MIKAELA'S POV
Tapos na ang vacation namin. Kaya eto kami ngayon ni Ton-ton ko, naglalakad lakad lang habang HHWW sa taas ng barko. Oo, nagbarko kami kasi ayoko na magplane, baka nandun ulit yung mahaderang stewardess. Inilalayo ko lang sa mga twig bitches ang pag-aari ko hahahaha. Iba pala talaga kapag in love, nagiging possessive no? Now I know kung bakit maraming nag-aaway at nagkakahiwalay dahil sa selos. Lakas pala ng powers nun.
Ang sarap pala dito. Nandito kami sa pinakapatusok ng barko at sobrang lakas ng hangin. Konti na nga lang madadala na ko eh.
"Dapat pala dinamihan ko ng kain kanina para mas mabigat ako at madala ng hangin. Ang lakas eh."
"Hindi pa ba madami yun?"
"Eeeeh! I hate you na"
"Hehehe, joke lang Mik-mik ko. I love you." v^___^v
"Pasalamat ka kinilig ako dun sa I love you ah! Kundi, kiss ka sa kin."
"Ay binabawi ko na yung I love you, haha."
"Tse!"
Silence. Pero hini awward. Parang yung masarap na silence. HAHAHA, meron ba nun? Basta yungtipo g kathimikan na guto mo lang i-enjoy :)
"Uh, Ton ko, bakit hindi ako nabobore kapag kasama kita? Bakit kahit ganito lang kawalang kwenta yung usapan natin hindi ako nagsasawa?" hindi ako nkatiis eh hehe ^^
"Ewan.
Ewan kasi ako rin eh."
"Oh ayan ka na naman. Ton ko, ang laki ng mata mo. Owl ka ba?"
"Ha? Malaki ba? Iparetoke ko ba? Hindi ko naman alam na ayaw mo sa mata ko eh. Sana sin--"
"Ano ka ba! Pumupick-up line ako! Eeeeeh, kainis to. Ang slow!" -___-
"Ah hehe, hindi mo agad sinabi eh. Ano nga sinasagot dun?"
"BAKIT!"
"O sige, bakit naman owl Mik ko?"
"Kasi OWL always be here for you tsaka OWL always love you. Hahahahaha!"
"Hahahaha, kahit corny ka dun Mik ko, mahal pa rin kita. Uh, ang ganda ng dagat no? Uhm, mermaid ka ba?"
"Ah ganon? Kaya nga ko pumick up line kasi alam kong wala kang laban eh. Madaya! Oh bakit?"
"Kasi MERMAID for each other. "
At kailangan seryoso niyang sasabihin yun ah? Parang ewan talaga tong boypren ko! Parang ano, parang, parang mahal ko. Hahahahaha, ako na maharot ;PPP
Bumalik na rin naman kami sa room after nung landian namin na yun hahaha. Ang sarap lang buong byahe kasi kinikilig ako. hahahaha! Ako na mukantanga na kinikilig sa wala. Pero kasi naman, nasa taas kami nakahiga kasi di ba double deck yung style sa barko tapos magkatabi kami ni Ton-ton ko, nanunuod kami ng Bait. Libreng palabas dito sa barko, parang tanga rin yung nagplay niyan eh noh? Yung bait kasi para sa mga hindi pa nakakapanuod, ay movie na may nangangain na pating. Nasa barko kami tapos bait yung palabas? Edi natatakot yung mga bata dito sa room. Hahaha!
Ang sarap lang sa feeling na pagkatapos namin maglandian dun sa labas ay heto kami't naglalandiang muli. Hahahaha! Chos, hindi naman landian in the truest sense kasi nagcucuddle lang naman kami. Tapos nung nangalay, kumain kami ng jjampong tsaka kung anu anong snacks na dala namin. Ang sarap lang sa feeling ng kayakap mo nang halos kalahating araw ang taong mahal mo. And magkadikit kami sa buong byahe, cr lang ang hadlang. Hahaha.
Sobrang saya ko talaga. Sana hindi na matapos tong happiness na nararamdaman ko. :)

BINABASA MO ANG
COMPLETED. [On-going]
Fiksi RemajaFor his life would never be COMPLETED. Without her.