Chapter 10
MagbatianThe moment his lips touches mine, nawala ako sa sarili. Banyaga pero pamilyar ang pakiramdam ng hagkan n'ya ako.
Kahit hindi makapaniwala ay basta nalang nagsara ang mga mata ko at hinagilap ang leeg n'ya para mas mapalapit pa sa 'kin. He caressed my cheek and continue kissing me, it was slow, sensual and so passionate na parang dinadala ako sa ibang mundo...
"Hmmm..." Napakapit ako sa leeg n'ya ng mahigpit ng maramdaman ko ang marahang pagkagat nito sa pang-ibabang labi ko. I know it's a sign and without any second thoughts, I slowly parted my lips and let his tongue invade my mouth 'till our tongues fought in unison.
Hindi ako makagalaw, ni hindi ko maisip na itulak s'ya palayo sa akin dahil sa paghalik n'ya.
Naramdaman ko pa ang ang pagbaba ng sandalan sa likod ko at ang unti-unti n'yang pagpatong sa akin habang hindi naghihiwalay ang mga labi, mas dinama ko ang init ng halik n'ya at sinabayan ito katulad ng ginagawa n'ya.
"Fuck..." Mahinang mura n'ya ng kagatin ko ang pang-ibabang labi n'ya at haplusin ang likod n'ya, malamlam n'ya akong tinitigan pagkatapos bago ipinikit ang mata at balikan ang labi ko. Wala sa oras na napangiti ako at malalim s'yang hinalikan, his body tensed-up at mas lumalim ang halikan namin.
His hands gently went to the top of my breast kaya bigla akong nanigas at natigilan, I can feel the electricity flowing from his hands going to my body. Parang nakuryente ako sa paghaplps n'ya roon at hindi nakagalaw.
That's when he stopped.
Matama s'yang nakatitig sa akin at napalunok ako habang nakatitig sa mga mata n'yang malamlam at nag-aapoy, biglang nawala ang kamay n'ya sa dibdib ko at umakyat sa pisngi ko.
"I'm sorry..." Seryoso n'yang sabi bago dahan-dahang humiwalay sa akin at hinawakan ang kamay ko para makaayos ng upo, bigla akong nataranta at hindi magkandaugaga na inayos ang sarili ko at ang magulo kong buhok.
Inayos n'ya ang sandalan ng upuan ko at ang hindi pa din ako makatingin sa kanya, nanginginig ang katawan ko sa nangyari. Kakaiba pero masaya sa pakiramdam.
Biglang sumagi sa isipan ko ang sinabi n'ya pagkatapos akong halikan.
I'm sorry...
Sorry saan? Sa paghalik n'ya sa akin? The pain on my chest goes back like it's a cycle na paikot-ikot lang, saglit na mawawala pero babalik pa rin.
Natigilan ako at napigil ang hininga ng lumapit ang mukha n'ya sa akin, umasa akong hahalikan n'yang muli pero inayos n'ya lang ang pagkakakabit ng seatbelt sa akin.
Walang imik at tahimik lang ang byahe namin pauwi sa condo ko, hindi man nagsasalita ay alam kong ihahatid na n'ya ako pauwi.
Nanatili lang ang titig ko sa daan at miminsang titingin sa kanya na walang imik ding nagmamaneho. The silence between us was beyond awkward at sigurado akong ang halikan ang dahilan.
He told me na magkaibigan kami dati pero normal ba sa magkaibigan ang naghahalikan?
"Leigh..." Halos mapatalon ako sa bigla n'yang pagtawag sa pangalan ko at mabilis na napalingon sa kanya.
"H...Ha?" Alangang sabi ko, nangangatal pa ang labi ko na ikinaiinis ko.
What's happening to you Cailegh?
Inginuso n'ya ang harapan pero hindi ako nakalingon roon, napako ang tingin ko sa labi n'yang namumula pa dahil sa pagkagat ko. I swallowed the lump on my throat and my cheeks burn.
Wala na akong narinig na salita mula sa kanya kaya unti-unti akong nag-angat ng tingin at nahuli s'yang nakatulala rin sa akin, sa labi ko. Nang malamang nakatingin na ako sa kanya ay mabilis s'yang nag-iwas ng tingin at hindi ko alam kung namamalik-mata lang ako o hindi pero nakita kong namula ang pisngi n'ya.
BINABASA MO ANG
The Great Pretender (Published Under Bliss Books)
General FictionHot Bachelors Series #3: Amidst finding her forgotten past and escaping an arranged marriage, Cailegh meets an old friend who offers to be her pretend fiancé, not knowing that he is more than what he claims. But will Cailegh love the same person she...
Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte