Chapter 5
Fiancé"We're going to my friend's house later..." Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain ng magsalita si Mom. Kapapasok n'ya palang sa pintuan at ito na agad ang bumungad sa akin na salita.
"Mom..." Tumayo ako at lumapit, akmang hahalikan ko s'ya pisngi pero mabilis s'yang nakapaglakad kaya hindi ko nagawa.
Napalunok ako at nanahimik nalang, I don't feel welcome in this house. I should have not come with them, dapat nagstay nalang ako sa Manila...
"Bilisan mong kumain at mag-ayos. They invited us for dinner." Istrikta n'yang sabi at napatungo nalang ako.
"Mom, pwede po bang h'wag akong sumama? I have something to..."
"You'll come. H'wag kang makulit Cailegh." Kumuha s'ya ng baso ng tubig at uminom, mabigat man ang dibdib ay sumangayon nalang ako.
Gusto ko sanang makausap si Travis mamaya kaso may pupuntahan kami, hindi bale. Umakyat ako sa kwarto at naghanap ng maayos na damit para isuot.
I choose a white simple dress, tutal naman ay nasa beach kami kaya maayos naman na ang suot ko.
I wonder where Travis is right now, it's been 3 days since I last saw him dahil kapag tinetyempuhan ko s'ya sa kanila ay wala s'ya roon. Ayoko naman magtanong kasi nakakahiya, hindi pa naman s'ya pumapayag sa favor ko na tulungan ako sa pag-alala kaya ayokong abalahin s'ya.
The only good thing that happened when I came here with my parents is that I met Travis, bukod sa pwede n'ya akong matulungan, gwapo na, may abs pa, tapos...
Tss, ano ba 'yan. Pinagnanasaan ko nanaman s'ya!
"Cailegh! Faster!" It was Mom's.
"Coming!" Inilagay ko sa balikat ko ang buhok ko bago lumabas at hinagilap ang flats ko, muntik pa nga akong matisod pero mabuti nalang ay nakahawak ako sa gilid. So clumsy.
Nang makita n'ya ako ay agad s'yang lumabas at sumunod nalang ako sa kanya, nasa may gate naman ang dad ko at may kausap sa phone. Mabuti ay may time pa sila sa dinner na ganito no? Bakit sa akin wala?
I shook my head and removed my thoughts, it must be an important dinner, I guess.
Walking distance lang ang restaurant mula sa amin, nasa may tabi kasi ito ng dalampasigan. Nagpatiuna na ang parents ko at tahimik lang akong nakasunod sa kanila.
Isang sea food restaurant ang pinasukan namin na inaasahan ko na, naglakad sila at may sinabi sa receptionist bago ito nagpatiuna sa amin at may itinuro na upuan.
Naupo ako roon at nanatili naman ang parents ko sa may harapan ko, hindi ako kumibo at tinignan lang ang phone ko.
"Sorry we're late." Ibinaba ko ang phone ko at tinignan ang paparating, in front of us was an older lady na may kasamang lalaki. Nang titigan ko ito tsaka ko lang narealize na si Harris iyon.
"Ris..." I called him. Halata ang gulat sa mata n'ya ng makita ako at ngumiti.
"Hi Cai!" He smiled at bumaling sa katabi.
"Grandma, this is Cai." The old woman nodded at me and I smiled.
"You're here, come on. Take a seat." Naupo sa harap ko sang matanda at si Harris naman ay nasa tabi ko.
Harris was my friend noong nasa America pa ako, s'ya ang kasama ko at una kong nakita ng magising ako na walang kahit anong maalala. I forgot who he is, I forgot my name at kung sino talaga ako pero ayaw na nilang ipabalik sa akin ang nakaraan.
Kumain kami at tahimik lang ako, pati si Harris ay walang imik. Ang magulang ko at matanda ay nag-uusap at nakikinig lang ako.
"Is that her?" The old woman said.
BINABASA MO ANG
The Great Pretender (Published Under Bliss Books)
General FictionHot Bachelors Series #3: Amidst finding her forgotten past and escaping an arranged marriage, Cailegh meets an old friend who offers to be her pretend fiancé, not knowing that he is more than what he claims. But will Cailegh love the same person she...
Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte