Prologue
Sa isang isla, bandang kanluran at isang milya ang layo sa Hilagang Luzon, may katutubong nakatirang tinatawag na 'Kuki.' Sila ay mga mababait na taong naniniwala sa diyos ng putik na si Baal. Sobrang lakas ng paniniwala nila sa kanya at nakasaksi na sila ng hiwagang nangyari gawa ng diyos nila.
Habang ang mga mangingisda ng tribong Kuki ay namamangka, mayroon silang nakitang malaking barko.
[Native Language Translated]
"Isang malaking bangka! Mas malaki pa sa bangka natin!" sigaw ng lalaking namamangha o natatakot. Hindi ako sigurado sa reaksyon niya.
"At ito ay gumuguho! Dinadala na lang ng alon ito papunta satin!"
"Naku! Papunta na satin!" nag-freakout yung isang lalaki at nag dive sa tubig para lumangoy pabalik sa dalampasigan.
"Punyeta! Ang tanga mo!" sigaw ng lalaking matanda. Nagsagwan siya pakaliwa para hindi sila mabangga ng malaking barko.
Sa barkong iyon ay mayroong mga Tsino na may dala-dalang mga flour at iba pang panggawa ng mga tinapay. Wala silang choice kundi manirahan sa islang iyon. Ang lahat ng dala nila, pati ang sirang barko, ay ninakaw lang nila at tinakas. Pambihira naman oo.
Namuhay ang dalawang magkaibang lahi. Nagkasundo sila at ang bawat isa ay namamahagi ng mga kaalaman na magagamit nila sa kanilang pamumuhay. At siyempre hindi maiaalis yung magtatalik sila't gagawa ng cross breed.
Nagdaan ang panahon ay nagpasikat nanaman si Baal. Naggawa siya ng isang estatwang gawa sa putik. Siyempre dahil shy lahat ng diyos, hindi siya nagpakita. At doon nagsimula na ring maniwala ang mga Tsinong noon ay may ibang pinananaligan.
Isang cross breed ang nag-eksperimento at nakagawa ng matigas na tinapay na minodelo ayon sa bilugang buwan. Para hindi malito, cookie ito na may mga design na parang sa surface ng moon.
At nagreact ang shy na diyos ng putik. "Wow! I truly really truly like the design of that bread! I think I want to make this as an element for their faith to me to be strong." magulong pag-iingles niya.
At yun na nga. Isang araw ay may mahiwagang nangyari. Napaligiran ng putik ang ikinalalagyan ng cookie. Umikot-ikot ito na parang ipo-ipo. Mabilis na kumalat ang balitang ito at madaming tao ang pumunta upang masaksihan ang kahiwagaan. Lumabas si Baal sa langit at siya'y lumuha ng dugong kulay brown na masasabing putik rin. Tumulo ito sa cookie. Sa sobrang kamanghaan ng mga tao ay lumuhod sila at nagdasal sa diyos.
Makalipas ng ilang sandali ay natakpan siya ng mga ulap at ang putik sa paligid ay unti-unting naging kislap. Pansin ng mga tao ay para bang lumakas sila. Ngayo'y pinaniwalaan nilang lahat na naging napakahiwaga ng cookie at ito ang dahilan ng kanilang lakas. Itinago ito sa isang lalagyan at inilagay sa isang templong ginawa ng cross breed. Ang templo ay nasa itaas ng isang mataas na burol na ginawan nila ng hagdan sa bawat apat na direksyon para may design at para madaling maka-akyat. Ang mga tao ay pumupunta roon upang magdasal ng pasasalamat at kumuha ng lakas.
Ngunit, may mga tao ring gustong makuha ang cookie sa sarili nilang kapakanan. Minsan nang pinagtangkaan ang cookie. Mabuti na lang ay may isang taong mahusay sa martial arts na tumulong upang bantayan ito. Magmula noon ay nag-atas na ang Filipino-Chinese ng mga bantay sa cookie; sila ay tinawag na Cookie Defenders. Ibubuwis nila ang kanilang buhay upang bantayan ang cookie hanggang sila'y mawala na sa mundo o pagsumapit na ang kanilang menopause. Sa mga di nakaka-alam ng menopause, eto yung hindi na tumatayo yung ano ng lalaki at hindi na nabubuntis ang mga babae.
Ligtas na ligtas ang islang ito sa mga dumaang World War. Bakit? Kasi binigyan nga sila ng kapangyarihan ng Cookie. Hindi sila nasusugat, nababalian ng buto at iba pang nakakadiring paraan ng sakit o pagkamatay. Ang tanging makakapatay lang sa kanila ay lason, pagkalunod, hindi paghinga ng ilang minuto, sakit, depresyon, at pagkatanda. Ganito ang pinagkaloob ng malakas na pananalig sa cookie.
BINABASA MO ANG
The Legendary Cookie I
ActionAction/Adventure/Comedy/War/Teen/Novel/Ongoing ---RATED 13+ (MATURE) ---This book contains foul language and explicit organ depictions. Although usage has been minimized a lot, if you are offended by these elements, still read it, and you will never...