Kabanata V: Section Santan

75 1 0
                                    

Kabanata V: Section Santan

Hawak ko na ang isang kutsara ng golden soup na ginawa namin. Kinakabahan ako't naeexcite sa susunod na mangyayari.

"Go Ching!"

"Higupin mo na!"

"Dali!"

Heto na. Whew! Hihigupin ko na.

Hihigupin na.

Nasa labi na.

Hinigop ko na.

Heto na.

Ano kaya ang mangyayari?

"Ano lasa?" tanong ni Jyosei.

"Lasang keso." sagot ko.

"Keso? Ba't keso - Oh My God!" reaksyon ni Ella.

Ha? Anong nangyari? Wala pa naman akong nararamdaman ha? Lahat sila ay tinuro ang aking paa. Medyo natakot ako ng makita ko na nakalutang ako sa sahig.

"Hala! Hala!" kinakabahan ako kasi di ko alam kung paano gumalaw. Baka bigla na lang ako lumipad sa langit at di na magkaroon ng kontrol sa sariling katawan.

"Relax lang Ching. Ngayon ituturo ko sayo kung paano gumalaw. Panuorin niyo siya't makinig rin sakin." lumapit sakin si Sir Ricochet.

"Huminga ka ng malalim at unti-unti mong ibuga at idiretso mo ang kamay mo paharap at buksan mo ang palad mo." utos niya sakin.

Ginawa ko nga. Bumuga na naka diretso ang kamay paharap at bukas ang palad. Pero napalakas ata. Mabilis akong lumipad papunta sa dingding. Gets ko na! Pag bumuga ako aatras ako.

"Dahan dahan lang para mabagal." sabi ni sir.

This time humarap ako sa dingding at ginawa ang aksyon para umatras ako pabalik sa kanila. Success!

"Galing ha." puri ni sir.

Ang mga kaklase ko naman ay manghang mangha sa mga nangyayari. "Woah! Gusto ko yan itry!"

Ganun lang ang pagkontrol sa lipad. Bubuga ka kung saang direksyon nakapwesto ang dalawa mong kamay at lilipad ako sa opposite na direksyon. Pwede akong umikot, humiga, dumapa at kung ano anong posisyon o galaw na gusto ko. Parang nasa ilalim kasi ako ng tubig pag nakalutang.

Pag pinuwesto ko ang kamay ko sa lapag lilipad na ako pataas. Nung tinry ko napansin kong may mga nakatingin sakin na taga-ibang section. Di ko makita kung anong reaksyon nila kasi malabo ang mata ko. Humiga ako't pinuwesto ang mga kamay sa langit at bumuga. Narito na ako sa damuhan ng bakuran namin.

"Ang isang tablespoon, oh 15mL ay tatagal ng limang minuto lamang. Kailangan dagdagan pa para tumagal ang epekto ng potion." paliwanag ni sir.

Nalaman kong tapos na ang epekto ng potion nung lumapag na ang mga paa ko sa sahig. Medyo nagulat pa ako sa biglang bagsak.

Sinubukan na nilang lahat at tuwang tuwa sila. Kung san sang lupalok sila lumipad.

"Kitang kita ang hanay ng mga bahay dito! Wooh!" sigaw ni Asiong habang nasa langit.

"Kita ang Cookie Temple!" sigaw naman ni Kaell.

"Kita ang lahat!" sigaw naman ni Riel!

Pinapanood ko silang lumipad kung saan saan habang nakahiga. Nakakangawit kasi pag nakatingala. Nagpaalam rin ako kay sir kung pwede pa kong makainom ulit ng potion, pero di na niya ko pinayagan. Natry ko na raw kasi. Bwisit ano kaya kinalaman nun?

"Your limited time is near up!" sigaw ni sir sa kanila. Hanep talaga ang english, Grabe.

Nagsibabaan na ang lahat. Sina Asiong at Riel pa nga'y nasobrahan ang buga at bumagsak ang likuran sa damuhan.

The Legendary Cookie ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon