Chapter 19: San ba ko nagkulang?

5 0 0
                                    

Pagtapak ko palang sa Ninoy Aquino Airport ay naamoy ko na agad ang amoy ng usok ng mga kotse. Yup, this is philippines alright. Biglang bumigat ang pakiramdam ko. Biglang bumalik lahat ng masasakit na pangyayari sakin. Huminga ako ng malalim upang maibsan ng kahit konti ang bigat na nararamdaman ko. Nang maramdaman kong medyo okay na ang pakiramdam ko ay nagpara ako ng taxi at sumakay.

"Kuya, sa may Sucat, Paraniaque po malapit sa Jaka." tumango ang taxi driver at lumarga na kami. Tumingin ako sa bintana ng Taxi Cab at tumingin sa mga lugar na nadadaanan namin. Well, i'm back. Pero sobrang bigat parin nang pakiramdam ko. Parang gusto kong umiyak na ewan. Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin ng bintana ng Taxi. Ang nakikita ko ay isang babaeng walang patid ang pagtulo ng kanyang mga luha.

Isang babaeng nagmahal ng sobra sobra, pero nasaktan lang ng pauli ulit. Isang babaeng pagod na sa lahat ng masasakit na pangyayaring naranasan niya. Isang babaeng nakakulong sa isang hawla at gusto nang maging malaya. At para magawa niya ito ay kailangan niya ring pakawalan ang sarili niya pati ang taong pinakamamahal niya. Dahil, sa pag ibig na ito, puro sakit lang ang naidulot sa kanya.

"Ma'am, andito na po tau." pahayag ng taxi driver. Di ko namalayang nakahinto na pala ung sasakyan. Binigay ko sa kanya ang bayad at lumabas na. Humarurot paalis ang Taxi. Tiningnan ko ang bahay na nasa harapan ko.

Napabuntong hininga ako. I guess this is it. Kaya mo yan Elle! Pag katapos nito malaya ka na rin.. Pagpapanatag ko sa sarili ko. Ilang sandali ang lumipas bago ko napagpasyahang pumasok na sa loob.

Nadatnan ko ang mga magulang ko na nasa couch at nanonood. They look so good together. Sa kanila mo talaga makikita ang definition ng forever.

Forever. Isang word na lagi kong pinaniniwalaan. Isang word na nakasakit sa akin ng paulit ulit. Isa ring word na ayaw ko ng paniwalaan.

You see, wala namang masamang maging bitter. Patunay lang nito na nasaktan ka, kaya sana maintindihan ka ng ibang tao. Bumalik ako sa realidad ng napansin ako ng ina ko.

"Aka-chan, andito kana pala!" masayang bati ng aking ina at niyakap ako.

"Yes ma, I'm back." sagot ko nang magkahiwalay na kami sa pagkakayakap at nginitian siya. Napansin ko si papa na nakatingin sa akin. Lumapit ako sa kanya.

"I'm back." Nakangiti kong pahayag sa kanya.

"Welcome Home, aka-chan." at hinagkan niya ako. Ginantihan ko rin siya ng yakap at humiwalay na rin pagkatapos.

"Bakit di mo sinabing babalik ka na? I could've throwed you a party." Tanong ng ina ko.

"Now that's why I didn't told you." pabiro kong sagot.

"You know, your daughter hate surprises right?" tanong ng papa ko sa kanya.

"I know, I know." sagot niya.

"Anyway, are you hungry?" tanong niya sakin.

"Nah. Kumain na po ako eh." sagot ko sa kanya.

"Ok. You must be tired. Sige, akyat ka na para makapag pahinga ka na." pahayag niya.

"Ok ma. Goodnight ma at pa." kiniss ko silang dalawa at umakyat na.

Pagkadating ko sa kwarto ay humiga ako agad. Bukas na nga lang ako mag aayos. Haaaayyy.. Makatulog na nga. Bumigat ang mga mata ko at tuluyan na akong nakatulog.

Umaga.............................

Napamulat ako ng mata dahil sa sinag ng araw. Napaupo ako sa kama. I guess this is it. Ok. Let's get this over with. Pumunta na ako sa banyo at naligo. Pagkatapos maligo ay nagbihis na ako. Habang nag papatuyo ng buhok...

TO: CALVIN

Let's talk. now...

-ELLEDA

~Sent!~

Pagkatapos kong magpatuyo ay dali dali akong bumaba dala ang aking cellphone at wallet. Nagpara ako ng taxi sinabi kung saan ako bababa. Ilang oras lang ay nakarating na ako sa lugar na iyon. Ang lugar kung saan ko siya sinagot. Naaalala ko parin ang pinakamasayang pangyayaring un............

FLASHBACK:

Andito kami ngaun ni Calvin sa playground. Ililibre niya daw kasi ako ng pagkain eh.. Syempre, tatanggi pa ba ako? Pagkain yan eh, at libre pa. heheeheee!! XD

"Oh." abot niya sakin ng pagkain.

Syempre, dahil dakilang kuripot siya eh ice cream lng ililibre niya. -_-'

Tinanggap ko na lang ung bigay niya. Pagkain parin lang naman un eh. Habang kumakain ng ice cream ay nagkwentuhan kami ng kung anu-ano. Ito ang gusto ko kay Calvin. Napaka komportable niyang kausap. He's a good listener at hinding hindi ka niya iju-judge. Wait--- Sinabi ko bang gusto??!! Mali mali mali!!!! Hindi!! Erase Erase Eraaaaaassssseeeeeee!!!!!!!

Napailing ako sa naisip ko.

"Uy, okay ka lang? Ba't napa iling ka dyan?" tanong niya.

"H-ha???? A-ahm..... W-w-wala!!!!" nauutal kong sagot at binilisan ang pagkain ng ice cream. Naramdaman kong nakatingin siya sakin.

"Bakit? May dumi ba ako sa mukha?" tanong ko sa kanya. Akmang pupunasan ko ang dumi sa mukha ko nang pinigilan niya ako. Pinunasan niya ang dumi sa mukha ko gamit ang hinlalaki niya at nagulat ako sa ginawa niya pagkatapos. Dinilaan niya ang hinlalaki niyaaaa!!!

Bigla akong kinabahan at bumilis ang tibok ng puso ko.. Nakuuuuuu!!!! Ito na nga ba ang sinasabi ko sau Elle!!!! Patay kang bata ka!!! Alam mo namang pinagpupustahan ka lang ng mga kaibigan niya diba!!! Hindi ka pwedeng ma in love!!!! Hindeeeeee!!!!!

Nagulat ako sa sunod na ginawa niya..........

Lumuhod siya sa harapan ko at may kinuha sa likod niya. Isang kahon na maliit. Binuksan niya ito at namangha ako sa ganda ng singsing.. OHMHAYGHAD!! Don't tell me...........

"Elleda Raine Chua, i know hindi sobrang magarbo ang ginawa ko pero sana malaman mo na ginawa ko to ng buong puso ko. Mahal na mahal kita, noon pa.. Aishteru..... Wo ai ni...... Te Amo... Sarang hae.... I love u so much... I don't know what life would be without you by my side... Will you be my Forever? My One and Only?" pagtatapat niya sakin.

Naiyak ako dahil sa tuwa at sakit. Tuwa kasi ginawa niya to para sakin at sakit dahil alam kung hindi ito totoo. Isa lang akong parte ng pustahan at sobra akong nasasaktan dahil dun. Pero, dahil tanga ako pumayag ako. Eh anong magagawa ko? Mahal na mahal ko siya eh. Sobra.... Hanggan ngaun, umaasa parin ako na sana magbago isip niya. Na matutunan niya rin akong mahalin. Sana mangyari un....... Sana...................

END OF FLASHBACK....

"Elle?" nagulat ako sa tumawag sakin at pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko bago ako humarap.

"Calvin." tawag ko sa kanya. Akmang yayakapin niya ako ng pigilan ko siya.

"Andito ako para tapusin na ang namamagitan satin." saad ko sa kanya.

Tumulo ang mga luha ni Calvin. Nagulat ako. Ngaun ko lang napansin na namumugto ang kanyang mga mata. Hindi.. Wag kang magpapaloko, Elle.. Patibong lang ito. Wag kang maaawa. Wag kang iiyak... Wag kang iiyak...

Pero taksil ang mga luha ko at nagpatakan ulit sila.

"Please, don't do this to me. I love you..." Iyak niya sakin...

"Please rin naman.. Auko na! I want to be free.. I feel hurt everytime i see you... Pag nakikita kita, bumabalik lang sakin ung mga katangahan na ginawa ko dati. Un ay ang mahalin ka! Pero salamat narin. Dahil sau, natuto na ako.." sagot ko sa kanya habang umiiyak. Nasasaktan parin ako... You we're my first love... and you broke my heart.

"Please Elle, Patawarin mo na ako.. I really do love you!! Please!!!" pagmamakaawa niya sakin at lumuhod siya.

"Bakit ganun, Calvin? Ginawa ko naman lahat diba? Naging mabait at masunurin akong girlfriend. I cared for you and take care of you. Binuhos ko sayo ang pagmamahal ko. Pero anong ginawa mo? Sinayang mo lang lahat yun. San ba ko nagkulang?" Iyak kong banggit sa kanya.

Nang hindi na siya nagsalita ay umalis na ako sa lugar na un na bitbit ang mga masasakit na alaala naming dalawa.............

Foolish heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon