Konti lang to. Alam nyo guys, kung sinu-sino man ang nagbabasa neto, pangarap kong gumawa ng mahabang story. Yung kahit mga 30 chapters lang. Kaso hindi nga siguro talaga ako magaling na manunulat kasi hindi ko kinakaya eh. Kung sana ang igigising ko lang tuwing umaga ay ang pagsusulat, baka mkagawa pa ko kaso nga lng syempre may mga ginagawa rin ako sa buhay. Pero hayaan na natin yung dream ko. Basta swerte na kung makaabot ng 10 chaps tong kaekekan ko sa buhay. :)
™ :)
ANTOINNE RIVERA'S POV
Tawa na. Alam ko nakakatawa yung pangalan ko. Eto naman kasing si TM, binuo pa talaga eh. Pwede naman Ton-ton lang. Fish naman oh! Si mommy kasi frustrated na magkaanak babae. Nung pinagdadala nya pa lang ako, lahat ng binili nilang gamit kulay pink! Pati pangalan ko pangbabae tuloy. Ni hindi man lang yan nagpaultrasound kasi siguradong-sigurado na daw siyang babae ang anak niya. Kesyo mahinhin daw ang galaw ko nung nasa tiyan nya pa ko, gumanda daw siya lalo nung ipinagbubutis niya ko. Haay! Buti hindi ako naging bakla sa piunaggagawa ng nanay ko =_= Pero never noh. Lalaking-lalaki ako, mahal ko nga si Mik-mik eh.
Oo na, ako na leading man na umaamin agad sa readers. Eh hindi ko na nga masabi sa kanya eh, sa inyo na lang. Pakisabi na lang na mahal ko siya, di na baleng may mahal siyang iba. Pakisabi wag siyang mag-alala, di ako umaasa. Alam kong ito'y malabo, di ko na mababago. Yan talaga ang theme song ng kwentong to. Haay! Wag nyo akong sisihin na torpe ako kasi hindi ako torpe. Ilang beses ko nang tinry na ipagtapat kay Mik yung nararamdaman ko pero lagi akong inuunhan ng kaba eh. Parang nung nakaraan. Ganito ang nangyari ..
~~FLASHBACK~~
"Mik, uhh, may itatanong sana ako sa yo. Ay sasabihin pala. Ay itatanong pala. Ay--"
"Ano ba naman yan Ton, pag-isipan mo nga muna kung may itatanong ka o sasabihin. Labo mo!"
Tapos winalk out-an ako. At may isa pa. Nasa library kami nun. Kakatapos ko lang siya turuan sa math dahil alam kong hindi na naman yan nakinig sa teacher nila. Ako na ginagawang teacher nyan sa math eh. :3 pero okey lang, libre tyansing. Pero siyempre joke lang yun. Hanggang singhot lang ako sa buhok niyan eh. Amoy mangga yan palagi. Yung hinog na mangga. Ang bango-bango.
"Uh, Mik, uh, may sasabihin sana ako sayo eh."
"Ano yun? Utang na loob lang, wag naman tungkol sa geometry ah. Umay na umay na ko eh" tapos nagpout siya. Fish naman oh, alam niya ba kung gano siya ka-cute pag nagpa-pout siya? Rrrrrr, pag ako di nakatiis papabalikin ko yang nguso niya gamit ang nguso ko! Hehehehe v^____^v joke lang. Pero totoo XD
"Haha, hindi. Ano kasi, uh, Mik, may ano ka na ba, ano, uh"
"Ano ba, Antoinne! May regla, may napkin, may dalang panty, toothbrush, sabon, toothpaste, body wash, ano? Puro ka ano eh."
Yung totoo? Babae ba talaga to? Kung makapagsalita kala mo tambay sa kanto eh.
" Itatanong ko lang sana kung may natutunan ka ba sa mga tinuro ko sayo." Ayan na nga at natorpe na naman ako. May sinabi ba kong hindi ako torpe? Joke lng pala yun. Pagdating kasi dito kay Mikaela Ferrer nakakain ko lahat ng sinabi ko eh. Fish talaga.
~~END OF FB~~
At yun na nga, lagi na lang akong natotorpe kaya hindi na ko nagkaroon pa ng pagkakataong sabihin kay Mik ang HD ko sa kanya. HAHAHAHA makaHD, manyak lang? Nababading na ko dito, fish naman.
MIKAELA'S POV
"Hoy Kaila, malapit na ang prom ah. May date ka na ba?" Bakit ba lahat na lang ng tao hinohoy ako? Pansin ko na yun ah.
"Bakit? Hindi ba pwedeng magprom ng walang date?"
"What? You mean wala kang date? Sa dami ng nagpaparamdam sa yo, pupunta ka sa prom ng walang date? Ano ka ba naman kaila?!" Jade said that as if its the most deadly sin -__-
"Eh sa wala akong gusto sa kanila eh. Mas feel ko pa ang magpunta sa prom ng mag-isa."
"Hay naku, ewan ko sayo. Basta ako kadate ko si Charl my life. Oh, ayan na pala yung magde-date sayo oh. Yieee"
"Manahimik ka nga, Jade."
"Mik, tara na. Nandyan na si Manong Jun." si Ton-ton.
"Bat nga pala lagi na tayong sabay umuwi? Wala pa rin ba kayong driver?"
"Uhh, eehh,--"
"I o u ! A e I o u. May balak ka bang irecite ang vowels sa kin? Tara na nga, kawawa naman si Tatay Jun dun."
ANTOINNE'S POV
Kaya lang naman hindi ako makasagot kanina sa tanong ni Mik-mik ay dahil ako ang nagrequest kina Papa na makikisabay na lang ako lagi sa kotse nila Mik-mik. Wala lang. Gusto ko lang. Nakakakilig kaya. Ako na. Ako na talaga may HD kay Mik-mik. Gusto ko lang naman, umaga pa lang makikita ko na siya eh. Eh basta! Ang sarap lang sa feeling. At ngayong malapit na ang Junior prom, hindi ko na naman alam kung paano aalukin si Mik. Haaaysssssssssss! Buhay torpe nga naman.
Pero may plano na ako kung pano ko siya mapapa-oo >: ]
Naghanda ako ng surprise para kay Mik-mik. Since alam na alam ko ang bawat subjects niya, pinlano kong gawin ang surprise ko sa vacant niya para naman walang masagasaan na subject. Pero nagkamali pala ako ng desisyon dahil may nagplano ring isurprise siya. At ginawa nito iyon pagkatapos ng flag ceremony, meaning bago ang lahat ng klase.
Everyone's busy with their own chit chat nang biglang tawagin ni Luis ang attention ng lahat. Luis is Mik-mik's long-time suitor. Banas ako diyan, ang angas eh! Di hamak naman na mas gwapo ako diyan, palibhasa captain ball kala mo kung sino. Hay! Wala naman yang ginagawa sa kin para kainisan ko siya eh. pero sapat na yung nililigawan niya si Mik-mik mula pa nung first year. Fish lang, hindi ba siya marunong umintindi na ayaw sa kanya ni Mik-mik? At eto, mukang uunahan pa ko sa pagtatanong kay Mik ng 'Will you be my Prom date?'. Fish! kainish! Uy rhyme yun ah XD
Pero alam ko namang hindi papayag si Mik kaya no worries.
"YES! WOOOOH! Thank you, Kaila. You don't know how happy I am na pumayag ka. Thank you talaga."
Teka, nuraw? 'You don't know how happy I am na pumayag ka.' Na pumayag ka .. Na pumayag ka .. Na pumayag ka .. ANO DAAAAW?! T___T
Nababading na ata ako. Kasi naiiyak ako eh. 'Yoko na pumasok kaya umuwi na lang ako sa bahay. Mag-e-emo lang saglit. T_T
MIKAELA'S POV
Niyaya ako ni Luis na maging prom date. Ewan ko nga at pumayag ako eh. Parang nakonsensya lang ako dun sa sinabi niyang "Since first year, I've been courting you, Kaila, sana naman pagbigyan mo akong maging date mo sa isa sa pinamahahalagang araw mo." Naalala ko lang yung mga efforts nung tao mula pa first year ako. Kaya kesa nga naman wala akong date sa prom, Luis would do. At least kahit pa'no nasuklian ko yung efforts niya. Ang sinasabi ko lang lagi sa kanya ay ayaw pa ng parents kong makipagrelasyon ako kaya hindi ko siya sinasagot. Which is half true, pero ang main reason ay ayaw ko lang talaga sa kanya. Ewan ko, parang hindi ko lang siya feel? Tsaka it's very rude and unladylike naman kung sasabihin ko sa kanyang hindi ko siya gusto, di ba? Kahit na prangka akong tao, hindi naman ako bastos. So ayun na nga, kami na ni Luis ang partner sa prom.
Bat kaya hindi ako inalok ni Ton-ton? Kala ko pa naman yayayain ako nun. Kaya nga hindi ko sinagot yung mga nagtanong sa kin these past few days kasi hinihintay ko siya. Siguro may date na rn yun kaya hindi man lang ako inalok. Hmp!
Hala, hindi sila partner sa prom. Wag nyo ko sisihin dahil hindi ko rin alam bat ganyan ang kinalabasan niyan ^___^v fish tayo. ™ :)

BINABASA MO ANG
COMPLETED. [On-going]
Teen FictionFor his life would never be COMPLETED. Without her.