Chapter 8
Date"Ano..."
"Hmm? Sasama?" Napalunok ako ng tumama ang hininga n'ya sa likod ng tainga ko, oh god. I can't breathe!
"Ano... Amoy pawis pa a...ako," Hindi magkandaugaga kong sabi, I'm not used to his presence lalo na at nasa likuran ko s'ya at nakayakap mula sa likuran ko, hindi ko na napansin ang paligid at tanging ang presensya n'ya lang at ang malakas na tibok ng puso ko ang dama ko.
Nahigit ko ang hininga ko ng tumama ang ilong n'ya sa leeg ko na parang inamoy ito...
"Hindi naman eh." I feel my cheeks flushed on what he said, parang gusto ko nang lamunin ng lupa dahil sa ginawa n'ya. Inamoy n'ya? Seryoso?
"W...Weh?" Biglang dumulas ito sa bibig ko, nagvibrate sa tainga ko ang mahina n'yang pagtawa at yun nalang ang ginhawa ko ng bitawan n'ya ang baywang ko at humiwalay sa akin.
"Tara?" Nakangiting sabi n'ya at hinawakan ang kamay ko bago ako hinila paalis, nagpatinaod na ako dahil wala naman akong choice. Matitiis ko ba ang kagwapuhang taglay ng lalaking 'to?
Of course not.
I will apologize to Harris nalang, later.
"Daan muna tayo sa condo ko," sabi n'ya habang naglalakad kami. Ngumiti lang ako at sumang-ayon, ano kayang itsura ng condo n'ya?
Naglakad lang kami at maya-maya pa ay nakarating kami sa tapat ng building na kinaroronan ng condo unit n'ya, the place was just near my unit. Halos magkatabi lang ang mga building ng amin, may mga dalawang building lang ang pagitan.
"Good morning, Sir..." Nakangiting baling sa kanya ng guard at tumango lang s'ya, napatingin sa akin ang guard at bahagyang nagulat pero nagawa ring ngumiti at bumati.
"Good morning din, ma'am," tumango ako at ngumiti.
"Morning..."
Pagkarating sa tapat ng unit n'ya ay binitawan n'ya ang kamay ko para pindutin ang password. Medyo nakadama naman ako ng panhihinayang mula roon, sayang. Binuksan n'ya ang suite n'ya at inaya akong pumasok, halos mapaawang ang bibig ko ng makapasok na ako sa loob. Wala sa sariling naaglakad ako ng dire-diretso malapit sa salas ng unit n'ya.
"I will change, saglit lang..." hindi ako nakapagsalita sa sinabi n'ya at nakatingin lang ako roon, may flat screen na TV sa gitna nito at may kulay itim na sofa ang nakapaligid sa gilid nito, may salamin ding lamesa sa gitna nito. Sa ibaba naman ng TV ay ang DVD player at iilang mga bala ng CD na marahil ay pinapanuod n'ya.
Umupo ako sa itim na sofa at tinignan ang mga magazine na naroon, pulos mga magazine lang ito ng pagkain o hindi kaya ay mga iba't-ibang lugar sa ibang bansa na pwede pasyalan. Napangiti naman ako habang binubusisi ang mga magazines n'ya, too good to think na walang men's magazine dito. The thought of him, reading a men's magazine here makes me sick.
Ewan ko ba, parang naiinis akong isipin na magbasa s'ya doon ng ganun... Syempre, normal lang na may mga babaeng involve na sa magazine na halos wala ng saplot.
Napangiwi ako, geez. Ayokong isiping nagbabasa s'ya ng ganun. Naiinis ako.
"You're murdering my magazine, Leigh..." Napaayos ako ng upo at nabitawan ang magazine na hawak ko, napanguso ako ng makita na nalukot ang isang pahina nito na hindi namamalayan. Masyado ba akong nadala ng bugso ng damdamin?
"Oh, sorry..." Hindi ko s'ya tinitignang sabi at inayos ang mag at ibinalik sa ilalim ng lamesa n'ya. Nakakahiya naman, nanira pa ako ng gamit.
"Aalis na ba tayo?" Tumayo ako at pumihit at natigilan ako ng makita s'ya, naka-gray s'yang damit at khaki pants.
"Let's go?" Napakurap ako at nakagat ang labi. Pinasadahan n'ya ng palad ang buhok n'ya at napalunok ako dahit sa ang hot n'yang tignan sa ginawa. Oh God, bakit nag-uumpaw ang biyaya n'ya noong ginawa n'yo s'ya?
"Leigh?" he snapped his fingers in front of me at doon lang ako natauhan.
