Kabanata I: Pagbabago
Magmula sa daungan ng barko, sinundan lang namin yung inatasan samin na Cookie Soldier na maghahatid samin sa Cookie town.
"Ang lamig ng hangin dito." sabi ni Ti-Ne habang naglalakad.
"Dito ba sa village kami titira?" tanong ni Jyosei sa isang Cookie Soldier na naghahatid samin. Medyo walang respeto yung pagkasabi. Tropa tropa din.
"Hinde. Hintayin niyo maghahanap tayo ng tricycle. Magugulat kayo pag nakita niyo kung saan kayo titira." sagot ng sundalo na may pagka-friendly na tono ng boses. Mas lalong nakakaexcite nung sinabi niya yun.
Sumakay kami ng tricycle. Mapapansin kung gaano naapektuhan na rin ng sibilasyon ang village. Mas magandang tawag na nga dito ay barangay dahil halos kaparehas na ng barangay namin ito. May palengke, ukay-ukay, bilihan ng tinapay, club, bar at kung ano ano pang nakikita ko rin sa barangay namin.
Biglang tumigil ang trike. "Nandito na tayo."
Pagkalabas namin ni Riel sa trike ay nagulat kami sa nakita namin. Nganga kaming lahat sa ganda ng gate ng Cookie Town. Ito ay gawa sa kahoy at may nakaukit sa gitna na simbolo ng Cookie. Mataas ito't malaki. Ang mga dingding naman na nakapaligid sa buong Cookie Town ay maihahalintulad sa Great Wall of China. May mga sundalo na nagpapatrol sa taas nito.
"Labas pa lang yan. Paano kung nakita niyo ang loob." sabi ng kasama naming sundalo na kanina pa nakatingin samin. Ngangang nganga talaga kami.
At heto na nga. Bumukas ang gate. Ang simbolo ng cookie sa gitna nito ay nahati sa dalawa ng nagsimula itong maghiwalay sa magkabilang direksyon paloob sa Cookie town. At nang makita namin ang loob, reaksyon namin ay:
"Oh my god!"
"*GASP*"
"Shet ang ganda!"
Sa loob ay may naghahanayang bahay na Chinese at Bahay Kubo ang style, daanang napapaligiran ng magagandang bulaklak at puno. Pag sinundan kung saan patungo ang tuwid na daan, makikita mo ang maliit na templo. Naka tayo ito sa isang burol na mayroong hagdan sa apat na direksyon. Pagkapasok namin ay makikita ang magandang pagkakagawa sa buong paligid. Maraming bulaklak, at puno na napakaganda ang pagkakaayos. Nakakamangha ang buong paligid.
Inihatid kami ng sundalo sa aming bahay. Napakaganda ng itsura ng titirhan namin. Sa loob ng bakurang gawa sa makinis na kahoy, malambot at malinis na karpet ng damo ang maapakan. Mayroong dalawang puno sa magkabilang dulo ng entrance. May daanang gawa sa pebbles ang patungo sa Bahay kubo na may halong Chinese Design. Ito ang magiging tahanan namin. Katamtaman ang laki, isa lang ang palapag at pantay na hinati sa dalawa. Ang isa para sa lalaki, at ang isa para sa babae. Ibig sabihin ay magkatabi lang kami ng bahay ng section namin. Hindi katulad sa karaniwang bahay na ang lahat ng mga babae o lalaki, kahit anong section pa sila, ay pinagsasama. Organized dito.
Sa loob ng aming bahay ay sobrang presko ang hangin. Tamang tama ang lamig, akala namin may aircon pero wala. Mayroong isang TV na may cable at DVD player, at isang desktop na computer.
Ang saya ko rin nang malamang may sarili kaming Wi-Fi. Lima kaming mga lalaki, dalawang double deck lang ang meron at isang couch na gawa sa kahoy, nilagyan ng malambot na sapin. Gusto ko sana roon matulog pero nauna nang humiga si Asiong roon. Doon ako sa taas ng double deck napunta.
Ang kulang nga lang ay cabinet. Mayroon lang kaming tig-iisang astiging kahon na may pagka chest na lalagyan namin ng gamit. Kasya naman lahat ng damit ko roon.
Pag kailangan naming maglaba ay mayroong laundry shop dito na libre ang serbisyo. Pwede kaming lumabas kaso may ibibigay muna saming tracking device. Hindi namin ito kayang sirain at tanggalin, kasi kung gagawin namin iyon ay baka matanggal lang ang laman at balat namin sa braso.
BINABASA MO ANG
The Legendary Cookie I
AksiAction/Adventure/Comedy/War/Teen/Novel/Ongoing ---RATED 13+ (MATURE) ---This book contains foul language and explicit organ depictions. Although usage has been minimized a lot, if you are offended by these elements, still read it, and you will never...