6. Who Had My Back

671 25 8
                                    

GINNY'S POV

"Di na pala ako makakapunta, Ginny. May biglaan kaming alis ni Mommy eh, bawi ako sayo next time?"

Hindi agad ako nakaimik sa kabilang linya. Napabuntong hininga na lang ako at tumango kahit alam kong hindi ako nakikita ng kausap.

"G-ganun ba? Ok lang, ingat kayo ah?"

"Thanks! Sorry talaga. Balitaan mo na lang ako ah?"

"Sige."

"Ok. Bye, Honey." Ayun lang at naputol na ang tawag.

"Bye. Love you." Sagot ko kahit pa wala na si Trent sa kabilang linya.

Binulsa ko yung phone ko at iginala ang mata sa paligid. Nasa waiting area kami ni Mama, naghihintay ng balita dahil nasa Emergency room pa rin si Papa. Mag dadalawang oras na kaming naghihintay.

Umupo ako ulit sa tabi ni Mama at hinaplos ang kanyang likod. Di pa rin sya tumitigil sa pagiyak. Tinext lang ako ni Mama kanina nung nasa school ako para ipalaam na sinugod sa ospital si Papa. Nadisgrasya daw sa construction site, sabi ng mga kasamahan nya na sumundo kay Mama sa bahay kanina.

Hinihintay din namin si Ate Gwen, mayamaya paparating na din dahil tinawagan ko na sya kanina. Sa ngayon pinipilit ko maging matatag para kay Mama, baka kasi lalo sya mag panic kapag nagpakita ako ng panghihina ng loob.

Sobrang kinakabahan ako, sa totoo lang. Nagaalala ako kay Papa. Halos hirap nga ako magsalita dahil pinipigilan ko mag break down. Sana naman maging ok sya. Pinikit ko na lang ang mga mata ko at nagdasal ulit para sa kaligtasan nya.

"Ginny..."

Marahan lang ang pagtawag nya sa pangalan ko. Pero nakilala ko agad ang may ari ng boses na yun dahil mula sa kinauupuan ko, amoy ko rin ang perfume nya na nakaka kalma sa sobrang bango.

Tumingala ako at nagtama ang tingin namin. Bakas ang pagaalala sa mata nya. Tumango lang sya sa akin at tumayo ako para lumapit sa kanya.

"Piper..." Mahinang nasabi ko na lang nang yakapin nya ko. Parang awtomatikong yumapos din sa kanya ang mga kamay ko at isa isang naglaglagan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Shhh, your Dad's going to be fine." Bulong nya sa akin habang hinahaplos ang buhok ko. Hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko pagtapos at tinignan ako sa mata. "I'm here for you. Be strong. Okay?"

Huminga ako ng malalim at tumango. Pinunasan nya ang mga luha ko gamit ang panyo nya at isang munting halik ang dinapo sa noo ko.

Badump. Badump. Badump.
'Teka, ba't parang mas lalo akong kinabahan?'

Sunod na kinausap ni Piper si Mama bago kami umupo sa tabi nya. Ilang sandali pa lumabas na rin ang doktor na hinahanap ang pamilya ni Papa, agad naman kaming tumayo at inalam ang lagay niya.

Sabi ng doktor, ligtas na daw sa panganib ang buhay ni Papa pero kailangan nya muna magstay sa ospital ng isang linggo para tuluyan syang gumaling at masiguradong walang komplikasyon.

Pumayag ang doktor na bisitahin si Papa, kaso isa lang daw muna para hindi sya masyadong maistorbo. Syempre si Mama agad ang nauna.

"Thank God, magiging ok din si Papa." Ngumiti ako kay Piper.

"See? Told you he's going to be alright." Isang sincere na ngiti naman ang binalik nya sa akin.

"Salamat nga pala sa pag punta ha?"

"Hey, I'll be here when you need me. So don't sweat." May pang asar na binunggo nya pa ng konti ang balikat ko.

Game Over (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon