Kabanata II: Break
Pagtapos ng hapunan ay dumiretso agad kami sa aming bahay. Di pa kami matutulog. Nagkuwentuhan muna kaming lahat sa damuhan. Liwanag ng buwan, bukas na ilaw ng bahay at ang dalawang lampara ng ilaw sa tabi ng gate ang tanging nagsisilbing liwanag dito.
Puro tawanan ang naganap. Makailang beses na nga kami sinisita ng kabilang section, di sila makatulog sa ingay.
Inoobserbahan nina Ella, Kaell at Vrat ang puno. Kinakataka nila kung bakit ito biglang naging ganon. Silang tatlo ang pasok sa honors ng section namin sa school. Si Ella'y tenth, Kaell naman ay sixth at si Vrat ay ang second honor. Ang masasabing pinakatanga naman dito samin ay si Ti-Ne. Kaso siya naman ang punakamatangkad at isa sa mga sporty ng section namin ngayon.
Naiisip ko ang grupo naming sampo. Medyo balanse kasi, mayroong matatalinong magiging strategists o leader ng grupo, at apat na maliliksi't malalakas na magiging defenders. Ako mabibilang mo na gumigitna. Ako ang may pinakamalakas na boses samin. Di ko pa alam kung anong pwedeng gawin nun. Sina Colie At Vi, na BFF's forever, ang pinaka-observant/chismosa samin. Di ko rin alam kung para saan yun.
Naglaro muna kami ng "Nanay Tatay" ng mahina ang boses. Ayaw namin masita ulit nung mga masusungit sa ibang seksyon. At para may thrill, ang magkakamali ay kailangang mag Truth or Dare.
Unang nagkamali si Jyosei at dare ang pinili niya. Si Vrat ang nag-dare na magbato siya ng itlog sa malayo. Siguradong mayroong bahay o seksyon siyang matatamaan.
"Heto na ah." bumuwelo siya hawak ang itlog. Pero binato lang niya ng mahina sa kabilang section.
"Ahahahahahahaha!" natuwa si Ella. Pinagalitan namin siya baka kasi lumabas yung mga taga-ibang seksyon at makita yung itlog.
Sunod namang natalo si Asiong. Truth naman ang kaniyang pinili.
"Ilan na naging girlfriend mo?" si Jyosei ang nagtanong.
"Tatlo."
"Oh? Tatlo pa lang pala?" sabi ni Ella.
"Joke. Mga sampo na rin."
Nang magsawa na ang lahat, binati na namin ng good night ang mga babae at nagsipasukan na sa bahay. Nauna si Asiong sa banyo para maligo. Umupo muna ako sa tabi ni Riel at nakipagdaldalan. "Ang saya kanina no?"
"Oo nga, pero nakakatakot. Pano kung nabagok tayo kung san-san nung hinahampas hampas tayo nun?" sagot naman ni Riel.
"Di yun. Napansin ko na pinalakas tayo nung cookie. Nabagok bagok na tayo kanina pero di naman tayo nagkakabukol. Nahimatay yung iba siyempre sa lakas, pero pagkagising nila nandun pa rin yung lakas nila diba? Parang walang nangyari!" paliwanag ko na may pagka-OA ang tono ng boses.
"Oo nga napansin ko rin." singit ni Vrat "Dapat bali-bali na ang buto natin kanina. Pero ano lang nangyari? Nagasgasan at namulikat lang tayo."
Lumakas ang paniniwala ko sa cookie. Kung wala iyon, sigurado ay nasa hospital na kami. Medyo nabawasan ng kaunti ang kaba ko sa pagsabak sa gera.
Pagkatapos maligo ang lahat ay dumiretso na kami't natulog. Walang nagkulitan dahil sa sobrang pagod.
Nagsimadalian ang lahat sa sobrang excited sa training. Nakakamangha talaga't walang sumakit sa katawan namin. Naaalala ko nung tuwing P.E. time na tuwing excercises o BMI ang pinapagawa, kinabukasan ay laging masasakit ang katawan namin. Pero ngayong extreme/hardcore/insane/difficult ang mga ginagawa namin, di naman namin kinailangan ng pain reliever. At dahil iyon sa cookie. Yay!
Apat na araw na ang lumipas, at paulit-ulit lang ang training namin. Ilang beses na namin natalo ang puno. Break namin ngayon Sabado at Linggo, kaya't pwede kami magpasyal-pasyal sa Cookie Town.
BINABASA MO ANG
The Legendary Cookie I
ActionAction/Adventure/Comedy/War/Teen/Novel/Ongoing ---RATED 13+ (MATURE) ---This book contains foul language and explicit organ depictions. Although usage has been minimized a lot, if you are offended by these elements, still read it, and you will never...