Chapter 3
Just an old friend
"Kilala mo ko eh." Iniupo n'ya ako sa sofa at umalis sa harapan ko.
"Hindi nga, ang ingay mo." Pumasok s'ya sa kung saan at pagkakataon ko iyon para ilibot ang tingin sa paligid, nasa rest house n'ya kami ngayon na malapit lang pala ng sa amin. The interior of his place is manly pero napakaganda sa paningin ang mga materyales na gamit, it was refreshing at nakakawala ng pagod.
Travis has really a good taste in designs...
"Travis..." Mahinang bulong ko at napasandal sa sofa n'ya, even his name sounds good and really hot na bagay sa kanya. Inayos ko ang shirt n'ya na suot ko at bahagyang lumingon sa kusina na pinasukan n'ya at nang makumpirmang wala pa ito ay inilapit ko ang shirt n'ya sa ilong ko.
"Shet ang bango!" I giggled at ipinikit ang mata ko bago inamoy pa ito, his natural scent lingers on my nose at napakasarap nito sa pang-amoy.
"You can instead, smell me if you want." Mabilis kong nabitiwan ang damit at umayos ng upo, sa harapan ko ay nakatayo si Travis habang may dalang kit. Nakangiti s'ya at bumabalandra ang yummy abs n'ya sa harapan ko.
"K...Kanina ka pa?" Pumirmi ako ng upo at tinagilid ang paa ko.
"Not really but enough to see you fantasizing and smelling my shirt." Kumislap ang mata n'ya at abot-abot naman ang kahihiyan na naramdaman ko.
"I...Inamoy ko lang, mabaho eh." Palusot ko pero tumawa lang s'ya sa sinabi ko bago naupo sa lamesa na harapan ng sofa.
"Uh-huh? So, would you please tell me I am mistaken when I heard you say my shirt smells so damn good?" His smile twitched and turned his head to the side, watching me.
"Imagination mo lang yun!" Kinagat ko ang labi ko at lumunok, kita ko ang pag-iiba ng ekspresyon n'ya pagkatapos ay umiling-iling.
"Bakit?" I asked at inialis ang nakatabing na buhok sa mukha ko.
"Don't bite your lip." Pinakawalan ko ang labi ko na kagat ko at tumikhim.
"Ano... Travis..." Parang bigla akong nahiya ng tawagin ang pangalan n'ya, lumingon naman s'ya sa akin at pinasadahan ng kamay ang magulong buhok at maya-maya pa ay napangiwi.
Sheet of paper, bakit ba ang gwapo n'ya kahit nakangiwi?
"Anyare sa'yo?" Tanong ko.
"Nothing," maya-maya pa ay tumayo s'ya at nagulat ako ng lumuhod s'ya sa harapan ko bago iniabot ang paa ko at inispeksyon ang sugat ko.
"Why do you have to be so careless?" Hindi nakatinging sabi n'ya bago iniabot ang medicine kit at naglabas ng cotton at alcohol.
"Sumabit yung tsinelas ko sa bato."
"Kaninong kasalan?" Tanong n'ya.
"Sa bato. Tanga eh, kitang dadaan ako haharang s'ya." Tumigil s'ya sa paglagay ng alcohol sa cotton at nakangiti na ng tignan ako.
"Loko." He laughed softly at inilapit ang cotton sa tuhod ko pero hindi pa man nakakalapit ay inihawi ko kaagad ang kamay n'ya.
"H'wag! Masakit 'yan!"
"Tss... It's not, come on. Tuyo na yung dugo oh." Inilapit n'ya ulit pero mabilis kong hinawi ang kamay n'ya at umiling.
"Ayaw, please..." Ngumuso ako at nagpacute. Nangingiting nailing s'ya bago binitawan ang cotton at nagulat ako ng kunin n'ya ang kamay ko at pinisil.
Naramdaman ko ang kakaibang kuryente na nasa sistema ko at ang kiliti sa tyan ko sa ginawa n'ya.
"Kaya mo 'yan, parang kagat lang 'yan ng langgam." He gave me his warm and reassuring smile bago ako tinitigan kaya wala sa sariling napatango ako. Pakshet lang, nakakadala ang ngiti n'ya.
BINABASA MO ANG
The Great Pretender (Published Under Bliss Books)
Genel KurguHot Bachelors Series #3: Amidst finding her forgotten past and escaping an arranged marriage, Cailegh meets an old friend who offers to be her pretend fiancé, not knowing that he is more than what he claims. But will Cailegh love the same person she...
Wattpad Original
Mayroong 8 pang mga libreng parte