4. The Other Side of the Coin

597 19 0
                                    

Ginny's POV

Kapag may bagyong papasok sa Pilipinas, may balita agad. Bago pa makarating sa bansa o kapag may nagbabantang mapinsalang bagyo, may weather forecast na nag pa-paalalang mag-ingat tayo.

Sana may nakapag sabi man lang din sa akin na may bagyong paparating sa buhay ko. Itago na lang natin sya sa pangalang Piper. Di ko akalaing magku-krus ang landas namin at windang na ako agad sa kanya.

'Kakainis talaga, di man lang ako na inform!'

Ilang oras na ang nakalipas simula ng deal namin kanina sa sasakyan nya. Dahil dun di tuloy ako nakapag concentrate sa mga klase ko at natutulala talaga ko sa gulong 'to.

"Ginny! Wa wents ka naman kwentuhan oh. Kanina pa ko daldal ng daldal dito, NR ka pa din. Wag mo na isipin 'yon di ka mahal non!" Agaw ni Ana sa atensyon ko. Tapos na ang mga klase namin at nagpahinga lang kami saglit sa isang shed sa ilalim ng malaking puno.

Since 1st year, ka'block section ko na si Ana at naging magkasundo agad kami. Tulad ko, scholar din sya pero hindi hamak na mas may kaya ang pamilya nya keysa sa amin. Hindi man sya kasing yaman ng sino man sa barkada nila Piper, maginhawa naman ang buhay nila. Di mo nga mahahalata sa kanya dahil simple at kalog si Ana. Kaya nga naging close kami agad dahil ayaw nya din sa mga maaarte naming kaklase.

"Tsk. Sorry na! Napasok kasi ako sa isang malaking gulo. Mababaliw na yata ako!" OA na kwento ko with matching gulo sa buhok pa.

"Matagal ka nang baliw, friend. Ngayon ka pa ba magwo'worry?"

Tinignan ko lang sya ng masama. Minsan kahit sya lang ang tanging kaibigan ko sa school, gusto ko syang saktan. De, joke lang. Love ko yan si Anabells.

"Ehem." Tikhim nya para iliko ang usapan. "Biro lang, sis. Anyway, dahil na naman ba kay Trent yan?" Sabi nya na may kasamang eye roll.

Dahil sa maraming kadahilanan, di talaga sya boto sa boyfriend ko. Pero sabi nya sakin dati, papakisamahan na lang daw nya dahil malaki na ako at choice ko naman yun.

"Hindi no! Hay... Magiging part time tutor na kasi ako."

"Oh, ano namang masama dun? Extra income! Kayang kaya mo yan, Ginny!"

"Yung pag tu'tutoran ko ang problema eh..."

"Bakit naman? Pabitin ka ah!" Reklamo nya.

Bago pa ko nakasagot, biglang nagring ang phone ko.

Death calling...
Death calling...
Death calling...

'Hay, tinatawagan na ko ng kalbaryo ko!'

Pinindot ko ang answer key ng cellphone kong mumurahin. Di sya touch screen, at hindi rin colored. Pero pinagipunan ko itong bilhin kaya ingat na ingat akong gamitin.

Sumenyas ako kay Ana para mag excuse, tinaasan nya lang ako ng kilay.

"Hello?" Bored na sagot ko sa cellphone.

"Finally! What took you so long to answer?" Reklamo ni Piper sa kabilang linya.

'Sus kala mo naman may limang minuto nag hintay.'

Di ko pinansin ang sinabi nya.  "Anong kailangan mo?"

"Where are you?" Aba! Di rin nya pinansin ang sinabi ko!

"Nandito 'ko shed sa tapat ng Engineering Bldg. Bakit ba?"

"Stay where you are." Yun lang at pinutol nya ang tawag bago pa ko makasagot.

"Sino yun? Ba't nakabusangot ka?" Usisa agad ni Ana.

"Yun. Yun ang gulong sinasabi ko.... at ayan. Ayan na sila." Parang wala sa sariling sagot ko nang matanaw agad sina Piper sa di kalayuan.

Game Over (girlxgirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon