanya ng hindi nya kakilala o kaano-ano.

Binigyan ng masamang tingin ni Taka ang presidente. Si Ichigo naman ay nag smirk lamang kay Taka.

Ichigo chuckled once again and said to all the students watching, "Alam nyo ba may bago tayong schoolmate. Hopefully, you guys would treat her well. She's very sweet and nice. So I would be very much appreciated kung magiging mabait kayo sa kanya like how you guys treated me." Tumigil sya sa pagsalita at pinanuod ang mga studyante. "Maliwanag ba?"

"Yes, president!" Sagot ng lahat. Bago pa nagsilisan ang mga ito.

"Ano ba ang pinag-gagawa mo?!" Ayaka hissed at him. Her face reddening in embarrassment. Nagugulahan na talaga ako ha?! sabi ni Ayaka sa sarili. Haist...

"Layuan mo nga si Ayaka!" Sigaw ni Taka kay Ichigo. Hinawakan nito ang pulso ng best friend at kinabig ito para makaalis sa pagkakayap nito kay Ichigo. Niyakap ni Taka si Ayaka who was still shocked from what had happened.

"Wag na wag mong hahawakan o malalapitan sya...kundi malalagot ka sa akin! Kahit ikaw pa ang presidente dito!" Pagkatapos non ay umalis na sila papunta sa loob ng school habang nakaalalay kay Ayaka. Hindi na nito hinintay pa ang sagot ng presidente.

Nagmura si Ichigo, halatang inis na inis sa nangyari.

"Babe, lets go. The bell will ring soon.." Hinawakan ni Miyu ang katipan sa mga bisig pero hindi ito kumibo.

"Iwan nyo na muna ako..." Sabi ni Ichigo habang ang mga studyante ay mga nagsilisan na papasok ng school ng tumunog ang school bell.

"Wag mo ng pilitin pa si Pres, Miyu. Hayaan mo na muna..." Sabi ni Ken habang pinapaalis nito si Miyu sa kinatatayuan nito. Tumingin muna si Miyu sa katipan bago pa sila umalis.

"Ang tanga mo Matsuyama!" sabi nya sa sarili. "Sa tingin mo ba mapapalapit sya sayo? F*ck!"

Hindi, sagot naman ng kabilang bahagi ng utak nya.

Ikinuyom nya ang mga kamay bago pa pumasok sa school.


----


"Oh.em.gee! Kaklase pala natin yung babae kanina!" Isa sa mga kaklase ang biglang nag bulalas nito.

Hindi ba nila halata na ako to? Na nag change lang ng anyo ay hindi na kilala? Grabe lang! isip ni Ayaka sa sarili na naiinis na sa mga bulungan pero rinig naman.

"Ang ganda nya talaga sa malapitan. Pero teka lang...hindi ba yun yung upuan ni Panget?" tanung ng kaklase nyang babae sa kaibigan.

"Oo nga noh! At isa pa...kasama pa niya si Papa Taka!" Bulalas ng kaibigan nitong bakla.

"Baka mag boyfriend yung dalawa!" Sabay tawa naman. Mukang nag-jojoke lang ito. Alam naman nya na joke lang ang tingin ng mga kaklase nya sa kanila pero walang magagawa si Ayaka. Yun ang tingin sa kanila eh.

"Babe, mula ngayon dito na ako papasok sa klase mo..." Bungad ni Taka ng makaupo na si Ayaka sa upuan nya.

Nanlaki ang mga mata ni Ayaka sa narinig.

----


A/N:

Sorry guys sa sobrang late update. Nag iisip pa kasi kung ano ang mangyayari eh. Sa tingin nyo? Hmmm....

Sana hindi kayo mabore!

Thanks silent readers for reading my story! Love you all! Mwah!

His Pretty Nerd (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon