9 "Babalikan mo to"

16 0 0
                                    

Gumagawa ako ng tittle sa bawat chapters para maalala ko kung ano yung content nung chapter na yun kaya wag nyo pansinin yung mga tittle, para sa kin talaga yun, hindi para sa inyo haha.

Nabobore na ba kayo? Sige, malapit na ang spice :)

MIKAELA'S POV

Pagkatapos ko kiligin este magpatattoo dun sa Tattoo booth, naglakad lakad lang kami ni Ton-ton dito sa shore. HHWW lang, hahahaha, hindi na rin naubos kalandian ko pag kasama ko tong boypren ko eh. XD

"Ton ko.."

"Hmmnn?"

"Paano pag, pano pag nagkahiwalay tayo?" tanong ko na ikinabigla ni Antoinne. Ewan, bigla lang pumasok sa isip ko. Kasi syempre hindi naman faiytale tong binubuo namin eh. Hindi gaya ng fairytales na laging happy ending, na kapag natapos na lahat ng trials they would live happily ever after. Kami, tao lang.

"Bakit mo naman naitanong yan, Mik ko? Hindi mo na ba agad ako mahal?"

"Ano ka ba! Tapos mo kong pakiligin ng makalaglag lahat ng saplot, hindi mahal ka dyan. Basta, pano lang. Gusto ko lang malaman yung gagawin mo."

"Uh, sa ngayon, sa pagmamahal na nararamdaman ko ngayon para sa yo, Mik ko, siguro patuloy pa rin kitang mamahalin." :)

"Paano kapag natuloy yung pag-migrate namin sa Canada?"

"Bakit? May internet naman, cellphone. Marami namang paraan para makapag-communicate pa rin tayo ah."

"You mean, payag kang mang LDR tayo?"

"Oo naman, bakit hindi. Kun yun lang ang paraan para maging tayo pa rin. Kaya ko. At kaya mo, kakayanin natin."

"Hehe, tama ka. Kakayanin natin yun! Hmm, eh pano kapag nagkasakit ako? Yung malala, mga cancer at leukemia, ganun."

"Grabe ka naman. Pero kung sakit lang, syempre nandito pa rin ako. Parang ang babaw naman nun." Ayan na, nagcswell na yung puso ko.

"Pano pag naaksidente ako tapos nawala na ko?"

"Uh, medyo mahirap yan ah. Ikaw, ano ba gusto mong gawin ko kapag nawala ka?"

"Ha? Eh bakit ako ikaw nga tinatanong ko eh."

"Kasi gusto ko, kahit wala ka na, yung gusto mo pa rin yung gagawin ko."

"Nakakainis to!"

"Oh bakit? Wala naman akong sinabing masama ah."

"Eh kinkilig ako eh!"

"Hahaha. Mahal talaga kita. Mahal kita kasi hindi ka natatakot sabihin yung nararamdaman mo. Ikaw lang yung babaeng kilala ko na ganyan. Yung iba kasi, halos himatayin na sa kapogian ko, never nagsabi na kinikilig sila."

"Ang hangin dito noh?" sarkastiko kong sabi. Ang yabang din netong boypren ko eh no? Pansin nyo?

"Hahahaha pero hindi nga, totoo. Mikaela Yvette Lo--"

"Oh! Wag mo nang buuin." :3

"Sige na nga, kahit mas romantic kapag buo, wag na lang, uhm, Mik-mik ko, tandaan mo tong sasabihin ko ah? Kahit kailan, kahit anong mangyari, kahit anong pagkakataon, at kahit anong kapalit maliban ikaw, hinding hinding hinding hindi ako magsisinungaling sa 'yo. Tandaan mo yan ah. Sabi kasi ni Daddy, yun lang daw ang sikreto ng mahabang relasyon, NO LIES. Kaya sana, sana ikaw din wag kang maglilihim sa 'kin ah?"

"Sige, pangako ko yan." at nilahad ko ang little finger ko.

"Pinky promise?" amused niyang tanong

"Oo, bakit? Pwede naman ah. Bata pa naman tayo ah."

"Sige na nga. For I will do everything that'd please you." then he kissed me on forehead.

"Bakit sa forehead lang?" :3 Ano ko, lola niya?

"Haha ikaw talaga, nagiging maniac ka pagdating sa kin ah."

Binatukan ko nga. Ibulgar daw ba ko? XD

"Kiss on the forehead is a sign of respect. Kaya yung matatanda sa forehead hinahalikan kasi nirerespeto sila ng mga apo nila. At kaya kita sa noo hinagkan kasi nirerespeto kita. At nirerespeto kita kasi mahal kita. At mahal kita kasi mahal mo ako. At mahal mo ako kasi pogi ako."

Binatukan ko nga ulit. Panira ng moment eh.

"Nakakarami ka na ah. Isa pa, mawawalan na ko ng respeto sa yo!" tapos nag-smirk siya. Ang landi rin netong boypren ko eh no? Dama nyo? Pero okey lang hanggat ako ang lang ang nilalandi niya /:)))))

Sana mapabalik ko kayo sa Chapter na to kapag nalagay ko na yung spice =) pangarap ko yun haha.

COMPLETED.  [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon