Hindi mahirap hulaan kung ang isang pasahero ay totoong scholar o kaya naman ay nagiiskolar-iskolaran. Sa madaling sabi, madaling makilala ang peke sa genuine scholar. Halimbawa, kapag nakasalamin pero wala namang silbi ang salamin kundi pamporma lang, pekeng iskolar iyan. May ibang nagsusuot ng salamin para sa wizard look effect (karamihan ay sa lalaki) at maging henyo ang dating gaya ni Harry Potter. May nagsasalamin din kahit napakalinaw ng mata, at sa halip na marka ng salamin ang makikita sa paligid ng mata ay makapal na eyeliner o eyeshadow ang makikita. Medyo magdududa ka rin lalo na kung ang contact lens ay gaya ng sa pusa o kaya naman ay napakalinis ng salamin na halos makikita mo ang pupil nang buong- buo pati na ang mga nerve endings sa loob ng retina. Baka isa siyang pekeng iskalar (iskalar ang bigkas nito ng mga matatanda sa probinsya. Karaniwang peke siyempre ang salamin ng pekeng iskalar. Sa halip na ito ay pampalinaw ng mata, ang salaming suot ng pekeng iskalar ay yaong walang grado, magaan at malabo gaya ng nagasgasang salamin ng revo, sanhi ng wiper nito. Pamporma lang ito, panghatak sa madlang pabebe. Mayroon kasing distinct characteristics ang mga totoong iskalar. Sila yaong matatalino tingnan mula ulo hanggang paa, medyo nagpapawis at oily ang mukha at maraming pimples, marumi ang kuko dahil sa alikabok ng mga aklat na bitbit. Sa dami ng aklat ay kinakailangan niyang magdala ng sando bag o kaya ay bag na pamalengke. Kung medyo nakaririwasa ang iskalar ay wala sila sa dyip. Nagtataxi. Pero kung talagang dahop pero matalino, nasa dyip ang mga iyan. Medyo problema kapag iskalar ang katabi mo. Hindi na halos naaayos ang kanilang sarili dahil nga sa kakaaral. Magulo ang buhok. Kapag humangin nang malakas ay makakain mo ang 100 pieces ng kanyang bangs o kaya naman ay maaamoy mo ang hindi sariwang pawis sa kanyang batok at sa punong-tenga. Ang uniporme niya ay puro tinta ng bolpen. May kalmot ng pusa sa siko, dahil libangan niya at kalaro ay ang kanyang pet. Hindi maganda ang pagkakaplantsa ng kaniyang uniporme dahil sa pagmamadali. Minsan, kung isang babae ang iskolar ay dalawa ang lipstick: blue sa itaas na labi at sa lower lip naman ay red. Kulang na lang ang yellow at star para maging watawat. Nakakalimutan kasi niya ang mga bahagi ng mukha dahil sa pag-iisip kung paano mareresolba ang maraming triangles at mga x sa Plane Trigonometry at ang mga angles sa Calculus na siyang libangan niya kung break. Nalilimutan rin niya na magtanggal ng tinga dahil habang kumakain ay nagbabasa siya ng mga aklat ni Tolstoy o ni Irving. Dinidibate niya ang mga pilosopiyang kontemporaryo at klasiko gaya ng kina Socrates at Plato o kay Lao Tze at Kung Fu Tze. Hindi siya basta-basta naniniwala na dalawa lang ang oxygen atom ng water. Tinitest muna niya ang PH level ng tubig sa kantin bago ito inumin. Kung umuulan naman ay tinitingnan niya ang level ng acidity ng mga droplets of water na naiipon sa alikabok ng kanyang sapatos. Hindi siya naniniwala sa prinsipyo ni Noynoy. Ang sinusundan niya ay ang prinsipyo sa pelikulang horror- na madaling mamatay sa takot ang mga hindi iskalar. Iskalar-isang batang nag-aaral sa kolehiyo na pinapaaral ng baranggay o ng medyo maperang kapitbahay kapalit ng serbisyo nito sa kaniya gaya ng pangangatulong o pagiging kasambahay- alilang kanin kumbaga. Ang mga ganitong estudyante ay dangal ng kanilang pamilya. Sila yaong nagpapahalaga sa edukasyon. Ika nga ay kayang dumaan sa mga pagsubok lalo na ng kahirapan. Dahil sa kanilang pagsusumikap aay isa sila sa nakikipagsiksikan sa dyip upang mairaos ang maghapon sa isang mura ngunit mainit na paglalakbay tungo sa kanyang paghahanap at pagtuklas ng karunungan.
"Ma, bayad po" sabi ng katabi kong iskolar. Sinipat ko ang kanyang dalang aklat. Kumpirmado. Iskolar nga. The Communist Manifesto ang kaniyang hawak. Nakalabas sa bag na sira ang zipper ang isa pang aklat na maliit: The Art of War. Maraming balumbon ng scratch paper, tissue, balat ng bigbang, lapis na apat na pulgada at nginatngat na ang pantasa, rubberband, may tabletas ng pantanggal siguro ng sakit ng ulo, may balat ng 3 in 1 coffee at kung ano-ano pang abubot ang makikita sa nakabuyangyang na bag sa kanyang hita. Hindi rin magara ang kanyang amoy, gaya ng kolehiyalang iskalar din ang peg sa harap ko. Ang kanyang mahabang buhok na halos hanggang tagiliran ay sumasabay sa tugtog sa dyip, nakasalamin siya at may malaking ribbon sa ulo, skinny jeans at bodyfit na mababa ang sa bandang dibdib. Nakasuot ang ID na may malaking lace at nakasulat ang pangalan ng unibersidad sa Mandaluyong, may maliit na shoulder bag na mukhang siksik sa basic needs ng isang nagdadalaga. Hindi ko na huhulaan ang laman niyon. Pero mahihinuha na iyon ay lipstick, pulbos, pabango at celfon na may camera para picturan ang mga lecture sa powerpoint ng propesor. Wala siyang kahit anong gamit sa pag-aaral maliban siguro sa dala-dalang diskarte at katamaran na pak na pak kumbaga sa kanyang dating. Maya-maya ay may tumawag. "Yeah, I am cumming ah yeah, yes, sure, hmmmm, okay, yes, hmmmmmm, are you guys complete?Hmmm... yeah it's traffic ahhh yes, yes! but I am coming wait....hoy! putspa naman oh kanina pa akong tumatawag hindi kayo nasagot. Tatlong redhorse! Oo sa boarding niya tayo...(hindi na dinugtong ang house)Kumpirmadong pekeng iskalar. itutuloy
�����;�60
BINABASA MO ANG
Juan's World Is Juan Jeepney
RandomJuan's World Is Juan Jeepney (istorya atbp. sa loob ng dyip) Maraming kuwento sa bayang ito. Ang ilan ay kathang isip, ang ilan ay katotohanan. Ngunit marami eh walang kabuluhan. Nagkakaroon lang ng kahulugan kung ang konteksto eh akademiko o an...