Kabanata VI: Pananalig
Ayun! Sapak ng sapak. Patay na nga ata tong sinasapak namin di pa rin kami tumitigil. Nahinto na lang kami nang mayroong iba pang kaaway na tumakbo papunta sa amin.
Binuhat ni Ella ang isang upuan at binato sa isang kalaban. Nailagan niya ito at tumira ng flying kick sa kanya. Sinangga niya ito at sumawsaw si Kaell. Hinila niya ang collar nito't tinuhad ang sikmura. Niyakap naman ni Ella ang lalaki't nagbend para bumagsak ang ulo nito sa sahig. Wow! Medyo buchog pero kaya magbending.
"Ching! Tulong dito!" sigaw ni Colie na dalawa ang kinakalaban. Agad akong tumulong sipain ang babaeng mala-rockstar ang porma. Nagslide si Colie sa ilalim ng isang lamesa para makalayo sa lalaking dadagan sa kanya. Ayun, bumagsak yung matabang engot. Tumalon ako sa isang lamesa at bumagsak sa kanya gamit ang dalawa kong tuhod. Masakit rin yun.
Si Colie ang nakipagpalitan ng mabibilis na atake kay Ms. Emogurl. Isang hampas rito, isang hampas roon. Parehas silang nagkakatamaan pero nung simula ng masampal ni Colie yung babae, nagawa na niya itong patumbahin sa pangalawa. Di pa nakuntento sinampal pa ng pangatlo. "Hoy tama na!" awat ko sa kanya.
Sina Jyosei at Vrat ay nakikipaglaban sa lima. Gusto kong tumulong kaso nastuck ako sa mga nilalabanan ko ngayon. Binalibag ko yung huli kong kalaban kay Ti-Ne. Sinapak niya ang sikmura nito ng malakas at natalo.
Sinugod ko yung isa sa limang kinakalaban nila Jyosei. Dahil hindi ako napansin nito, nagawa kong umatake ng mabilis na nagdislocate ng braso niya.
"Ching dapa!" sigaw ni Riel.
Dumapa nga ako't muntik na matamaan ng mga flying plato. Tumakbo si Riel papunta sa bumato. Grabe ang liksi liksi niya talaga.
Binaling ko ang tingin ko sa natirang apat na kalaban. Dahil kami ay magagaling, yabang nanaman, natalo namin sila. Hinampas ni Vi ng upuan yung huling kalaban na nakatayo.
"Ubos na ata natin." sabi ni Asiong.
"Hala! Ang galing-galing naman natin!" manghang-mangha si Ella sa ginawa naming 'violence.'
Naputol ang saya namin ng may bumaril ng mga karayom mula sa escalator.
"Tago!" sigaw ko.
Nagsipuntahan kaming lahat sa ilalim ng mga mesa. Si Vi ay lumalamon pa ng hotdog on stick na ninakaw niya sa isang canteen na nagbebenta nun. Wala na yung mga cashier kaya ang sarap magnakaw.
Di pa rin tumitigil ang pagbaril.
"Anong plano?" sabi ni Asiong na katabi ko sa ilalim ng mesa.
"Kaell?" tinawag ko siya. Alam kong siya ang mayroong pinakatalento sa pagsasabi ng mga lokasyon-lokasyon na bagay
Alam na niya kung anong gusto ko ipagawa sa kanya. Sumilip siya ng mabilisan. "Pababa na siya ng escalator. Papunta na siya dito."
"Isa lang?" tanong ko.
"Oo."
"Asiong." patawag na bulong ko sa kanya.
"Yes boss?" sabi niya.
"Takbo ka papunta kay Riel. Tapos sabihin mong tumakbo kayo ng opposite na direksyon." utos ko sa kanya.
Agad siyang tumakbo at siya ang binaril. Di siya natamaan. Ilang segundo ay sabay na silang tumakbo ni Riel sa magkabilang direksyon. Mas piniling barilin si Asiong pero mababa ang takbo niya kaya nasasangga ito ng mga lamesa.
"Go!" sigaw ko.
Lumabas si Jyosei at nambato ng mga plato. Si Vrat naman ay dahan dahang lumilipat sa mga table para makalapit ng kaunti sa lalaki. Sumugod kami ni Ti-Ne. Si Colie naman ay tumakbo sa direksyon ni Asiong.
BINABASA MO ANG
The Legendary Cookie I
ActionAction/Adventure/Comedy/War/Teen/Novel/Ongoing ---RATED 13+ (MATURE) ---This book contains foul language and explicit organ depictions. Although usage has been minimized a lot, if you are offended by these elements, still read it, and you will never...