Kabanata VII: Ang Paligsahan
"Sige push-up pa! Wala akong makikitang hindi nababasang ulo dyan ha!" sigaw ni sir Ricochet.
Pinapapush-up niya kami sa pinag-aalunan ng dagat. Tuwing binababa namin ang ulo namin dapat lumubog ito sa tubig. Simula nang makuha na naming lahat ang pagkontrol sa Enerhiya, naging istrikto na si sir sa pagtra-training samin. Bagsak kaagad kami tuwing matapos ang pagsasanay. Swerte ang mga babae dahil patalon-talon lang sila ng puno. Kailangan naman nilang maghanap ng mga prutas na kakainin naman namin.
Mahirap man paniwalaan pero pitong buwan na kami naririto, ayon sa record ni Kaell. Inuukit niya kasi sa puno ang bawat araw na lumipas. Kamusta na kaya bahay namin? Akala ko pa naman sobrang special treatment kami sa pagsasanay namin rito sa Cookie Island, pero sa labas lang pala ng Cookie Town ang abot namin.
Masaya rin kasi nakaexperience kami ng ganito. Lima o anim na beses kaming nasiraan ng tent dahil sa mga pagsugod ng mga iba't ibang kakaibang mala-halimaw na hayop at mga bagyo. Pero naririto pa rin kami. Buhay na buhay.
Sinasanay na rin raw kasi kami ni sir sa darating na gera. Kakailanganin namin ang mga ganitong klase ng kaalaman kung gusto naming mabuhay. Gusto ko na ring malaman kung ano na ang kasalukuyang nangyayari sa balita.
Natapos na ang sobrang daming push-ups at pinagpahinga kami ni sir ng 10 minutes.
"Nauuhaw ako." angal ni Riel.
"Nauuhaw ka pa niyan eh nilubog-lubog mo na ang ulo mo sa tubig dagat?" sabi ni Vrat.
"Kahit na! Gusto ko ng tubig na di maalat! Mayroon ka pa ba Asiong?"
"Wala na." sagot niya.
Kulang ang sampung minuto para kumuha ng tubig sa ilog na malayo-layo pa rito. Humiga na lang kami sa mainit na buhangin na nakakakiliti ng likod.
"Kailan ba tayo babalik? Gusto ko na ulet magkaranas ng masarap na buhay." sabi ni Vrat.
"Oo nga. Gusto ko na talaga balikan yung mga bully sa Cookie Town. Tignan lang nila kung ano na ang binatbat nila sakin." sabi ko naman. Nakaka-excite na talagang makipag-away sa mga iyon kasi siguradong wala na silang mapapala sakin. Ang hangin.
"So. Anong plano mo kay Colie? Aagawin mo na ba siya? Sigurado namang wala na rin sila ni Calvin eh. Pitong buwan ba naman?" tanong sakin ni Asiong.
"Ano ba? Wala akong gusto sa kanya. Single ako habang buhay." sagot ko naman.
"Pfft! Torpe!" sigaw ni Vrat.
"Ulul!" sabi ko naman sa kanya.
Nag gabi na at nagsibalikan na ang mga babae sa camp.
"Who wants saging?" masiglang tanong ni Vi.
"Ano pa ba? Puro saging lang naman yung nakuha natin eh." sabi ni Ella. May kutob ako na dinadaya talaga kami ng mga babaeng ito. Isang linggo na kaming saging lang ang kinakain. Siguro pasikreto silang kumakain ng mga ibang prutas sa gubat.
"Ang tagal na walang Henrique. Ang tagal na walang Calvin. Natitiis niyo ba." loko ni Jyosei kila Kaell at Colie.
"Adik ka!" sagot nila.
Inubos agad namin ang mga saging na dala nila. Lagi naman kaming mabilis kumain kasi laging pagod.
Dumating si sir sa camp na may dala-dalang mansanas. Sabi na eh! Dinuduga lang talaga kaming mga lalaki sa pagkain.
"Magpahinga kayo dahil bukas ay babalik na kayo sa Cookie Town."
Good news!
Sobrang saya naming lahat.
BINABASA MO ANG
The Legendary Cookie I
ActionAction/Adventure/Comedy/War/Teen/Novel/Ongoing ---RATED 13+ (MATURE) ---This book contains foul language and explicit organ depictions. Although usage has been minimized a lot, if you are offended by these elements, still read it, and you will never...