1 "My Adobong Isda"

23 0 0
                                    

"Hoy Mik-mik ano pang hinihilk-hilk mo d'yan? Periodic test ngayon, ano ka ba?"

"Hmmmmnnn ..."

"Fish naman oh! Tayo naaaaaaa!"

Naramdaman ko na parang tumatayo ako. Ang galing ng panaginip ko. Parang totoo. Parang nakatayo talaga ako. Hanggang sa ..

"Ah! Aruykupo!" sapo ko ang puwitan ko at namukat-mukat.

"Ikaw na naman Ton-ton? Ilang umaga mo pa ba akong gigisingin? Ano bang meron?" tanong ko sa pinakatinatamad na tono.

"Anong 'anong meron ngayon'? Periodic test ngayon, hindi mo na naman alam. Dalian mo na at late na tayo." at pinagpilitan nya akong isiksik sa pinto ng banyo -_____- pag ako nabulag dudukutin ko mata neto. Sabi ng nanay ko nakakabulag daw pag bagong gising tapos naligo agad eh. Manalig tayo kay mother.

Tsaka akala ko nananaginip lang ako kanina, yun pala si Ton-ton lang ang nagbuhat sa 'kin. Isda talaga. Bata pa lang kami epal na 'yan eh. Este kaibigan ko na yan. Porket BFF's ang parents namin dapat daw BFF na rin kami. Ngee? Pero pwede na rin. Kawawa naman yan si Ton-ton kung hindi ako naging kaibigan n'yan. Lagi kaya yang nabu-bully. Parang tanga kasi, hindi lumalaban. Nakakainis yung mga ganyang tao noh? Lalo na kapag lalaki? Yung parang ikaw na babae pa ang dapat magtanggol? Isdang sarsyado talaga. Ganyan 'yan si Ton-ton eh. 'Pag kawawa, Ton-ton agad. HAHAHAHAHA! tama na nga, ako na nag-iisang nagtatanggol sa kanya nilalait pa siya. Pero okey lang yan, hindi niya naman alam eh hahahaha! Kawawa talaga XD

"Hoy Mikaela Ferrer Jr., ano na? Nadasalan mo na ba ang inidoro d'yan?! Late na late na late na tayo, fish naman oh!"

Dun lang ako natauhan sa pagmumuni-muni ko. Makapagbihis na nga at nagwawala na yung buwitre dun. Ang ingay-ingay, kala mo napi-PMS eh. Isda naman =3 yung nguso ko pakitulak nga pabalik sa 'kin. Arikingking! HAHAHAHA, infairness, ang mais ko dun XD sorry naman, nanunuod ako ng A Mother's Story eh, free showing. Hanggang libre lang talaga ako XD dahil diyan nakalimutan ko na ang plot ng story na 'to. Anak ng isdang may bihud naman oh, minsan na nga lang magka-plot yung diyosa. Tara tigil basa.

Pero siyempre joke lang yun, uy guys wag naman. Walang iwanan ah? I loved you from the start, til F-O-R-E-V-E-R. Itsumo .. Chos HAHAHHA, di ko lang alam sunod na lyrics XD dahil d'yan di ko na natuloy yung kwento. HAHAHAHA churi naman. Churi churi.

Paglabas ko ng banyo, natulala sa 'kin si Ton-ton. At unti-uni siyang lumapit sa kin at.. at.. nagbibiro lang ang frustrated author. First chapter pa lang, rated spg na? :P

Paglabas ko ng banyo, nagbihis ako ng sobrang bilis at walang suklay-suklay na binaba yung adobong isda dun sa baba.

"Di uso suklay?"

"Nagmamadali ka, di ba?"

"Tara na nga! Naku, baka hindi na tayo mkapagtest neto."

"Forever GC ka talaga." inismiran niya lang ako. Tama ba naman yun? Gigisingin ako ng pagkaagaaga tapos dire-diretso lang maglakad? ni hindi manlang ako sabayan? Piniritong isda talaga oh.

COMPLETED.  [On-going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon