CHAPTER 3:
"No, I like that one!" grabe naman kung makasigaw tong babaeng to. Tinuro nya ang key chain na hawak ko.
"Hindi, ako ang bibili nito." pag-iinsist ko. "How much is this?"
"Ah...50 pesos lang po." sabi nung tindira.
"Ok..I'll buy this for 100--"-ako
"Ako bibili nyan manang; 150." aba pinataasan pa.
"200"-ako
"250" sabi naman nung babae. Napabalik-balik naman ang tingin ng tindira sa amin. Tila nagtataka at nalilito.
"No, I'll buy this; 300"-ako
"No, 400."-yung babae.
"500, manang. Deal?"-ako
"Hoy, ano bang problema mo! Ako ang nauna dito kaya give it to me!" nilahad nya ang mga palad nya. Tinignan ko lang sya. Bakit nya ba gustong-gusto ang key chain na to? Ehehe..ako nga rin pala.
"Jaime! Bumalik ka dito! Ibalik mo yang cellphone ko!" napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Isang matabang babae na may hinahabol na napakapayat na lalaki. Parang number 10 lang. "Jaime!" sigaw parin sya ng sigaw. Napatingin lang kami dun. Ang aga-aga nagsisigawan hay naku kahit saan talaga merong maingay! Papalapit at papalapit ang payat na lalaking tumatakbo sa kinatatayuan ko. Tapos...*BOOGSH*..nabangga nya ako. Hindi ko ineexpect yun kaya natumba ako.
"Hala ka!" narinig kong sabi nung babaeng atat na atat na bumili nung key chain. Dali-dali akong tumayo. Bwisit na walking stick na yun, binangga ako! Hindi man lang nagsorry. Buti nalang at nakablack t-shirt ako. Pinagpag ko ang sarili ko. Ngayon ko lang napansin na nabitawan ko na pala ang key chain.
"You...argh..nakakainis ka, tignan mo ginawa mo!" sigaw nung babae sabay turo nung nasa may paanan ko. Dumungo naman ako at dun nakita ko ang wasak na key chain.
"Ikaw kasi, kung hindi ka pa nakipag-agawan sa akin eh di sana nakaalis na ako at hindi 'to nasira." pinulot ko ang sirang key chain. Kawawa naman.
"Arg...stupid!" nainis na talaga sya. "Manang do you have another key chain like that one?" aba nosebleed ako nun. Tumango naman si manang. Aba...kanina pa kami nag-aaway sa key chain na 'to tapos may iba pa naman palang stock. Arg..idiot! Muntik ko nang mabili to ng 500 pesos.
(A/N: This whole story is unedited so plz..be considerate. Don't forget to comment and vote...hehehee... I love you guys. Thank you for reading this short story. ^_^)
BINABASA MO ANG
Love a Stranger
Любовные романыMay mga tao talagang noon ay kinaiinisan mo pero kapag nagkataon ay mamahalin mo. It's true that you can't love a stranger but when you know more about that stranger, that person can become your friend. A friend can become one of the special person...