"Ha?" lutang kong tanong sa kanya, I am still mesmerized by his hotness kaya hindi ako makapa-isip ng matino.
"Let's go..." Napapiksi ako ng hawakan n'ya ang braso ko at napanganga.
"Seryoso? Aalis na tayo?" Maang kong sabi at pinasadahan ng tingin ang kabuuan n'ya, he look like a greek god sa totoo lang, ang gwapo-gwapo din tignan ng patubong stubbles sa may baba n'ya at ang labi n'yang bahagyang nakaawang habang nakatingin sa akin.
Tumango naman s'ya at napakagat-labi ako. Tinignan ko s'ya na napakagwapo at mukhang fresh samantalang ako ay mukhang dugyot at basang-sisiw.
"Ayoko..." umiling ako at umatras sa sinabi n'ya, kumunot ang noo nito at tinitigan ako.
"Why?" Nagtatakang tanong n'ya, nag-iwas naman ako ng tingin at umismid.
"Look at you, mukha kang..." Natigilan ako. "Gwapo..." Natulala s'yang saglit pero malutong na humalakhak pagkatapos at pakiramdam ko ay nangamatis ang pisngi ko nang marealize ang sinabi ko.
Cailegh, hindi ka ba marunong magnasa ng tahimik? Kailangan naka-shout-out?
"I...I mean, mukha kang tao..." Palusot ko. Tumingin ako sa kanya na nasa bulsa na ang isang kamay pero hindi mawala ang ngiti sa labi. "Tapos ako, mukhang... nevermind,"
"No, you look good..." Lumapit s'ya sa pwesto ko at hinawakan ang braso ko."Hey, look at me." Nahihiyang nag-angat ako ng tingin at sinalubong ang mga mata n'ya.
"You look good, okay? Come on. Date tayo." Napasinghap ako at pinroseso sa utak ko ang sinabi n'ya, did I hear it right?
"A...Ano?" I feel my body tense sa sinabi n'ya.
"Walang ulitan sa bingi, come on..." hinawakan n'ya ang kamay ko at hindi na ako nakaalma ng dalhin n'ya ako sa sasakyan n'ya, pinagbuksan n'ya ako at mabilis akong sumakay, tinignan ko ang itsura ko.
I'm just wearing a plain white shirt, sweat pants and a running shoes. Jogging na jogging ang dating, samantalang sa kanya ay pang-alis talaga at sobrang gwapo n'ya kahit simple lang ang suot. Pumasok s'ya makaraan at naamoy ko agad ang pabango n'ya na napakasarap sa pang-amoy.
"Seatbelt, please..." hinagilap ko kaagad ang seatbelt at iniayos sa katawan ko, tumingin s'ya sa akin saglit bago pinaandar ang sasakyan papaalis, binaba n'ya ang aviators sa kanyang mata at sumisipol habang nagmamaneho. Gusto kong ngumawa sa ginawa n'ya, kulang nalang ata ay mahimatay ako dito sa sobrang pagpapantasya sa harapan n'ya.
Gosh, bakit ba napakagwapo n'ya?!
Nagpark s'ya maya-maya sa tapat ng isang restaurant at mabilis na bumaba, bago ko pa man mabuksan ang pintuan ay naunahan na n'ya ako, inalalayan n'ya ako pababa at hindi pumalya ang ngiti ko habang naglalakad kami. Pagkapasok naming ay doon lang ako kinain ng hiya, seryoso? I look like a mess tapos sa ganito ka-sosyal na resto ang pupuntahan namin?
"Trav..." mahinang sabi ko at kumapit sa braso n'ya, nasa amin na ang atensyon ng mga tao sa paligid at pinapasadahan na nila ako ng tingin dahil sa itsura ko.
"Hmm?" Tumingin s'ya sa akin at pumaikot ang kamay sa baywang ko.
"Lipat tayo ng lugar. Please... nahihiya ako." Tumigil s'ya sa paglalakad at hinawakan ang kamay ko, my world stopped when he squeezed my hand at ngumiti sa akin. "H'wag kang mahiya, okay? You look lovely even when you're on your jogging attire." Malambing n'yang sabi at natigilan naman ako, inakay n'ya ako paupo at nagtawag ng waiter para um-order.
BINABASA MO ANG
The Great Pretender (Published Under Bliss Books)
General FictionHot Bachelors Series #3: Amidst finding her forgotten past and escaping an arranged marriage, Cailegh meets an old friend who offers to be her pretend fiancé, not knowing that he is more than what he claims. But will Cailegh love the same person she...
Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte