2. Ginny

783 27 1
                                    

"Ginnyviv! Ano ba't tulala ka nanaman at hindi mo pa nagagalaw yang pagkain mo?"

Aw.

Si Mama talaga kulang pa ung pagalitan na lang ako, tinawag pa ung buong pangalan ko. Minsan talaga iniisip ko may galit sila ni Papa sakin nung pinanganak ako eh. O kaya pareho lang silang lasing nung pinangalanan nila ako. Tsk.

"Sorry na Ma. May iniisip lang ako. Saka Ma, wag mo naman po binubuo ung pangalan ko at maaga pa, baka lalo po ako malasin." Di ko kasi mapigilan matulala dahil nag aalala ako sa boyfriend kong si Trent.

'Hayyy.. kawawa naman ang honeyboo ko. nabugbog ng bayolenteng babae na un!' Napapailing ako pag naalala ko ung mga pangyayari kahapon. Mainit tuloy ang ulo ni Trent nung ginamot ko sya, sakin pa nga nabunton ung inis.

Kasi naman ung Piper na un eh! Kundi dahil sa kanya makakapasyal pa sana kami ni Trent sa park kahapon. Tsk. Inis talaga ko dun sa babae na un eh. Nuknukan ng yabang. Nung nagsimula ko magaral sa Mori U. nung first year college ako sikat na sikat na agad ung barkada nila. Buti nga at sikat sila kaya alam ko na agad kung sino ang mga iiwasan ko sa school una pa lang. Syempre naman, gusto ko grumaduate ng tahimik at nang hindi masayang ang scholarship ko. Saka bata pa lang kami ng Ate ko, pinangaralan na kami ni Papa na umiwas sa mga masasamang impluwensya.

Naalala ko pa nga, matagal bago ko nakita ng personal ung mga masasamang balita ng school. Hindi naman kasi sila pakalat kalat lang sa campus tulad ng mga ibang estudyante. Kaya nung una ko silang makita, magkakasama pa sila, turn off agad ako sa kanila. Paano ba naman mga saksakan ng gwapo at ganda na halatang mga rich kids pa ang anim na yun.

Si Bradley, blonde na exchange student galing American. Naakit na yata nya ang kalahati ng male population ng Mori U.

Si Era, ung maliit na babaeng mukhang manika. Sobrang prim and proper ang kilos pati boses parang bata, pero sobrang sadista magsalita.

Si Lucas, isang part time tattoo artist na kahit puno ng tattoo sa katawan ay laging may bitbit na libro.

Si Xena, the warrior princess, este ung captain ng volleball team ng school na mahilig sa anime at mag cosplay.

Si Hayde, isang genius na hindi halata sa kanyang trademark na evil smirk. Curious ako sa kanya dahil kahit sobrang pogi, hindi babaero.

At syempre, si Piper, ang number one bad girl ng Mori U. Sa totoo lang pareho sila ni Hayde na sobrang misteryoso kasi iba iba ang naririnig ko sa ugali nila. Ang sigurado lang ako ay mainitin ang ulo ni Piper, at papalit palit ang mga lalaki at babae nya.

Hindi talaga nagiging boring ang school dahil laging may kalokohan ang anim na yun. At tama ang nabasa nyo kanina, turned off ako sa kanila lahat sa itsura pa lang. Di kasi ako natutuwa sa mga magaganda at pogi dahil kadalasan ang mga tao nabubulag sa panlabas na anyo lang. Di mo alam ba't mabait sayo ung tao, dahil lang sa maganda ka at hindi na mag aabala kilalalin kung ano talaga ang pagkatao mo.

"Ginny, ano? Nangangarap ka nanaman ng gising dyan. Malalate ka na oh. Kanina ka pa sinasabihan ni Mama eh." Pukaw ng Ate ko sa atensyon ko.

"Ayan, Gwendolyn, pagsabihan mo nga yang kapatid mo at nahihibang nanaman. Baka mamaya ganyan din ang inaatupag sa school nyan ay baka matapon ang scholarship nya." Napailing iling si Mama.

Kami lang tatlo ang sabay sa agahan dahil maaga umaalis si Papa para mag trabaho sa construction.

"Ma naman, eto na nga po at kumakain na. Nagrereview lang po ako sa utak ko at may quiz kami mamaya." Palusot ko.

"Sus, anu naman ang nirereview mo at nag si'circus ung mukha mo kanina?" Pang asar ni Ate.

"Ate Gwen, yaan mo na ang face ko at dama mag exercise eh."

Game Over (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon